Chapter 3: THE WORKING STUDENT

8 0 0
                                    

The Working Student's POV:


" Mortell, paki lagay ito sa base"_ saad ng amo ko na kakarating lang galing sa kanyang trabaho.

Isa akong Working student, katatapos ko lang maglinis. Sobrang nakakapagod pero hindi ka puwedeng humilata nalang dahil wala ka naman sa bahay n'yo. Ang trabaho ko sa mansyon ay tumulong kay yaya Cynthia at ibang mga katulong sa mansyon ginagawa ko ay all around assistant ni yaya hanggang sa pagluluto sa kusina, paglalaba ,paglilinis ng banyo, kwarto, terrace, veranda, pool at sala. Minsan ay may additional work pa kumbaga. Napakahirap maging isang working student dahil kinakailangan mo nang time management dahil hindi lahat ng oras para sayo, hindi lahat ng oras nakalaan lang sa pag-aaral mo. Kaya hindi na ako na nangangarap na masali sa Latin Honors sa darating na pasokan.

Nga pala Kolehiyo na ako sa darating na pasukan at hindi ko pa alam saang unibersidad ako nakapasa at sakaling mag-aral.

Sa kwento ng iba, parang ang dali lang ng buhay working student, ngunit para sakin napakahirap, hindi ko sana ito gagawin ngunit walo kaming magkakapatid at ako ang panganay,at ito lang ang naiisip kong solusyon para makatulong sa mga magulang ko.

Kailangan kung magtrabaho para sa sarili ko.

Minsan naiisip ko naring sumuko dahil sa sobrang pagod, minsan maiiyak kana lang dahil sa kawalang pahinga, mga gastosin sa pag-aaral na minsan ikanahihiya mo pang humingi sa amo mo. Minsan ay di mo rin maiwasang mapagalitan ka, lalo na pag may mali kang nagawa.

Minsan pag may okasyon sa mansyon eh wala akong tulog dahil sa maingay,at malakas na tugtogin. At nakakapagod pa dahil nasa kusina ako lagi. Buti nalang may ibang pinapatulong din pag may okasyon sila sa bahay.

May isang anak ang amo ko at lalaki ito kasing edad ko lang din, at masyadong city boy kung umasta. Ano pa nga ba nag-iisang anak eh. Medyo spoiled sa parents pero may respeto naman sa mga katulad ko, mabuti ang pagpapalaki nila sa anak nila. At siguro maswerte lang talaga ako sa mga naging amo ko. Dahil kung sakali mang masyadong mata-pobre ang mga amo ko, siguro ay di talaga ako magtatagal ng limang taon sa kanila.

" Mortell, halika "_ tawag sakin ni Ment na anak ng amo ko habang nagkukwentuhan sila sa sala.

" Bakit po?"_ habang nakayuko ako pagkalapit ko sa kanya , napansin ko rin ang mga kaibigan n'ya.

"Nga pala mga bro, si Mortell...parang kapatid ko nato."_saad n'yang ikinabigla ko.

" Mortell, pumili kana sa mga yan single yan, para naman magka-boyfriend kana. Secure na future mo sa mga yan."_ sabay pabiro n'yang turo sa mga kaibigan nya. Alam kung mga anak din to ng mga mayayaman kaya ikanatawa ko nalang ang naging biro ng amo kong si Sir Ment.

" Hehe, pakikuha narin ice cubes sa ref Mort. Huwag mo lang sabihin kay mommy na inutos ko na naman sayo, alam mo naman yun baka magalit na naman."_pabulong na sambit ni sir Ment sakin.

"Sige po.."_ agad kung nilisan ang sala, dahil medyo nahihiya narin ako, at pumunta na agad sa kusina para kunin ang ini-utos n i sir Ment.

Nang biglang sumulpot si Manang Cynthia.

"Di ka pa ba matutulog Mortell,ano nang oras ngayon?" _ tanong n'ya.

" Eh, saglit nalang po may iniutos pa sakin si sir Ment."_naging saad ko.

"Okay sige, pagkatapos mo d'yan magpahinga kana alam kong pagod kana kanina pa. mag half bath kana rin parang nangangamoy kana"_ pabirong sambit ni manang cynthia na alam kung may halong pag-aalala.

Tumango na lamang ako at bumalik na sa sala para ihatid ang iniutos ng amo ko.


BENEATH THE LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon