CHAPTER 2: THE BUTLER

8 0 0
                                    

The BUTLER'S POV:

" Elvis, talon! "

              - sigaw sakin ni Simon  habang patalon na nga ako sa pader, gusto n'yang mag cutting daw kami, at ito naman akong hamak na utosan n'ya lamang. Hinahabol na kami ng guard kaya pina-una ko na s'ya sa aming daanan pag nagkaka-cutting kami.

Agad na akong tumalon sa pader, at agad sumunod sa kanyang paglalakad na parang walang nangyari. Agad na kaming naghubad ng uniporme, at nagbihis ng panibagong damit pagkapasok namin sa kanyang sasakyan. Alam ko naman saan kami patungo. Sa Casino ito na medyo ilang kilometro lang mula dito sa Unibersidad na aming pinapasokan.

Malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Simon , at pati kay Simon.  Kaya hindi ko rin maamin sa pamilya ni Simon ang ginagawa n'ya , ayaw kung masira ang pagkakaibigan namin. Ayokong sabihin niyang traydor ako. Kaya ang ginawa ko bilang bantay n'yay sinasamahan ko rin sya sa lahat ng kanyang gala kahit ito man ay pagka cutting. Na me-maintain ko parin naman ang aking mga marka at nag-aaral akong mabuti. Ngunit, wag sanang akalain ng iba na mabuti, at madali lang ang ginagawa ko dahil hindi. Kailangan mong humabol sa lahat ng mga gawain at school projects, at mag-aral pagka uwi sa bahay.

Isang politiko ang ama ni Simon , kung kaya't kinakailangan n'ya ako na may abilidad , kakayahan, at may pinag-aralan para sa mga physical defense. Huminto ako ng dalawang taon para pag-aralan ang lahat, ngayon sana'y nasa kolehiyo na ako ngunit na abotan na ako ng bagong Curriculum. Pumasok ako sa isang training lalo na sa  paghawak ng baril, tantsa ng layo ng bala na a-abotin, at higit sa lahat ang mga iba't- ibang uri ng pang depensa, at mga paraan ng pagligtas ng mga tao sa kapahamakan.

Siguro naman may mga taong maiintidihan ako sa aking ginagawa.

" Elvis, tumira ka na ."_ agad namang sabi sakin ni Simon. Nag-lalaro kami ng billiard, at inaasahan ko na namang may bagong kalaban sa pustahan.

Agad kung sinapol ang tatlong huling bola, at agad naman itong tumama sa dapat na kalalagyan.

"Wala ka talagang mentis Elvis ,pre. "   - sabay tapik ng balikat ko ng isa sa mga kalaban namin sa billiard, na kaibigan namin ni Simon, anak mayayaman ang mga ito, kaya okay lang sa kanilang magsayang ng pera sa ganitong pustahan.

" OMG, it's Elvis!!! "_ narinig ko na namang tili ng ibang kababaihan. Ganito naman lagi pagkapasok namin sa tambayang ito. Isa pa kahit naman kaming mga lalaki siguro may ganyang mararamdaman kapag nakakita ng magagandang babae na sa tingin namin eh malakas ang dating. Hindi nga lang siguro kami expressive o masyadong halata katulad ng ibang mga kababaihan. Mga tao lang rin kami. kaya siguro minsan may atraksyon kaming nararamdaman sa ibang tao sa paligid namin. At sa tingin ko kailangan kung ngumiti sa kanila pabalik.

" Tol, NocheBar "

           Sabay senyas ng kanang kamay ni Simon ,at agad akong tumango.


Pagkatapos kasi ng laro ay agad kaming nagpupunta ni Simon sa isang eksklusibong Bar na palaging tambayan namin ng iba  pa naming mga kaibigan. Papasok pa lang kami sa entrance na gwardyado, ay agad na naming narinig ang malakas na tunog at tugtog galing sa loob.


Pagkapasok namin ay agad na kaming pinagsilbihan ng Waiter.

" Andun na po sa VIP room ang inyong mga kasama sir." -Kabisado narin ng waiter ang aming mukha kaya hindi na ako magtataka sa kanyang naisambit.


Agad na kaming pumasok sa VIP room at nakita nga namin doon sina Clark, River, Israel, at Lake.





"Tol , tagal n'yo . "_  sambit ni Clark sabay tapik ng balikat namin at abot ng baso na may lamang alak. Agad naman kaming na-upo bitbit ang baso na may lamang alak.



Ang apat ay may kanya-kanyang babae na.











Ilang oras narin ang nakalipas at aminado akong medyo naka inom  na nga ako ng biglang may padabog na nagbukas ng pinto.







Baril..





Agad kung hinanap si Simon, at agad itong tinakbo ng nakita kung naglabas ng baril ang taong nasa harapan at tinutok ito kay Simon.






Akmang pagbaril nang lalaki ay agad kung natulak si Simon ,at naging dahilan na ako ang natamaan ng bala. Kahit medyo nanghihina ay agad akong napatayo




Nakita kong  tumakbo pa ito palabas.



Gulat na gulat ang lahat , at nagkakagulo ang buong bar dahil sa narinig na putok ng baril.




Agad kung nasagip si Simon ngunit, ako ang natamaan. Kahit daplis lamang ay medyo mahapdi rin ito. Agad na umaksyon ang aming ibang kaibigan sa paghabol sa lalaking iyon ngunit pati ang gwardiya ay mistulang pinatulog nito bago pumasok sa loob at kaya maayos syang nakalabas ng bar na iyon.



Agad akong sumunod sa kanilang paghabol sa lalaking nagtangkang bumaril kay Simon.



Ngunit mistula yatang huli na, Wala na akong maramdaman sa kanyang presensya.



Ngunit...



Lumiko ako sa kabilang kalye habang inda ang sakit ng kabilang balikat na tinamaan.






Kailangan kung mahanap ang taong iyon.





Teka...





Agad akong huminto.




*Bumwelo , at agad hinawakan at tinanggalan ng gatilyo ng kanyang baril na nakatutok sakin*





Kanina ko pang nakikita ang kanyang anino. Kahit sya'y nakatago sa isang gilid na walang ibang makakapansin sa kanyang presensya.

Agad kung tinadyakan ito, at sinuntok ng ilang beses.



Bago tumawag ng pulis.





Agad kung tinanggal ang mask na  nasa kanyang mukha.
Kalaban na naman ng kanyang ama, taohan ng kalaban.




Nawalan ng malay ang lalaki, bago pa man dumating ang mga pulis.





Agad ko namang nakita ang sasakyan ni Simon, agad naman akong pumasok sa loob  dahil alam kung naroon na siya.
Agad kung pinaandar ang sasakyan. Hindi man niya pinapahalata ang kanyang takot, alam kong natatakot s'ya.



Agad kung pinatakbo ang sasakyan.
Sinalubong kami ng kanilang katulong , at sinalubong ni tita. Alam kung dumating na agad sa kanila ang balita.

Agad naman akong inalalayan ng katulong at nagtawag din si tita ng doktor para gamutin ang balikat ko.


*Tumunog ang telepono*



Nakita ang paghawak ni tita sa telepono. Alam kung nag-aaway na naman sila ni Tito.



" Tingnan mo ang nangyari ngayon kay Elvis!, Hindi pa ba sapat iyan para pangaralan mo ang iyong anak!, Kailan ka titigil sa politika ,   mamamatay na tayong lahat?! "

     Dinig na dinig kung sabi ni tita. Habang nakatingin lang kay Simon na naka-upo sa couch ng sala na wari'y moy wala parin sa sarili.

Hinihintay ko lang tapusin ng nurse ang paglilinis ng sugat ko. Bago kausapin si Simon.

BENEATH THE LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon