"haaaaays sana ilipat ako ng ibang school" sabi ko habang humihikab at nanunuod ng tv. Gusto ko kasing lumipat ng school kasi binu bully ako don sa school ko at lilipat rin ng school si ate kasi mag ha highschool na siya, Meron namang highschool sa school na pinag aaralan ko pero dahil gusto ni mama sa ibang school na siya mag aral at malayo sa amin para matuto siyang mag commute para pag dating niya sa college ay marunong na siya. Malapit lang kasi dito sa amin ang school na pinag aaralan ko sa ngayon, pwede lang lakarin."Eleannn! Nandito na kami ng ate mo" sabi ni mama papasok ng bahay at may bitbit na mga groceries, kaya sinalubing ko na siya at kinuha ang mga bitbit nya para ilagay sa kusina. Pagkabalik ko galing kusina ay nagbigla ako sa sinabi ni mama.
"Elean lilipat kana ng school para sabay na kayo ng ate mo at na enroll nakita" pagkasabi ni mama ko ay tuwang tuwa ako dahil lilipat na ako ng school wala ng mag bu bully sakin, hays thank you lord. Malapit na ang pasukan at excited ako dahil bibili nanaman kami ng mga notebook, Yun kasi ang gusto ko kapag darating na ang pasukan. Pumunta muna kami ng school para alamin kung ano ang mga requirements na bibilhin para sa school at pati narin malaman namin kung ano akong section.
"Good morning guard san pala kami kukuha ng requirements at malaman kung anong section ang anak ko?" Tanong ni mama sa guard na nagbabantay sa school.
"Good morning din ma'am, diyan po sa kaliwa yung yellow building, third floor, pangatlong room." Sabi ni manong guard na may katan daan na at mukhang mabait.
" Ah sige salamat " sabi ni mama at lumakad na papunta sa sinabi ni manong guard at sumunod narin ako kay mama na nasa likuran nya ako habang siya ay nauna. Wala si ate dahil mauuna nalang daw siya pumunta sa mall dahil kikitain niya rin yung mga kaibigan nya nung grade 6 siya dahil mag eenjoy sila dahil ang last nilang pagkikita ay nung graduation pa nila at hindi sila nakagala nuon dahil may kanya kanyang lakad sila kasama ang pamilya dahil graduation at mag cecelebrate. Kaya sinulit nila siguro ngayon dahil sa susunod na pasukan hindi na sila magkikita dahil ibaiba na sila ng paaralan na pinapasukan at hindi na sila mag kaklase.
"Ah hello ma'am good morning, dito poba Yung kukuha ng requirements at malaman kung anong section ang anak ko po?" Sabi ni mama sa isang guro na nakaupo sa front desk pagkapasok nang room.
"Ah hello din po ma'am good morning, yes dito po, ano po pangalan ng student na naka enroll ma'am at pang ilang baitang na?" Tanong ng guro habang may kinukuhang mga papel sa open cabinet nyang puro papel ang laman at inilagay sa table niya.
"Skyler Eleanor Hernandez, 5year elem" sabi ko. Pagkatapos kung banggitin ang pangalan ko ay agad niyang hinanap kung anong section akong nabibilang.
"Section 2 ka iha" sabi nya at pinakita sakin. Pagkakita ko ay binalik rin niya sa cabinet ang papel. "Ito rin po yung mga requirements" binigyan niya si mama ng papel na nakasulat lahat ng requirements.
"Salamat ma'am, mauna napo kami" sabi ni mama at nagpaalam. Pumunta agad kami ng mall para bumili ng mga requirements. Doon nalang rin kami magkikita ni ate para sabay na kaming bibili ng requirements. Pagkatapos naming namili ay umuwi narin kami para makapag pahinga.
Gabi narin nang nakauwi kami at tapos narin kami kumain dahil sa labas na kami kumain kaya nagbihis nalng ako para handa ng matulog. Nang may naalala akong kailangan ko palang pumunta sa dati kung school dahil may mga gamit akong naiwan at kailangan kung kunin ang mga yun dahil baka may mga importanteng bagay duon at hindi narin ako nag aaral don. "Hayys!" Napabuntong hininga ako dahil kailangan kung pumunta, baka kasi nandun sila at baka i bully nanaman nila ako. Natulog na ako kagabihan kakaisip kung pupunta ba ako o hindi pero kinabukasan nakita ko nalang ang sarili ko nasa gate na ako at papasok na. Hindi kona inisip yung kagabi dahil sabado naman at walang mga studyante kaya pumunta nako sa room ko dati at ng papasok pa ako ng room ay nagulat ako dahil nandito sila.
YOU ARE READING
Unsaid things
Teen FictionIn life, regret is avoided at all costs, although some argue that life isn't complete without it. regret, someone who never wanted to do it in life but did it for a secret love we wouldn't acknowledge he had.