"Good morning, Doc!" bati ng mga nurses sa kanya.
"Good morning."
Dr. Amelise Cassidy Hernandez, an Ob-Gyne and the owner of Hernandez Doctors Hospital.
Kilala ang mga Hernandez sa mundo ng Medisina. She's the only child of Amelia and Caden Hernandez. Ang Nanay niya ay isang Psychiatrist, at ang Tatay naman niya ay kilala bilang Pediatric Surgeon.
Habang naglalakad papunta sa clinic si Cassidy ay sumalubong sa kanya ang kanyang secretary na si Ellaine.
"Good morning, Doc! Finally, you're here!"
"Good morning too Ellaine, bakit hinihingal ka?" tumingin siya sa likuran nito. "Wala namang humahabol sa iyo."
"Doc, may emergency!"
Nanlaki ang mga mata niya. "Ha?"
"Hinihintay ka na nila sa delivery room, Doc. Kailangan ka raw nila."
Nagmamadaling pumunta sa delivery room si Cassidy. Pagkapasok niya ay agad niyang nakita ang walang buhay na pasyente.
"What happened? Where's the baby?"
"The Baby's fine doc, but the mother did not make it." malungkot na sabi ng kapwa niyang doctor.
"Doc," tawag ng nurse sa kanya at binalingan niya ito ng tingin. "May iniwan na sulat ang pasyente para sa'yo, Doc."
Kumunot ang noo ni Cassidy.
"We got confused also Doc why she made you a letter when you are not her OB right? And I believe you don't know her." tumango siya bilang pagsang-ayon. "But she requested for you, Doc."
Kinuha ni Cassidy ang sulat at binasa ito.
Please take care of my son, named him Lucian Blaze. They want him dead. Protect him, as his blood will be the light of this dark world.
Mas kumunot ang kanyang noo. "Short message yet so mysterious and scary." bulong niya sa sarili.
Tinignan niya ang walang buhay na babae. "Don't worry ma'am, I promise, I will."
Kahit naguguluhan si Cassidy ay tila may nag udyok sa kanya na alagaan ang bata. Pinuntahan niya ito at tinignan. Nginitian niya ang bata. "Hello, Lucian Blaze."
Ngumiti rin ang bata sa kanya at nagulat siya nang makita itong kumulay dilaw ang mga mata nito.
Kinukurap ni Cassidy ang kanyang mata na tila hindi makapaniwala sa nakita. "What are you?" bulong niya sa sarili at tinignan ang paligid. "I'm scared Luca but don't worry I'm here to protect you." sabi niya habang hinihimas ang mukha ng bata.
Napaigtad siya nang may narinig na ingay. Liningon niya ito at laking gulat niya nang makitang nakahandusay na sa sahig ang mga nurse at kapwa niyang doktor.
"Give me the baby and you will live." nanginginig na tinignan ni Cassidy ang mga lalake na may mahahabang pangil. "Kill the light!"