Chapter 13: Secret Revealed

13.4K 152 21
                                    

13



Kaisipan ni Lester


Simula nung sabihin ni Dylan na girlfriend niya si Rhine, umiwas-iwas na ako kay Rhine. Ayaw kong mahulog ng tulayan sa kanya kaya kailangan kong lumayo hangga't maaga pa.

Pero hindi ko alam kung bakit ba hindi ko siya kayang tiisin.

Pag nandyan siya hindi ko mapigilang hindi siya pansinin, shit! para naman akong bakla nito.
=_="

Hindi ko na nga talaga siya kayang iwasan, hanggang sa na realize ko na mahal ko na pala siya.

Pero dumating ding yung panahon na bumuhay ulit sa pag-asa ko.

Flashback

Naglalakad ako ngayon dito sa may parking lot ng campus, katatapos lang namin magpractice ng basketball.

Nakita ko si Dylan kasama niya si Rhine, bigla na lang akong nasaktan kahit na alam ko na wala akong karapatan pero nakaramdam ako ng selos.

Papasok na sana ako sa kotse ko nang may narinig akong sigaw.

"Hey, Felice. Bilisan mo nga, ang bagal bagal mo talaga." sigaw ni Dylan kay Rhine.

"Sorry naman master." sagot ni Rhine.


Bakit ganyan yung tawag nila sa isa't isa? Parang hindi sila mag boyfriend girlfriend.


Lumipas ang ilang araw, hindi ko pa rin makalimutan yung narinig ko. I need to know the truth, kakausapin ko si Dylan.

Nung sumunod na practice namin sa basketball, hindi ako makapag concentrate gustong gusto ko na siyang tanungin, baliw na ata talaga ako.

"Bermudez ano bang ginagawa mo?! Nandito nga yang katawan mo lumilipad naman yang isip mo." sigaw sakin ni coach.


"Sorry po." sagot ko.

"Umupo ka muna." sabi ni coach.

Papaalis na ako nang tawagin ako ni Dylan.

"Pare, ano bang problema mo?" tanong niya sakin.

"Usap tayo mamaya." yan lang sinagot ko at tumalikod na ako.

Pagkatapos ng practice hinintay ko talaga si Dylan.


"Pare, ano bang pag-uusapan natin?" tanong niya sakin.

"Tungkol kay Rhine." sabi ko

"Kay Felice? Bakit ano problema mo sa girlfriend ko?" sinabi na naman niya ang katagang yun. Hindi ba talaga siya aamin na hindi naman totoo relasyon nila?

"Sabihin mo nga sakin ang totoo, girlfriend mo ba talaga si Rhine?" seryosong tanong ko.


Bigla na lang siyang nagulat. Nanlaki ang mata niya.
"Pa...pare o..oo naman." nabubulol pa siya.

"Pwede ba, wag mo nga akong gaguhin, alam kong hindi talaga kayo."

"Pare ano bang pinagsasabi mo?" tanong niya.

"Alam ko ng hindi kayo kaya wag ka ng magsinungaling"

Nagkaroon ng katahamikan sa pagitan naming dalawa.


"Bakit pare, may gusto ka ba sa kanya?" una siyang nagsalita.

"Hindi ko siya gusto." sagot ko.


"Eh yun naman pala eh." sabi niya.


"Kasi mahal ko na siya." para siyang na estatwa sa sinabi ko.


Walang nagsalita samin. Tinitingnan niya lang ako.


"Nagbibiro ka ba?" binasag niya ang katahimikan.


"Hindi ako nagbibiro, at dahil hindi naman kayo liligawan ko n....." bigla niya nalang akong sinuntok. Alam kong ganito naman talaga ang ugali ni Dylan, pero ibang iba siya ngayon.


"Gago ka, ang dami namang iba diyan bakit siya pa." galit na sabi niya.

Sinuntok ko rin siya.

"Siya ang mahal ko at wala ka ng magagawa pa doon, ano mo ba siya? Diba hindi naman kayo, kaya wag kang umasta na parang kayo."

Akma na naman niya akong susuntukin pero may pumigil sa kanya.

"Xavier ano bang ginagawa mo.?" sabi ni Rhine. "Bakit ba kayo nag-aaway?"

Hinablot na lang siya ni Dylan. "Tara na."


Pero pinigilan ko si Rhine.


"Wag kang umalis." sabi ko kay Rhine.


"Bitiwan mo siya." seryosong sabi sakin ni Dylan.


"Hindi ako papayag na mawala pa siya sakin." sagot ko. Bigla na lang niya akong sinuntok. Ngayon ko lang nakitang ganito ka galit si Dylan.

"Xavier tigilan mo yan." pag-aawat sa kanya ni Rhine. "Ano ba tumigil ka na." Umiiyak na si Rhine.

Tumigil na si Dylan sa pagsuntok sakin.

"Tara na Felice." sabi niya at umalis na sila.


Nawalan na ako ng kaibigan, hindi ako papayag na pati si Rhine mawawala pa.



End of flashback




*

Kaisipan ni Rhine

Tinitingnan lang ako ni Xavier. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.


"Ayiieee, kayo ha." patutukso sakin nila samin ni Lester.

Lumingon ulit ako sa direksyon kung saan ko nakita si Xavier. Pero wala na siya.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad, pero hinabol ako ni Lester.

"Rhine can I court you?"


Note ni Author.

comment

vote

Sino mas gusto niyo? Si Dylan o si Lester?

Comment niyo.

Ang una magcomment sa kanya ko idedicate yung next chap ko.

:)

{Edited 150617}

Never_TheLess

Even Though [Exo-K's Sehun] {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon