4

1.4K 33 1
                                    

“SAGADA? Ano'ng klaseng lugar ito, Jimenez?” maarteng tanong ni Cheska kay Chase nang makita niya ang malaking signage na “Welcome to Sagada” sa lugar na nadaanan nila.  Nang ibaba niya ang bintana ng front seat ay nabigla siya nang nanuot sa balat niya ang matinding lamig.

Mabilis niyang isinara niya ang bintana at bumaling kay Chase. “Sagada? Part ba ito ng Baguio?”

“Wala tayo sa Baguio,” sagot nito. “Nandito tayo sa Sagada, Mountain Province. Kumpara sa Baguio, mas malamig ang klima ng temperatura sa lugar na ito.”

Salubong ang kilay na inikot niya ang tingin sa paligid. “So, what now? Dito tayo sa lugar na ito magtatago? Bakit hindi na lang sa Baguio?” Hindi niya masyadong makita sa labas dahil bukod sa madilim ay natatabunan ng fog ang paligid. Kung kanina, pakiwari niya ay nasa isang action movie sila, ngayon naman ay tila nasa isang horror film sila.

“May bahay kami sa Baguio, pero may posibilidad na alam na rin ng mga humahabol sa’kin ang impormasyong iyon, kaya hindi tayo puwedeng pumunta roon. Mas ligtas kung dito tayo sa Sagada. Hindi tayo basta-basta mahahanap ng mga humahabol sa'kin.”

“This place is kinda creepy,” maarteng sagot niya. “Ni wala man lang ako'ng makitang tao! Bakit ganoon?”

“Gabi na kasi. Nakasanayan na ng mga tao rito na hindi lumabas ng bahay pagsapit ng gabi.”

“What?” Sarkastikong tumawa siya. “Mga sinaunang tao ba ang nakatira rito—”

“'Magdahan-dahan ka nga sa pagsasalita, Villarama,” saway nito sa kanya.

Matalim na inirapan niya ito. “Sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin, Jimenez.” Nalukot ang mukha niya. “Hindi ko kayang magtagal sa lugar na ito? May hotel ba sa liblib na lugar na ito?”

Siya na rin ang sumagot sa sariling tanong nang may maaninag siyang mga ilaw na nagmumula sa ilang may di kataasang gusali. Mula sa taas niyon ay nakita niya ang pangalan ng isang hotel. 

“O, thank goodness may hotel,” bulalas niya. “May shopping mall at bar din naman kaya rito?”

“Walang mall at bar dito,” sagot nito sa kanya. “At kung meron man, sa tingin mo ba ay papayagan kitang pumunta? Bukod sa wala kang pera—”

“Kasalanan mo kung bakit wala akong hawak na pera ngayon, kaya responsibilidad mo rin na bigyan ako,” nakataas ang kilay na putol niya rito.

Umiling ito sa kanya. “Hindi tayo nagpunta rito para maglakwatsa, Villarama. Huwag mo'ng kalimutan na nandito tayo para magtago.”

“Ha? So, ano, ikukulong mo ako—”

“Tumahimik ka, Villarama. Sinabi ko na sa'yo na ayoko ng maingay!” nagtitimping putol nito sa kanya.

“Hindi mo ako kayang patahimikin, Jimenez!” matapang na sagot niya rito.

“Saan ka ba ipinaglihi ng mga magulang mo at ganyang kagaspang ang ugali mo?”

“What?” 

Bumuntong-hininga ito at umiling. “Wala. Masyado kang mataray, mahina naman pala ang pandinig.”

“Hoy, ano'ng sinasabi mo diyan!” Pakiwari niya ay nag-init ang magkabilang tainga niya sa narinig. “Ano'ng mahina ang pandinig? Hindi ko lang naintindihan kung ano ang sinabi mo!” Muli niyang kinuom ang kamao. Ilang beses ba siya makakatikim ng panlalait mula sa lalaking ito.

Stop it, Cheska! paalala sa kanya ng isang bahagi ng isip. Huwag mo'ng ipakita sa kanya na nanggagalaiti ka sa galit. It should be the other way around, Ches! Siya dapat ang mainis sa'yo!

Danger in Love (Published under PHR/Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon