It's Started With A Text

57 1 0
                                    

Hello readers! :) this is the first time na gagawa ako ng story dito sa wattpad and take note, hindi ito basta story lang kase story ito ng naging exprience ko sa isang babae. Isang babaeng hindi ko pa nakikita personally but I can say na minahal ko siya.

By the way I'm Lewis Jones F. Medina, a nursing graduate. I love dancing, everymorning nag papatugtog ako tsaka sasayaw sa harap ng salamin. Naging routine ko na yun and I take it as my excersise. Sabi din ng iba saken makulit daw ako at loko loko which is true. Yung iba naman sabi babaero daw ako and hindi ko naman idedeny yun kase totoo naman, ikaw ba naman iwan at lokohin ng first love mo ewan ko lang kung hindi ka mag bago at maging ganun. :D pero may isang babaeng nag patino ulit saken at yan ang abangan niyo kung sino siya at kung paano nangyari yun. HAHA. Trip na trip kong mag punta ng bars at mag inom kasama ng mga barkada ko kahit na may heart problem ako. E sa gusto eh. Bat ba? :p anyway, hindi naman talaga ako ganun ka adik sa wattpad at wala akong balak gumawa ng story dito pero dahil kaylangan at gusto ko, I DID. :)

Pag pasensiyan niyo na lang kung may mga magiging errors ako kase uulitin ko, FIRST TIME ko palang gagawa ng story dito so please bare with me. :)

So here.. Sisimulan ko na.. :D

11 in the evening nagising ako dahil bigla akong nakaramdam ng gutom kaya binalak kong pumunta ng kitchen pero nagulat ako nung pag labas ko ng room ko bukas pa yung ilaw sa kabilang room kaya pumasok ako para icheck kase baka nakalimutan lang ioff pero nakita ko yung pinsan ko na si Abby na gising na gising pa at sobrang busy sa phone niya kaya nilapitan ko siya. I ask her kung anong ginagawa niya, sabi niya “nag babasa ako, ang ganda kase nung story.” Na curious ako kaya tinignan ko, at ayun nga nakita ko na nag babasa siya sa wattpad. Napakunot noo ako nung nakita ko yung title kase maliban dun, makita mo palang yung picture alam mo ng may mga part dun na hindi pwede sa age niya to think na 12 yrs. Old palang siya. Hinayaan ko lang siya kase ayoko naman maging KJ lalo na at nakikita kong nag eenjoy siya sa binabasa niya kaya imbes na sitahin ko siya at sabihing matulog na siya ay hinayaan ko na lang siya at lumabas na ko ng room niya.

Kinabukasan sobrang bored ako, pano ba naman lahat ng tao dito sa bahay busy at ako lang  ang hindi dahil wala akong ibang ginawa kundi kumain, matulog, gumising, mag text, mag psp, mag facebook, mag sound trip at sumayaw. oh diba petiks ako? :D kaya tinawag ko na lang si Abby at hiniram ko yung phone niya para naman maiba. Nung una ayaw pa niyang pumayag pero dahil magaling ako manlambing napapayag ko din siya. Dahil sa sobrang bored ako binasa ko din yung binabasa niya. Inabot ako ng ilang oras dun kase naman talagang maganda ang pagkakagawa ng story at nakuha nun ang atensiyon ko, dagdagan pa ng mga bed scenes diba? :D habang binabasa ko yun ang dameng pumapasok na tanong sa isip ko like “ano kaya itsura ng author nito?”, “mahilig kaya siya sa *** kaya siya nakakagawa ng ganitong story?”, “mabait kaya siya? Maganda at sexy?” mga ganyang tanong ang naiisip ko nun ng biglang may mabasa ako sa authors note niya na talaga namang ipinagtaka ko. Nilagay niya kase dun yung number niya. Dumagdag tuloy sa mga tanong ko yung “ganito ba talaga ka ewan ang author nito para magawang ilagay dun pati number niya?” pano naman kase, diba dapat private yun? Ang dameng nag babasa ng story niya at malamang madame din mag tetext/tatawag sakanya nun and worst baka bastusin lang siya at pag tripan. Medyo natawa ako sa naisip ko nun, bakit ko nga ba naman siya kokontrahin e sa yun ang gusto niya tsaka hindi ko naman siya kilala kaya anong pakialam ko diba? After nun binalik ko na yung phone nung pinsan ko sakanya, tinamad na kase akong tapusin yung binabasa ko kaya itinulog ko na lang. Mga 5 oras din akong nakatulog nun at pag gising ko mukha agad ng pinsan ko yung bumungad saken at take note, mukha ng isang nakakatakot. Biruin niyong nagawa niya kong pag taasan ng boses kahit mas matanda ako sakanya. “nakakainis ka! Bakit mo ginalaw yung binabasa ko? Hindi ko na tuloy alam kung anong chapter na yung babasahin ko!” sabi niya. Medyo nagulat ako sa pag sigaw niya kaya napakunot noo ako at hindi na lang nag salita kase alam ko namang kasalanan ko. Umupo siya at umiyak na naging dahilan para mataranta ako. Hello! iyak mamaw to kaya sinong hindi matataranta diba? tsaka mahirap na at baka mapagalitan pa ko ni tita tapos ang babaw pa ng dahilan ng pag iyak niya, pwede naman niya hanapin na lang. Haist! >_<  “sorry.. amin na ako na lang mag hahanp kung saang chapter ka nag stop tutal nakita ko naman yun kanina. Wag kana umiyak kase mas pumapanget ka, este pumapanget ka. :D” sabi ko. “dapat lang na ikaw ang mag hanap ginalaw mo pa kase. Pwede namang idownload mo na lang sa phone mo para hindi kana nakikibasa.” Sabi niya. “oo na. ang dame mo pang dada, mamaya mo na kunin saken to.” Sabi ko at pagkatapos nun ay umalis na siya. Binuksan ko ulit yung story at ayun nakita ko na naman yung number ng author at bigla akong nakaisip ng kalokohan. Sinave ko yung number niya at tinext ko siya. Nag hi lang naman ako sakanya, susubukan ko lang kung totoo ngang number niya yun kase malay mo hindi pala at trip lang yun diba? Inabot ako ng ilang minuto sa pag hihintay ng reply niya pero wala talaga. Siguro nga at hindi niya talaga number yun. Hinayaan ko na lang, paki ko ba kung hindi siya mag reply. :D ipinag patuloy ko na lang yung pag babasa ko na naging dahilan para makalimutan ko na kaylangan ko palang ibalik ito sa chapter kung saan nag stop si Abby. Patay ako nito! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon