Hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko hanggang ngayon. Hindi ko lubos akalain na hahantong si Shanella sa ganito nang dahil lang kay Shawn. Nagawa niyang saktan ang sarili niya dahil lang sa lalaki?
"Halika na Erin, kailangan mo ng magpaliwanag sa mga pulis. Aakusahan ka nila na ginawa mo iyan kapag mag mukmok ka diyan at umiiyak!" ani ni Malerick sa akin habang hinihila ang aking kamay.
Nanginginig pa rin ang katawan ko sa takot.
Hindi ko rin alam kung paano ko ipaliwanag ang mga nangyari. Wala aking ginawa, hindi ko sinaktan si Shanella.
"Halika na!" Hila-hila pa rin ni Malerick ang braso ko.
"P-paano k-ko ipqpaliwanag sa kanila ang lahat?!" sabi ko habang nanginginig.
"Sabihin mo sa kanila kung ano ang tunay na nangyari. Hindi ka maaring iiyak nalang diyan," ani naman nito.
Inayos ko naman ang aking sarili para harapin ang mga pulis.
Ipinaliwanag ko sa kanila ang mga nangyati pero hindi sila naniniwala sa akin. Pinusasan nila ako sa salang kriminal kahit hindi ko naman pinatay si Shanella. Nasa ospital siya ngayon dahil dinala siya ni Shawn doon.
Wala na akong magawa kundi sundin nalang ang mga pulis at umiyak. Nangako naman si Malerick sa akin na gagawin niya ang lahat para makalabas ako sa kulungan.(Shawn's POV) TWO DAYS AGO
Hanggang ngayon naka admit pa rin si Shanella dito sa ospital. Kanina ko pa siya tinataning kung ano ba talaga ang nangyari sa bahay ni Erin at kung bakit may saksakan na naganap. Hindi lang siya sumasagot at umiiyak lang habang nanginginig sa takot ang kanyang katawan.
"It's alright, huwag mong pilitin ang sarili mo na alalahanin ang mga nangyari kung na trauma ka. I'm sorry!" sabi ko habang hawak ang kanyang kamay.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya ng makita ko siya sa bahay ni Erin. Hindi ko rin naman inakala na magagawa ni Erin iyon kay Shanella.
Nahahati sa dalawa ang aking nararamdaman, nag-aalala din ako kay Erin na ngayon daw ay nasa presinto.
Ano na kaya ang nangyari sa kanya ngayon? Baka isipin niya na binale wala ko siya at mas nag-alala ako kay Shanella?
"She trying to killed me Shawn, hindi ko nga alam kung bakit eh. Bigla niya nalang akong sinugod ng kutsilyo tapos galit na galit siya sa akin. I'm scared, baka kapag makalabas siya sa presinto babalikan niya ako at tuluyan ng patayin!" natatakot na sabi ni Shanella.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari kay mahirap magdesisyon.
"Ano ba ang pinag-awayan ninyo? Akala ko ba nakipag bati na siya sa iyo? Bakut humantong sa ganito ang nangyari?!" Napasulyap ako sa kanang braso nito na napuruhan ng pagsaksak. "Mabuti nalang at hindi gaanong malala ang natamo mo, paano kung nasaksak ka sa maselang parte ng katawan mo?!" nag-aalala kong sabi.
"Kaya nga, iyon din ang ikinatatakot ko Shawn!" Napahawak siya ng mahigpit sa braso ko. "Shawn, help me! Kailangang mabulok si Erin sa kulungan!" ani pa ni Shanella.
Napahawak ako sa sentido ay hinilot iyon. Paano ko matutulungan si Shanella kung si Erin ay ang babeng minamahal ko?
"Shawn, why are you so quiet? Don't tell me na hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko. She's criminal like her parents!" sigaw pa nito.
"I don't know kung ano ang nangyari Shanella, kailangan kong makausap si Erin to know her side," sabi ko naman.
Napabangon naman siya ng marinig niya ang sinabi ko. May bandage pa ang braso niya at halos ay hindi niya magalaw.
"So, hindi mo ako matutulungan? Ganoon ba iyon? Paano kung tuluyan niya aking pinatay? Wala kang gagawin?! Don't tell me na mahal mo na ang babaeng iyon!" aniya.
Hindi na ako sumagot pa at lumabas nalang sa room ng ospital. Pabagsak kong sinara ang pintuan dahil bigla aking nainis sa sinabi sa akin ni Shanella.
I need to talk to Erin, kailangan ko siya g kamustahin sa presinto. She's not deserve in jail, unless lang kung totoo ang sinasabi ni Shanella na gusto niya nga itong patayin.
Kaagad kong pinaandar ang makina ng aking sasakyan para bisitahin si Erin sa may presinto. Binilisan ko pa ang pagmaneho at makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako.
Habang papasok sa ako sa jail ay nakuta ko si Malerick na kaibigan nina Erin at Shanella.
Nilapitan ko naman siya para kausapin. "Hey, pwedi bang makisabay nalang ako sa iyo? Bibisitahin mo naman si Erin hindi ba?!" sabi ko.
Napatigil siya at tiningnan ako ng masama. "Ano pa ba ang ginagawa mo dito? Doon kana kay Shanella, alagaan mo siya at layuan mo na si Erin!" galit na sabi nito.
Nakita ko siyang napatiimbagang habang nakatingin sa akin.
Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Erin is my girlfriend. Anong karapatan mo na pagbawalan aking makita siya?" sabi ko sabay ngisi ng nakakaloko sa kanya.
"Ikaw ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon hindi ba? Kayo ni Shanella ang dahilan. Mga traidor manloloko at manggagamit! Wala ka talagang pinagkaiba sa mga magulang mo!" sigaw nito sabay tulak niya sa akin.
Natumba ako sa sahig. Pakiramdam ko natamaan ang ego ko sa sinabi niya.
Kaagad naman aking tumayo at ginantihan siya ng suntok sa sikmura.
"Gago ka! Anong karapatan mo para saktan ako?! Kung meron man dito na hindi dapat bumibisita kay Erin, ikaw iyon! Akala mo ba magugustuhan ka niya kahit araw-araw mo pa siyang i comfort?!" Napatawa ako sa kanya. "Hindi, kahit anong gawin mo ako pa rin ang gusto ni Erin at wala kang pag-asa sa kanya!" sabi ko naman.
Tumawa naman ito ng malakas. "Gaano ka kasigurado na gusto ka ni Erin? Hindi ba talaga pumapasok sa isip mo na baka may alam na si Erin kung ano ang meron sa inyo ni Shanella? At hindi kang iyon, baka nagpapanggap lang si Erin na walang alam pero ang totoo ay may ideya na siya na may kinalaman kayo sa pagkawala ng mga magulang niya?! Kapag nagkataon, maaring iatras ni Erin ang produkto niya at ibibigay niya ang kanyang tulong sa ibang Kompanya at malulugi na muli ang Kompanya niyo ngayon hanggang sa mabaon na naman kayo sa utang!" ani nito habang tumatawa.
"Mahal ako ni Erin kaya kahit malaman niya ang ginawa ng mga magulang ko sa magulang niya ay hindi niya ako kayang iwan!" sabi ko naman.
Ang totoo nasasaktan ako sa narinig ko ngayon. Ayaw ko na kamuhian ako ni Erin dahil sobrang mahal ko na siya.
"Ito ang tandaan mo Shan Arzilla, mas mahal ni Erin ang mga magulang niya kaysa sa iyo!" sagot nito sabay talikod.
Hindi na ako nakaimik pa sa kanya. Napahawak nalang ako sa batok ko at bumuga ng hangin. Kailangan ko na bang ipagtapat kay Erin ang totoo?
BINABASA MO ANG
Unstoppable Lust
RomanceWARNING‼️ READ AT YOUR OWN RISK! ANG ISTORYANG ITO AY MAY MGA KATAGANG SOBRANG SENSITIBO.