Chapter 81

411 30 147
                                    

Y/N POV

Maya-maya nang umuwi si Ferdinand ay sumunod na din kami

Kinuha muna namin si Andy at hinatid pauwi si Rosa

Habang sa byahe ay nakatulog si Andy kaya pagdating namin sa bahay ay dineretso ko na siyang inakyat sa kaniyang kwarto

Dumiretso na din ako matapos sa aking kwarto nang nakita ko si Greg na mukhang ginagamot ang kaniyang sarili habang kung ano-ano ang pinupulot sa aking first aid kit box

"Ako na niyan" paglapit ko sa kaniya at umupo sa gilid ng kama. Marahan kong ginagamot ang mga pasa nito at aray din ito ng aray

"I'm sorry" bigla nitong pagsabi habang malalim na tumitingin sa mga mata ko

"Don't leave me, Y/N" pagmamakaawa ni Greg. Inilayo niya ang kamay ko sa mukha niya at hinawakan ito

"I will change, I promise. Anything for you, my darling" dagdag nito at hindi ako umimik. Tinitigan ko lang din siya at patuloy na siyang ginamot

"Inom ka ng analgesic para mawala sakit sa katawan mo" pag-iba ko sa usapan

"Ferdinand's no good for you" ulit nitong pag banggit

"Hindi mo alam yan, Greg" pagdepensa ko

"Sa tingin mo ba kung magiging kayo, hindi niya gagawin sayo ang ginawa niya kay Imelda? The same thing he did to Carmen for Imelda?" tanong nito sa akin at napaisip ako

"Let's start a new life. Pumunta na tayo ng states at doon na ipagpatuloy ang pag-aaral ni Andy. Lumayo na tayo dito. Malayo kay Ferdinand" suhestiyong pagmamakaawa ni Greg

Hindi ako magsisinungaling, hindi ko akalaing gagawin ni Ferdinand ang lahat ng mga sinabi ni Greg kahapon lalong-lalo na iyong kay Carmen

Kilala ko siya. Matagal na niyang gusto si Ferdinand noong kami palang pero pinangako sa akin ni Ferdinand na hindi siya papatol doon kasi ako lang ang babaeng mamahalin niya at nagkapamilya parin pala sila at nagsama sa iisang bubong

Pero hindi talaga natin alam ang panahon

Isang araw pinangako sayo na ikaw lang pero sa makalawa may iba nanamang papalit sa pwesto mo

Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at gayun din si Greg

Hinawakan ulit ang mga kamay ko at dali ko ding inilayo

"Bababa na ako Greg at magpapaluto na ng hapunan natin" malamig kong pagsabi at tumungo na sa baba

Napaisip ako sa mga bagay na nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang mga buwan

Mahal ko si Ferdinand, oo

Pero hindi ko naman din pwedeng sabihin na hindi ko mahal si Greg kasi minahal ko rin naman din siya. Andoon siya sa tabi ko nung mga araw matapos akong manganak. Sinabayan niya ako sa pag-aalaga kay Andy kahit alam niyang hindi ito sa kaniya. Nararamdaman ko naman din sa kaniya ang pagmamahal na hinahanap ko pero ang hindi ko pala alam ay marami din siyang minamahal sa likod ko

Nahuli ko siya noon na may inuwi siyang babae at ikinama sa kwarto namin. Pinangako na din niya noon na magbabago siya pero hindi pa rin. Kahit hindi ko na ito nahuhuli ay nalalaman ko paring iba-iba ang kinakasama nito gabi-gabi

Siguro parte sa kaniya ang nanghihinayang dahil hindi kami magkakaanak dahil baaog ito. Umabot na din sa panahong nag-away kami dahil dito dahil gustong-gusto nitong mag adopt pero ayaw ko

Habang naghahanda ako sa hapag-kainan ay bumaba na din siya para tulungan ako

Hindi niya ito ginagawa pero nararamdaman kong bumabawi nanaman ito. Kung ano ang sabihin ay nadadale nanaman ako

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon