HINDI maalis ang ngiti sa labi niya. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob para surpresahin ang asawa. Lalong lumaki ang ngiti niya nang makita ito na seryoso habang may kausap sa telepono.
"Stop threatening me, bastard! Kahit anong sabihin at gawin mo, isa ka pa ring talunan."
Nawala ang ngiti niya. Halata na mainit ang ulo nito kaya isinara na lang niya ulit ang pinto at hindi na muna pumasok. Bumilang siya ng sampung minuto bago kumatok.
"Come in!"
Itinaas niya ang kamay at binati ito. "Hi, busy ka?"
Hindi ito kumibo. Tumingin lang ito sa kanya nang walang bakas ng emosyon ang mukha. Napalunok siya. Bakit parang galit ito? Hindi man lang siya nito nginingitian katulad ng ginagawa nito. Kahit ang yakapin siya ay wala rin.
Pinagdikit niya ang labi. Nanatili siyang nakatayo at hindi umupo. Nakakakaba ang awra ng asawa niya ngayon.
"Busy ka yata, babalik na lang ako mamaya—"
"Nagkita at nag-usap kayo ni Alden?" Hindi siya nakapagsalita. Paano nito nalaman ang tungkol doon?
Tumayo si Alaric. Lumapit ito at huminto sa harapan niya. Kahit katiting na emosyon ay walang bakas sa mukha nito. "I told you to stop talking to my brother, Pam. Anong hindi mo maintindihan do'n?"
Magsasalita na sana siya para magpaliwanag pero humawak ang malaking kamay nito sa braso niya. Napaigik siya dahil sa diin ng hawak nito. "Don't tell me na iniiputan mo ako sa ulo, Pam? Nakikipagkita ka pa rin pala sa kanya."
Tumaas ang isang kamay nito at humaplos sa pisngi niya. Kung dati ay kinikilig siya, ngayon ay kilabot ang dating n'on sa kanya. Tila bumalik ang dating nito na nakatatakot para sa kanya.
"H-Hindi... Nagkataon lang na nagkita kami," pigil ang panginginig na sabi na lang niya.
Nakahinga siya nang maluwag nang bitiwan nito ang braso niya. Nagmamadali siyang umatras pero maagap na pumalibot ang isang braso nito sa baiwang niya.
"Aalis ka na agad, Pam?" nakayuko na tanong ni Alaric sa kanya. Dahil hindi niya kaya na tumingin sa mata nito ay iniangat nito ang mukha niya gamit ang isang kamay.
"U-Uuwi na ako, Alaric—"
"At bakit?! Saan ka na naman pupunta? Sa kapatid ko?!" May kalakip na galit na ngayon ang boses nito.
Napangiwi siya nang mabilis na isinandal siya ng asawa niya sa pader at mapusok na hinalikan. Hindi niya magawang tumutol dahil kahit nasaktan ang likod niya, aaminin niya na nadala siya sa nararamdaman niya.
Gumanti siya ng halik sa asawa niya. Hindi niya alintana ang sakit ng braso niya at likod. Inalis nito ang kamay sa baiwang niya, humihimas na ang kamay nito ngayon sa hita niya pataas habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa isa niyang binti at itinaas iyon sa baiwang nito.
"A-Alaric!" Malakas na napasinghap siya nang maramdaman ang kamay nito na nakapasok na sa suot niyang panty.
Kahit na lasing na siya sa halik nito ay nagawa niyang hawakan ang kamay nito para pigilan pero hindi ito nagpadala. Bumigat ang paghinga niya nang tuluyan nang lumapat ang mainit nitong kamay sa pagkababaè niya.
Nakatingin sa mukha niya si Alaric habang nilalaro nito ang clìt niya gamit ang daliri. Bawat hagod ng kamay nito ay napauungol siya sa kakaibang kiliti at sarap na hatid n'on sa kanya.
Tila may kakaibang pakiramdam sa sikmura niya na nabuo hanggang sa tila may naabot siya at tuluyang sumabog. Nanghihina na isinandal niya ang ulo sa dibdib ni Alaric.