Chapter 1 : THE SMART

8 0 0
                                    

The Smart's POV:

" Okay class, today I'm going to show your exam results ."


         wika ni Bb. Margarette habang bitbit ang isang portfolio. Nakatingin lamang s'ya sa amin habang binubuksan ang portfolio na kanyang dala. Wala namang mapagsidlan ng tuwa ang mukha ng aming ibang kaklase, lalong- lalo na yung mga napabilang sa mga Honor Student noong nakaraang taon. Habang  ang iba naman ay balisa dahil baka bagsak na naman sila sa pasulit na ito. Habang ako nama'y kampanting naka-upo sa pinaka dulong upo-an.

     
        " JAHN  "

   
  Tawag sakin ni Bb. Margarette, na agad ko namang ikinatingala.  Nag-aalangan na naman akong sumagot dahil alam ko na namang pagtatawanan ako nang aking mga kaklase. Ito naman ang karaniwan kong napagdada-anan kahit nung ika- unang baitang ko pa lamang sa elementarya. At mas lalo namang dumarami ngayon na nasa Grade-12 na ako. Nang dahil lang ito sa aking pangalan na tunog panlalaki daw, at taliwas ito sa aking kasarian na isang
babae. Konteng tiis nalang at maiiwasan ko narin ang araw-araw kong pasanin sa paaralang ito.

  
        " Bakit po? " - sagot ko pabalik kay  Bb. Margarette.

" Isa ka sa mga nakapasa , at ikaw ang nakakuha ng pinaka mataas na puntos sa examination na ito, wala kang mali sa iyong mga naging sagot. "

          - agad naman akong nagulat sa sinabi ng aming guro, sapagkat hindi ko naman alam na ganun ang magiging resulta sa aking pag-aaral bago ang pagsusulit naming iyon. May nakapagtataka din akong nadiskubre  sa sarili ko noong oras ng aming pasulit na iyon. Tila ba'y bumibilis pang lalo ang aking pag-iisip sa mga magiging sagot, na parang tila yata naka kodigo na sa aking utak ang isasagot ko sa lahat ng mga katanungan na iyon. Siguro nga'y dahil iyon sa pagiging subsob ko sa pag-aaral dahil takot din akong bumagsak.

Agad naman akong nalinga sa mga top students na mga kaklase ko lalo na ang top 1 na si Mark, na busangot ang mukhang nakatingin sa akin.

"Jahn, pumunta ka rito sa harapan, at mag bigay ka ng kaunting tips para sa mga kaklase mo para sa mag-reremoval next week. Marami-rami din kayo, kaya kailangan n'yong makinig sa mga sasabihin ng inyong kaklase na si Jahn. "

     Agad naman akong kinabahan sa mga sumunod na sinabi ni Bb. Margarette, sapagkat hindi ko alam ang sasabihin, mahirap ipaliwanag sa kanila ng maayos ang sasabihin ko, at baka pagtawanan lamang ako.

" At Mark, ikaw ang susunod na magbibigay ng payo para sa mga kaklase mo sapagkat , 80 out of 100 ang iyong nakuhang puntos , ikaw ang sumunod kay Jahn na nakakuha nang pinaka mataas na puntos ."
   

           Wika ni Bb. Margarette , at agad naman akong pumunta sa harapan . At sabihin nalang kung ano ang pumasok sa utak ko. Nakaka-kaba ngunit kailangan kong subokang tibagin ang pader na puno ng pagdududa sa sarili kung kakayahan .

" Uhmm...una sa lahat magandang umaga, gusto ko lang sabihin na hindi ko gustong mangopya kayo para makapasa sa pasulit na ito, Ang maibibigay kong payo ay kailangan n'yo lamang mag-aral ng mabuti, wag saulohin lahat ng pinag-aralan, kundi intindihin n'yo din ang mga pag-aaralan n'yo. Maraming salamat. "

 Sunod-sunod na palakpak ang narinig at natanggap ko galing sa aking mga kaklase, tila ba'y kumikiliti ito sa aking kalooban ang bawat naririnig kong palakpak.

Agad namang sumunod sa harapan si Mark, na busangot parin ang mukha.

" All you need to do is study well."  - wika niya sa harapan, at umupo nang muli sa kanyang upo-an. Agad naman itong sinundan ng palakpak ng ilang kaklase ko.

Ilang buwan nalang , at Magkokolehiyo na ako , Gusto kung maging police at gusto kung manghuli ng criminal. Yun lamang agad pumapasok sa isipan ko. Alam kung medyo nakakatawa ang aking sinasabi ngunit iyon ang pumapasok sa isipan ko ngayon.

Ewan ko ba sa sarili ko. Lalo lamang lumalalim ang aking kuryosidad sa ganung mga bagay lalo na sa mga nangyayari dito sa lipunan ngayon. Mas lalong dumadami ang krimen, kurapsyon at iba pa. Hindi ko alam kung totoo bang may pagbabago? Hindi ko rin alam kung maganda pa ba talaga ang ating kinabukasan sa hinaharap? Kung magiging simple parin ba ang buhay namin ng pamilya ko balang-araw.


BENEATH THE LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon