Chapter 5. . . Choices

76 9 2
                                    

Rex POV

Oo may POV Ako wag kayong umangal. Dudukutin ko yang mata niyo pag umangal pa kayo.

Nandito na ako condo unit ko ngayon. Hindi na ako pumasok sa klase ko. Eh sa nakaka init ng ulo yung babae na yun, baka may magawa pa ako sa guro namin kung siya ang mapag diskitahan ko. Tang ina talaga yung babaeng yun. Sino siya para sagot sagutin ako. Kung hindi lang dahil kay Red.

Flashback Sunday afternoon

"Red iho nandito ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay." Sabi ni mommy habang sinsalubong ng yakap si Red.

Every sunday kasi family day daw namin kaya heto ako. Ok naman family namin eh sobrang close sa isat isa.

"Ahh mom hindi ako maka hinga." Sabi ni Red. At kumalas na si mommy sa yakap.

"Mom nag kita naman kayo last sunday ha." Sabat ko sa usapan nila. Lumapit ako kay Red at nakipag hand fist, alam niyo yun sa mga lalaki.

"E nak naman ilang araw din yun noh." Sabi ni mommy, kahit kailan talaga napa ka childish nito.

"Yeah right mom." Pagsusuko ko. Promise walang sino man ang mananalo laban kay mom.

"O bat ngayon ka lang bro." Tanong ko.

"Oo nga nak. Ba't ngayon ka lang." Second emossion ni mom.

Biglang nag smile si Red. At kumamot sa kanyang batok. Oh anong drama nito?

"Nagsimba lang po kami mom." Sagot ni Red.

"Sinong kami? At diba Red sabay tayong nagsisimba tuwing sunday anak." Oo agree ako kay mom, sinong "kami"?

"Friend ko lang mom." Sabi ni Red habang tinutungo ang sofa kaya pumunta din kami ni mommy e sa na iintriga kami eh.

"Friend mo ba sa semenaryo anak. Padaanin mo minsan dito." Masayang sabi ni mom.

Ako. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa. Mabuti nalang may juice dito. Maka inom nga.

"Ah hindi po mom."

Masarap tong juice ha.

"So kaano ano mo anak?" Nagtataka na yung boses ni mom. "Classmate mo ba noon nak?"

"Hindi po mom, nakilala ko lang po siya don sa subdivision na tinutuloyan ko."

"Ganon ba anak. Sana dinala mo na lang siya dito."

"Oo nga bro para naman makalaro natin sa basketball nila daddy mamaya." Sambat ko. Pero hindi ako naka tingin sa kanila don lang ako naka tingin sa meryenda. Ang sarap naman nitong mga cookies, for sure si Tita Ara nag luto nito.

"Ahh hindi yata yun nag lalaro ng basketball bro." Sagot niya.

"Bakit nak lumpo ba yung kaibigan mo? Ano wala siyang kamay, paa ano?" Nag aalalang tanong ni mommy.

Ahh kaya siguro sinamahan ni Red mag simba, lumpo pala.

"Mom hindi po, babae kasi siya."

First time tong may kaibigan si Red na babae ha.

"Nobya mo ba anak?"

Mr. Missionary and MaeWhere stories live. Discover now