12

1.2K 35 0
                                    

“CAREFUL Cheska.”

Maingat na inalalayan si Cheska ni Chase habang pinapasok nila Burial Cave, isa sa mga kuwebang dinarayo ng mga turista dito sa Sagada. Bago sila pumunta roon ay dumaan muna sila sa Hanging Coffin at sa simbahan ng Sagada. Totoong nag-enjoy siya sa pamamasyal na iyon, hindi lang dahil sa kasama niya si Chase, kundi dahil nagustuhan na rin ang Sagada.

Napatingin siya sa kamay ni Chase na nakahawak sa kanya. Simula sa bungad ng kuweba ay maingat na inaalalayan na siya ng lalaki. He was such a gentleman. Nang mga sandaling iyon ay silang dalawa lang ni Chase ang tao sa kuweba. Hindi na sila kumuha ng tour guide dahil ayon kay Chase ay hindi naman delikado ang kuwebang iyon. Isa pa, ilang beses na palang nakapunta roon ang binata.

Wala pang beinte kuwatro oras simula nang ma-realize niya na mahal na niya si Chase, subalit habang lumilipas ang oras, pakiramdam niya ay lalo pang lumalalim ang nararamdaman niya sa lalaki. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba siyang mag-alala para sa damdamin niya kay Chase. 

Chase was way different from her ex boyfriends and all of the guys she dated before. Naisip niya na paano kung lumalim nang lumalim ang nararamdaman niya kay Chase subalit wala namang tugon ang binata sa kanya?

She would be hurt. 

“Cheska, okay ka lang?”

Napakurap siya nang salubungin ang mukha ng binata. Lumunok siya bago tumango rito. “Yeah.” 

Ngayon pa lang, isang bahagi na ng puso niya ang tila kinukurot nang isipin niyang walang katugon ang pagmamahal niya para sa binata.

Pero paano kung meron? Paano kung may pagtingin din sa kanya si Chase? Hindi ba’t siya na nga ang nakakapansin na tila may espesyal ding pagtingin sa kanya ang lalaki? 

“Cheska, dahan-dahan. Madulas sa parteng iyan.”

Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi niya napagtuunan ng pansin ang sinasabi ni Chase, ang resulta, nadulas siya nang matapakan niya ang madulas na parte ng kuweba.

Napapikit siya sa pagkabigla. Hinintay niyang tumama siya sa matigas na sahig ng kuweba, subalit sa halip na mangyari iyon ay sa ibabaw ni Chase siya bumagsak.

Sa sobrang bilis ng reflexes ni Chase ay halos hindi niya namalayan kung paano nagawa ng lalaki na pagbaliktarin ang posisyon nila.

“Chase...are you alright?” nag-aalalang tanong niya sa lalaki nang tila mapapikit ito sa sakit.

Ilang segundo ang lumipas bago iminulat ni Chase ang mga mata at diretsong sinalubong ang kanya. “I'm fine.” Umangat pa ang sulok ng labi nito.

Nakahinga siya ng maluwag. Pagkatapos niyon ay saka naman niya na-realize ang posisyon nila.

Nakapatong siya sa ibabaw siya ni Chase. At halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nila mula sa isa't-isa. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso niya nang maghinang ang mga mata nila. Pakiramdaman niya ay nalulunod siya sa lalim ng tingin ng lalaki. Kaya naman Iniwas niya ang tingin at ibinaba sa mga labi nito. Subalit natigilan naman siya nang mapagmasdan ang mga labi nito.

His lips were red, luscious and enchanting. She wanted to taste those lips.

And before she could think straight, she already cross the distance between their lips and planted a chaste kiss on his lips. Even for a brief moment, she could instantly feel his soft and sweet lips.

“Bakit mo ginawa iyon?” tanong ni Chase nang ilayo niya ang labi mula rito.

Her whole face turned to crimson red. Ngayon lang tumimo sa utak kung gaano kahiya-hiya ang ginawa niya.

Danger in Love (Published under PHR/Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon