Chapter 1

164 4 0
                                    

Chapter 1

First encounter

"OH, NO!" aniya habang marahang itinabi ang kotse. Kung bakit ngayon pa na-flat ang gulong nito. Pinatay niya ang ignition at bumaba sa kotse.

Tinignan niya ang hulihang gulong sa kanan. Nanlumo siya. Ano ba naman ang malay niyang magpalit ng gulong? Luminga siya sa paligid sa paghahanap ng vulcanizing shop. She is going north at sa ganitong highway, natitiyak niyang hindi mawawalan.

Bumalik siya sa sasakyan at hinugot ang susi. Pagkatapos ay kinuha niya ang shoulder bag at tiniyak na naka-lock ang mga pinto ng kotse.

Binaybay niya ang daan sabay ng paglinga sa paligid. Nakakailang hakbang na siya ng makakita ng hinahanap. Mabilis siyang lumapit at kinausap ang naroong tao na matapos kumuha ng gamit ay sumunod sa kanya.

Only to find out na kahit ang spare tire niya ay butas din.

Sumandal siya sa gilid ng kotse habang pinapanuod ang tao na inaalis ang gulong sa hulian.

"gaano katagal bago matapos iyan?"

"kasama na ho iyong spare tire ninyo, ma'am, humigit kumulang sa kuwarenta minuto." Sagot ng lalaki. Tumango siya. Muling luminga sa paligid "wala bang restaurant dito?"

Nilingon ng lalaki ang pinanggalingan nila. "sa unahan ho, kaunti ng shop ay may isang restaurant. Medyo disente ho at may mga biyaherong kumakain." Impormasyon nito.

Muli siyang tumayo. Siniguradong kung naka-lock ang kotse at lumakad patungo sa sinsabi ng lalaki.

Hindi ito gaanong kalayuan mula sa vulcanizing shop. Tama ang sinabi ng lalaki na medyo disente. Salamin ang mahabang bintana at ganoon din ang pintuan. May mangilan-ngilang nakaparadang sasakyan sa tapat nito.

Itinulak niya ang pinto at pumasok siya. Maraming tao sa loob dahil alas-onse pasado na. halos puno na ang mga mesa maliban sa dulo na may dalawang bakante.

Pahakbang na siya patungo roon nang mapunang ang mesa sa may katabing pinto at tapat ng bintana ay bakante. Marahil ay kaaalis lang ng umokupa ng mesa.

Humakbang siya patungo roon at naupo. Kung napuna man niya ang kutsara at tinidor na nakabalot sa napkin(or tissue) ay hindi na niya pinagukulan ng pansin.

Luminga siya at kinawayan ang isang waitress na agad namang lumapit.

"ano po ang order ninyo, miss?"

Nilinga niya ang pader sa likod ng counter kung saan nakasulat doon ang menu in red paint.

"Coffee at chicken sandwich na lang, please..." aniya. Tumango ang waitress at muling bumalik sa counter.

Bumuntong-hininga si vinice. Tinanaw ang labas ng bintanang salamin. Sa oras na biniyahe niya'y may dalawang oras pa bago siya makarating ng hacienda Ramona.

Biglang kumulimlim ang mukha niya ng maalala ang ginawang pagpapakasal kay france Martinez two months ago. Ang lalaking halos doble ang agwat ng edad sa kanya. Forthy years old na ang kaibigan ng kapatid niya na pinagkakautangan nito ng malaking halaga.

Magandang lalaki at macho pero wala siya kahit na kaunting pagtingin dito. Kinamumuhian niya ang bawat pagdantay ng kamay nito sa braso niya noong araw ng kanilang kasal.

At ang nakakapagtaka ay angpagpapaubaya nito sa kanya sa sariling silid sa hotel sa panahong nasa Nevada siya.

France was polite, sweet and thoughtful. Sa araw ay magkasama sila sa pamamasyal. Skiing, shopping at minsan ay isinama siya sa casino. Subalit hindi interesado sa kanya si france sexually. Nagtataka man ay labis niyang ipinagpasalamat iyon.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon