PANGARAP
Nagsimula sa aking mumunting imahinasyon
Inaasam asam ko na magkatotoo iyon
Lagi kong dinadalangin sa ating Panginoon
Na sana'y ako'y tulungan niya sa aking layon.Parang isang bangungot ang paggising sa umaga.
Sa hindi inaasahang pangyayari sa bansa.
Covid ay dumating, lahat ay nagbago sa atin
Pati ang pag-aaral ay naapektuhan na rin.Marami ng humarang sa aking dinaraanan.
Marami na ang nagtangka na ako ay pigilan
Pero ni isa sa kanila'y walang nagtagumpay
Dahil ako ay patuloy pa rin na lumalaban.Walang sinuman sa inyo ang puwedeng humadlang.
Walang kahit na ano man ang puwedeng humarang
Ako ay patuloy pa ring babangon at lalaban
Para sa mga pangarap na gusto kong makamtan.