Nahamig na ni Makki ang sarili nang umakyat siya sa kuwarto nilang mag-asawa. Nakahiga sa kama si Yvienne nang pumasok siya. Ang pagkain na ipinahatid niya sa kasambahay ay naubos naman nito. Nagdesisyon siyang sabihin ang totoo sa asawa. Mahihirapan siyang tulungan ito kung wala ang kooperasyon nito at kung ililihim niya ang panganib na kailangan harapin ng mag-iina.
"Diyosa," sambit niyang maingat na naupo sa gilid ng kama at hinaplos ang braso ni Yvienne na nakalitaw mula sa kumot.
Mugto ang mga matang tumingin sa kanya ang babae. Nag-unahang bumalong sa mga mata nito ang lungkot at takot pero pilit itong ngumiti ng tipid. Ilang segundo ring magkalapat lang ang paningin nila sa isa't isa. Pagkuwa'y kumilos ito at bumangon. Maagap niya itong dinaluhan.
"I will be okay," pinipilit lamang din nito ang sigla sa tono.
Tumango siya. "Of course, you're my goddess and I'm at your bidding anytime. I will make everything okay, for you and the babies." Kinabig niya ang asawa at hinagkan sa noo.
"Makki-/ I need to tell you-" magkasabay nilang pahayag at parehas ding tumigil.
"Go ahead," pagkuwa'y sabi niyang banayad na pinisil ang baba nito.
Dinakot ng poot at sakit ang puso niya sa nakikitang pagbukal ng mga luha ng asawa. Pakiramdam niya'y umuulan ng palaso at lahat ay ibinagsak sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay na ganito si Yvienne.
This woman was always strong in his memories from the past. She resembled the feminine power and kindness he admired so much."Nakausap ko sa phone si Austin," napasigok ito at nanginig ang ibabang labi dahil sa pagpipigil ng hagulgol. "Sabi niya may bomba sa loob ng katawan ko, siya ang naglagay." Kinuyom nito ang mga kamaong nakakapit sa kanyang damit at idiniin ang noo sa kanyang dibdib.
He is terrified out of his mind, he even scared to breathe and waste any more seconds while that damn thing is inside his wife. But he has to maintain his focus. His top priority right now is the safety of his wife and the babies inside her. Losing to his anger is not part of the choices.
"Pero naniniwala akong hindi mo ako hahayaang mamatay. Ililigtas mo kami ng mga anak natin, 'di ba? Naalala ko iyong ginawa mo noong niligtas mo kaming lahat sa bomba roon sa wall climbing center." Tumingala sa kanya ang asawa. "I trust you, Makki. The babies trust you."
He was able to put on a smile. "I won't let any of you and the babies die. We will borrow life from death if needed, diyosa. Now I want you to listen carefully to what I will say, okay?"
Tumango ito at naging attentive sa kanya. Nagtagis siya ng mga bagang. Marahas na nilunok ang bumarang hangin sa kanyang lalamunan. Ililigtas muna niya ang kanyang mag-iina saka siya maniningil ng sagad.
"The bomb inside your body is a cavity bomb. Surgically implanted and wrapped with a silicon membrane not far from your uterus. It has uranium in it. I need your sample urine to measure the milligram and assess the severity."
"Okay, I will provide you a sample. Wait..." muntik na itong mahulog sa pagmamadaling makababa ng kama.
Maingat niya itong niyapos sa baywang at inalalayang makatayo. Kumaripas ito patungo sa loob ng banyo. Bumuntong-hininga siya at tumingala para rendahan ang likidong pinukaw ng galit sa kanyang mga mata. All he can do is to rely on his calculation. It was not ideal to expose his wife to any medical radiation for now. Hindi pa stable ang mga fetus sa loob ng sinapupunan nito. Kunting pagkakamali ay ikalaglag ng mga anak nila.
Tumayo siya at sumunod sa loob ng banyo. Nadatnan niyang nakaupo lang sa cover ng toilet bowl si Yvienne, lukot ang mukha. Nilapitan niya ito.
"What's wrong?"