CHAPTER 12

9 4 0
                                    

"Kapag bukas sa hospital ka nakahiga hindi ko na talaga alam kung paano haharapin mommy mo" umiling-iling si Ayla bago uminom

"Isa kapa Erine, wag ka uminom ng madami. Ang hirap nyo iuwi"

"Eh tangina kase! Alam naman nya yung tungkol kay Lory tapos hindi nya pinigilan si Kaizen." naiinis na sagot ni Erine

Si Lory ay walang emosyong umiinom ng umiinom.

"Nakailang missed call sakin mga boyfriend nyo. Pero hindi ko naman na-miss hindi ko lang sinagot. Ano ba ginawa nyo?" tanong ni Ayla

"I broke up with him"

"Hindi ka nag iisa. Girlfriend nya'ko kanina pero ngayon hindi na. Bwiset sya. Akala ba nya I'll forgive him agad after he lied? Lory is more important than him" sabi nya at direktang ininom ang soju sa bote

Napapailing naman si Ayla at kunot na kunot ang noo dahil sa dalawa.

"Kasalanan nyo yan boyfriend boyfriend pa kayo e" sabi nya

"nagsalita ang nagmahal ng pinsan ng bestfriend" umirap si Lory

"Trev is different... Hindi sya nagsisinungaling"

Napatayo si Ayla ng biglang dumating si Ivan at hinawakan ang braso ni Erine. Si Lory ay napakunot ang noo at sinusubukang alamin ang nangyayari.

"Teka pano mo nalamang nandito kami?" tanong ni Ayla na di naman pinansin ni Ivan

"Let's talk... Please Erine... Let me explain. Hindi ako makakatulog pag hindi ko to nasabi sayo.. Please, let's go home first? "

"go home mo mukha mo! Hindi ako sasama sayo. Hindi ko iiwan si Lory" inalis ni Erine ang kamay ni Ivan at yumakap sa braso ni Lory

Hindi ito pinansin ni Ivan at nagpumilit padin. Sinensyasan ni Ayla si Erine na lumayo muna at kausapin si Ivan.

"Ivan... Tsaka na tayo mag usap about this okay?"

"Erine naman..."

"Kaylangan ako ni Lory ngayon.. I need to be here for her." narinig ni Lory ang sinabi ni Erine at agad na pumunta sa kanila

"You don't have to be here... You've done enough for me... I'm not your responsibility after all" sabi ni Lory na ngayong nakangiti

"No. Kahit hindi mo ako kaylangan gusto ko magkasama tayo. In happiness or sadness. I won't leave my wife"

"Malaki na nga talaga sila" kumento ni Ayla na napangiti sa nasaksihang eksena

Niyakap ni Erine si Lory. Pagkatapos noon ay hindi na pinilit ni Ivan na umuwi si Erine bagkus ay nag-stay ito para bantayan sila.

Tanong ng tanong si Lory at sinasagot naman ito ni Ayla at Erine

"Lory it's not what you-"

"shut up!" pag saway ni Erine kay Ivan

Nagsimulang umiyak si Lory. "Pwede ako umiyak diba? Pwede?" nagsimulang maging emosyonal si Lory dala ng alak

"Oo, oo.. tahan na" sabi ni Erine na lalong inilapit ang upuan nya para yakapin si Lory

"bobo kakaiyak pa lang pinapatahan mo na sya agad" sabi ni Ayla

"Ano ba kaybigan ka ba talata namin?" parang batang tanong ni Erine

"Tatahan sya pag pagod na sya. Tsaka... Pag sisisihan nya din bukas tong araw na to at itatanggi ang mga sinabi at ginawa nya"

"Baka hindi nyo talaga kaybigan yan" sabi ni Ivan

"Hay nako ano bang alam nyo? I know Lory more than anyone else. Hayaan nyo lang syang magpaka wasted ngayon. Bukas siguradong aakto syang parang walang nangyari. That's Lory. She won't let herself be vulnerable just because of a guy."

Falling Into Your Plan Where stories live. Discover now