Someone told me to put this on Wattpad, so this is what I did. Hehe! Basahin nyo or hindi, okay lang. Pero I hope ma touch kayo and magustuhan nyo.
Million miles away.. we're stuck on a different days. We're on two different timezones with 5, 299 MI / 8, 528 KM distance between us.
Long distance relationship is having a love on line. Wherein, you have to put your heart on the line but believing that the one that you are taking chances on is worth it. 100% WORTH IT, Baby.
LONG DISTANCE RELATIONSHIP? Does it really work? Kapag maiisip mo, hindi madaling pumasok sa gantong klase ng relasyon. Hindi pa man nangyayari, pero alam mo na sa sarili mo na mahirap.. andon yung TAKOT, LUNGKOT, HIRAP at SAKIT sa paghihiwalay nyong dalawa. I always try to find out if there's some ADVANTAGES with this kind of relation. Majority the answer that you'll received is.. WALA. But then, I realized.. "You will learn to build your TRUST to your partner EVEN STRONGER." I never thought na mararanasan ko 'tong klase ng relasyon na 'to. Matatawa ka na lang, kasi on random times.. you will look so stupid sa dahilan na "wala lang.. nalulungkot ka lang." e kasi nami-miss mo sya pero wala kang magawa. :) you'll never get used to it, why? Hindi sya bagay na pag nagtagal matututo kang masanay. Believe me, mahirap pero andon yung "LOVE".
I sound shitty. Haha! I don't even know why am I doing this. Sobrang lungkot at pagka-miss lang talaga siguro sakanya. Lol basahin nyo na lang kung gusto nyo.
10 remaining days...
It was in the mid of October, when suddenly some changes came our way. :) yep, it may not be easy to accept things like this, pero alam naman namin na magkakaganto bago pa mag-start 'tong relasyon namin. Which is.. aalis sya ng 'Pinas papunta ng Hawaii. Actually, matagal na syang nag aantay makaalis sya hindi pa man nya ako nililigawan at nung naging kami I am the one who cheers him up when he feel so down kasi feeling nya hindi matutupad yung pangarap nyang 'to. Kasama nya ako nag antay, from August 2011 to October 2012. 11 months na kami non time na yun, at hindi ko aakalain na parang sobrang naging rushed lahat non samin dalawang mag-boyfriend/girlfriend. Yung feeling na, hindi na namin na-noticed at sa tinagal tagal ng panahon e magkakahiwalay pala kami. Good news, still a sad news though. But, all I know is.. eto na yung chance at matagal ng inaantay ng pinakamamahal kong lalake.
Flashbacks...
Naalala ko nung time na yun, nagpunta kami sa tatlong simbahan at todo kami dasal para sakanya sa interview nya. Hehe it was Sunday, ang aga namin nagsimba. Sobrang kabado sya para sa upcoming interview nya, sobrang wala sya sa sarili nya that time. All he says was.. "Pagdasal mo lang ako ng pagdasal, Baby ha? Kinakabahan talaga ako e. Maipasa ko lang yung interview, promise tutupadin ko lahat ng pangako ko sa family ko, sa sarili ko, sayo at sa future natin. PROMISE!!" I keep him calm and relax, sinasabi ko sakanya "Kaya mo naman yun, nagtitiwala ako sayo na makakaya mo yun. Anjan lang naman din ang Dyos diba."
Nakakatuwa sya, kasi.. I can see it in his eyes kung gaano sya kakabado at ka-excite para sa pangarap nyang yun. :) iba syang mangarap, sa totoo lang.
..and the said interview was scheduled the next day, Monday -- I wasn't able to talk to him that time, sobrang aga nya para don. Just sent him a goodluck message a night before his interview at US Embassy. Tulog pa kasi ako nung time na yon. Lol! Then, at around 10 AM.. he woke me up with his good morning call. "Good morning, Baby." he sounds so serious, kaya pati ako sobrang kabado at sobrang pinagpapawisan waiting for him to tell me kung anong nangyari sa interview nya. "Kamusta? Ano pong nangyari sa interview?" .."E, Baby. Okay na! Okay na, pumasa na ako. Pumasa naaa!" I was so speechless, kung mayayakap ko lang sya nung time na yon yayakapin ko talaga sya. Hehe such a good news! Napaiktad ako sa kama ko, feeling ko yung achievement nya e achievement ko na din. I cried, tears of joy and sadness.. he got no response from me. Sabi nya, "Uy Baby? Hindi ka makapagsalita jan?? Eto na oh, okay na. Makakaalis na talaga akoooo!!!!" .."Good job, Baby! Hehe. Good. Finally, Baby!"