14

1.1K 30 0
                                    

“BABY, gutom ka na ba? Fifteen minutes na lang ito,” wika kay Cheska ni Chase habang abala sa pagluluto ang huli.

Siya naman ay nakaupo sa kitchen counter habang abala sa panonood sa binata.

Noong araw na iyon ay dinala siya ng nobyo sa bahay nito. Ipinakita rin sa kanya ng nobyo ang mga lumang larawan nito, gayundin ang sa yumao nitong mga magulang.

Nang magutom sila ay nagprisinta ito na ipagluto siya. Nagulat nga siyang nang malaman na marunong pala itong magluto. Ayon dito, natuto raw itong magluto mula sa namayapang ina nito.

Aminado siya na marami pa silang mga bagay na hindi nalalaman mula sa isa't-isa. Para sa kaniya ay balewala iyon dahil napakarami nilang panahon ni Chase para kilalanin ng lubusan ang isa't-isa.

“Take your, time, baby,” malambing na sagot niya. Hindi siya naiinip dahil napakasarap panoorin ni Chase sa ginagawa nito. Napakasaya pala sa pakiramdam na pinagsisilbihan siya ng nobyo. Daig pa niya ang feeling ng isang reyna. 

Sa susunod ay ito naman ang ipagluluto at ipagbe-bake niya. Ipatitikim niya rito ang specialty dish niya. 

He was such a lucky girl for having a sweet, caring and ultra hot boyfriend. Isang bagay pa kung bakit enjoy na enjoy siyang panoorin si Chase ay dahil bagay na bagay dito ang suot na apron. He looked like a real hot and gorgeous chef.

Kunsabagay, kahit ano namang isuot ng lalaki ay lumulutang pa rin ang kaguwapuhan nito. Mapa-police uniform o kahit simpleng t-shirt lang.

“Cheska, come here. Tikman mo ito, baby.”

Lumapit siya kay Chase at tiningnan ang chicken adobo sa kawali. Napapikit siya nang manuot sa ilong ang aroma ng ulam.

“Open up, Cheska.”

Pagdilat niya ay nakatapat sa labi niya ang kutsarang hawak ni Chase. 

Walang pag-aalinlangang isinubo niya ang laman niyon. “Wow. Ang sarap.” Nag-thumbs up siya rito. Sa buong buhay niya, isang luto lang ng adobo ang paborito niya, ang luto ng yaya niya. Pero ngayon ay may nakatalo na roon. Gosh! Lalo tuloy siyang na-in love kay Chase!

“Hindi naman kaya binobola mo na ako niyan?” 

“Hindi ako marunong mambola, baby. Masarap talaga.” Ngumisi siya. “Pero parang may mas masarap pa rito.” Iyong kiss mo.

Umangat ang sulok ng labi nito. “Alam ko. Iyong labi mo.”

Bumaba ang mga mata nito sa labi niya. Kasunod niyon ay naramdaman na niya ang paglapat ng mga labi nito sa kanya.

Pumikit siya at ikinawit ang mga kamay sa batok ni Chase.

Ilang beses na siyang nahalikan at hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na naglapat ang mga labi nila ni Chase. Pero hindi niya alam kung bakit sa tuwing hahalikan siya ng nobyo, para bang iyon ang first kiss niya. Everytime he kissed her, she felt like she was having butterflies inside her stomach, she felt like lifting of the ground. All those sensations and feelings were new to her.

Para siyang nalulunod nang maramdaman ang paglalim ng halik nito. Hindi na niya kayang bigyan ang pangalan ang sensasyong kumakalat sa buong sistema niya. Basta ang alam niya, nag-uumapaw ang kaligayan sa dibdib niya. 

Wala siyang ideya kung gaano katagal na magkalapat ang mga labi nila. Napilitan lang silang maghiwalay para sumagap ng hangin.

“I love you, baby...” Masuyong wika ni Chase sa kabila ng paghahabol ng hininga.

“I love you too, ba--” Nabitin sa ere ang mga salita niya nang biglang nag-ingay ang tiyan niya.

“Gutom na ang baby ko,” natatawang wika ni Chase. “Kumain na tayo.” Magkayakap silang dumulog sa hapag-kainan.

Matapos nilang kumain ay pumuwesto sila sa living room. Magkatabi sila sa sofa habang nakaharap sa screen ng TV.

Nakasandal siya sa malapad na dibdib ng lalaki habang nakayakap ang braso nito sa balikat niya.

Habang nanonood sila ng isang action-romantic flick sa HBO ay tumunog ang cellphone niya.

Sandali siyang nagpaalam kay Chase para sagutin ang tawag ni Ivana.

“Hello, Ivana?” bati niya sa pinsan.

“Cheska? May bagong bukas na bar sa Eastwood. Pupunta ako mamayang gabi? Are you in?”

“Sorry, Ivana. Hindi ako makakasama sa’yo,” walang pag-aalinlangang sagot niya.

“What? Ikaw ba talaga iyan, Cheska?!” Halos mapapikit siya sa lakas ng boses ng pinsan. “Don't tell me, pinagbawalan ka ng boyfriend mo? At pumayag ka naman.”

Bumuntong-hininga siya. “No. It's my own decision, couz. This time I decided to stop playing around and be serious with my life. Besides, night life isn't appealing to me anymore.”

“Oh my Gosh, Ches. Nagka boyfriend ka lang ng pulis, ang laki na ng ipinagbago mo. Ano'ng ginawa mo sa pinsan ko?” pagbibiro nito.

Napangiti na lang siya. “I'm just in love, Ivana.”

Simula ng ma-in love siya kay Chase, napakaraming nagbago sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi na siya ang dating Cheska na childish, immature at mahilig sa nightlife. Ngayon, kahit pilitin siya ni Ivana ay hindi siya nito mapapatuntong sa bar. All she wanted to do all day and night is to be with Chase. Finally, she already found a guy whom she love more than her freedom.

“Deeply and madly in love, Ches,” dugtong sa kanya ng pinsan. “Siguradong mabibigla si Tito pagbalik nila ng Pilipinas.” Narinig niyang tumawa ang pinsan mula sa kabilang linya. “Si Chase lang pala ang solusyon sa problema ni Tito.”

Matapos nilang magpaalam sa isa't-isa ay bumalik ka kay Chase. Naupo siya sa tabi nito at muling sumandig sa dibdib nito.

Tumingala siya rito. “Chase, naalala mo ba iyong kinuwento ko sa'yo about Dad?”

“Ano'ng tungkol doon, baby?”

“Na-realize ko lang na tama pala si Dad. It's about time na magtrabaho na ako sa hotel at tulungan si Dad sa pamamahala niyon...” Bumuntong-hininga siya. “Dalawang taon akong walang ginawa kundi g-um-immick at waldasin ang pera ng parents ko. Ngayon, panahon na siguro para maging responsable ako. Panahon na para maranasan ko naman kung paano pagtrabahuhan ang perang ginagastos ko.”

Naramdaman niya ang masuyong paghaplos ni Chase isang pisngi niya. “You know what, baby? I'm so proud of you.”

Yumakap siya rito. “Thank you, baby. Kung hindi rin dahil sa'yo, hindi ko mare-realize ang mga bagay na ito.”

Isang rason kung bakit ayaw pa niyang magtrabaho ay dahil natatakot siya na baka mabigo niya ang daddy niya. Natatakot siya na baka hindi pala niya kayang pamahalaan ang hotel nila.

Subalit ngayon ay naglaho na ang pangamba at pag-aalinlangan niya. She wanted to be a better person for herself, for her parents and for Chase. She wanted him to become proud of her. 

“Cheska, ako naman ang may itatanong sa'yo,” kapagkuwa’y wika ni Chase.

Tumingala siya para salubungin ang mga mata nito. “What is it, baby?”

“Hindi ka ba natatakot sa klase ng trabaho ko, Cheska?” Biglang sumeryoso ang mukha ni Chase. Diretso itong nakatingin sa mga mata niya.

Inangat niya ang kamay para haplusin ang halos perpektong mukha ng lalaking minamahal.

“May nakakatakot ba sa trabaho mo, Chase? Wala naman, ah. In fact, proud ako sa'yo, baby. Ikaw yata ang pinakamatapang at pinakaguwapong pulis sa buong Pilipinas.”

Humugot ito ng hininga. “Puwede kang malagay sa peligro dahil sa trabaho ko.”

“Alam ko, Chase. Pero wala naman akong dapat ipag-alala kasi nandito ka naman sa tabi ko para protektahan ako, di ba?”

Bumalik ang ngiti sa mga labi nito. “You're right. Wala kang dapat ipag-alala dahil nandito ako sa tabi mo. I promise to love and protect you with all my life.”

Masuyong ikinulong siya ng lalaki sa bisig nito. Pagkatapos ay kinintalan nito ng halik ang noo niya.

“I love you, Chase. Thank you for coming to my life.”

Danger in Love (Published under PHR/Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon