"It's not the same anymore.
No, you don't understand.
No, you can't understand.
No, you will never understand.
How much it hurts........................"Iilan lamang yan sa mga nararamdaman ko, napaka sakit na malaman na pinagtagpo tayo ngunit hindi itinadhana bakit nga ba ganito ang pagibig? Bakit nga ba ganito ang tadhana? Madalas tayong paglaruan, madalas tayong saktan at iiwan lang matapos tayong paibigin.
O' kay sakit malaman na iba ang iyong ninanais, na sa isang iglap lang ay ganon kabilis na gumuho ang aking mundo, na parang kailan lang ay napakasaya ko sa piling mo.Unti-unting naglaho ang dating tayo, napalitan na ng bago na hindi na makayanan ang paguusap ng isa't isa dahil sa mga pagbabagong naganap sa atin. Nakadagdag pa ang nakaraan na ayaw na nating mabalikan dahil sa dami ng mga hindi pagkakaunawaan at hindi magagandang nangyari. Dahan dahan tayong nasanay na wala sa tabi ang isa't isa at parang walang pinagsamahan, hindi nagkakilala, hindi nagusap, hindi nagtawanan, hindi nagkwentuhan at iba pang mga ginawa ng dating "tayo".
Nakalimutan ko nga palang ipakilala ang aking sarili, ako si Abigale Claire Maxine D. Andaya isang simpleng high school student sa paaralang Vigan National High kung saan ako kasalukuyang nagaaral ng aking High School.
BINABASA MO ANG
Unexpected One-Sided Love
RomanceI like you, but I'm officially letting you go now.It hurts knowing that you like someone else and I know that you only talked to me because you think of me as your friend :).