Chapter 15 (Part 2)

4 6 1
                                    

"Cheers!"

Sigaw nila at tsaka sabay-sabay ininom ang mga hawak na alcoholic drinks.

Andito kami sa isang VIP room sa isang bar, kasama ang iba pang kaibigan ng mga boys upang i-celebrate ang pagkapanalo ni Luke kanina, ang sabi ni Lorin ay pagmamay ari daw to ng pamilya ni Ethan at si Ethan mismo ang nagpahanda ng VIP room pangbawi daw dahil hindi s'ya makakapunta.

Malaki ang VIP room, may Mini bar mahabang couch, at kita mo ang view ng syudad dahil sa malaking salamin ng Kwarto, nag sesrve din ng mga pagkain at may music din kaya pwede kaming mag party.

"Let's go party!"sigaw nila at unti-unting lumakas ang music.

Halos lahat sila ay nasa dance floor at ang iba naman ay nasa mini bar, samantalang ako ay naka upo lang sa couch habang umiinom ng wine.

"Not a fan of parties?"tanong ni Clark na naka upo na pala sa tabi ko. Ngumiti ako at umiling.

"Wow you are really THE IDEAL GIRL of Luke"kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Hindi lang nagpaparty Ideal girl na?

"Since the race, I've been watching you - please don't take it a wrong way, I just wanted to know why my best friend fall in love with you"

"Ever since childhood Luke have been so vocal in his Ideal girl, you know the definition of a girl who is loyal and will going to take care of you, in short a girlfriend material. But when we started our teenage years it is hard to believe that Luke will ever gonna find that kind of girl... I mean you. We play boys always at the parties and doesn't look like we are going to have a serious relationship"

"Wow, basher mo sarili mo a"singit ko at natawa naman s'ya.

"But now Impressed, habang tinititigan namin kayo kanina sa race track you two really make a good couple, Luke really found his ideal girl"

Pekeng ngiti lang ang nasukli ko sa lahat ng sinabi n'ya.

Kung alam mo lang.

"Venice"sabay kaming napabaling ni Clark sa tumawag ng pangalan ko.

Si Luke iyon na ngayon ay naka tayo sa harap namin ni Clark at madilim ang tingin sa aming dalawa. tumawa si Clark habang umiiling tumayo sa at timapik ang balikat ni Luke ngunit hindi naman s'ya pinansin ni Luke at nanatiling nakatingin lamang sa akin.

Clark excuse himself at humalo sa mga sumasayaw, sinundan ko naman s,ya ng tingin at hindi na namalayan na tumabi na pala sa akin si Luke. Bumaling ako sa kanya at nagtama ang tingin namin ilang segundo kaming nagkatitigan at s'ya ang unang bumitaw. Nagpakawala s'ya ng malalim na hininga bago nag tawag ng waiter.

"One glass of water" Anya. habang hinihintay n'ya ang tubig ay napansin n'ya ang distansya naming dalawa kung kaya't mas lalo pa s'yang umusog sa akin. Humilig s'ya sa backrest at ipinatong ang kanang braso sa barckrest sa aking likod. ilang segundo pa ay Dumating na ang tubig at agad n'ya iyong kinuha sa waiter at pinaalis na.

"Drink" nagulat ako ng binagay n'ya sa akin ang tubig.

"Ha?"

"Tss. you just finish two glasses of wine, now drink before we go" Anya at halos s'ya na ang magpainom sa akin ng tubig kaya agad kong kinuha sa kanya ang baso at tsaka kinalahatian iyon.

"San tayo pupunta?" ipinatong ko ang baso ng tubig sa table sa harap namin at tsaka ko pinunasan ng panyo ang aking labi.

Bumaling ako sa kanya ng hindi n'ya ako sinagot at naabutan ko s'yang nakatitig sa aking labi. agad naman s'yang nag iwas ng ting at pumikit ng mariin.

"Uuwi na kita" Anya at hindi pa din ako tinitignan.

"Hmm?, bakit naman?,hindi pa tapos ang party a?"inilapit ko sa kanya ang mukha ko dahil confident akong hindi n'ya ibabaling ang mukha n'ya sa akin.

A Blissful Life With You(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now