CHAPTER 17
( king of flower, sige hula ) ---> Omar
"ang barahang nabunot mo ay king of flower," sabi ko, at ito na ang pangalawang beses na tumaya si Omar
"damn it! fourty pesos na talo ko," reklamo ni Omar at muling dumudukot ng pera sa wallet nya
"game isa pa," dagdag nya
Bente lang yung tayaan nya, at meron na akong one hundred pesos so kumita na ako ng sixty pesos, pero hindi pa man nailalapag ni Omar ang sunod na bente pesos na itataya nya ay pinigilan na sya ng isa nyang kasama sa likod, kanina pa ito nanunuod sa amin so gusto nya siguro ma-try
"tabi dyan Omar, ako susubok," sabi nya at tumayo naman agad sa upuan yung Omar
"sige sige, siguraduhin mong mababawi yung talo namin ah," sabi ni Omar
"anong babawiin, mas maganda kung ipapanalo ko na," sabi nya
Malakas ang fighting spirit ng isang ito, nakangiti pa ito na parang pinalalabas yung isang pangil nya, pagkatapos ay nilapag nya yung one hundred pesos na buo sa mesa
"game!" sabi nya
"magkano?" tanong ko, baka kasi wala syang barya
"yan lahat yan!" sabi nya na talagang ikinagulat ko at pati ng mga kasama nya
"huy khenji magtira ka ng panlaro natin," sabi nung Bart
"geh, meron pa akong tira dito," sabi nung nagtaya ng one hundred na khenji daw ang pangalan
( alam ko na sikreto ng magic tricks mo bata ) ---> khenji
Wow talaga lang huh, pero sobrang laki ng itinaya nya para dito, pag natalo ako, ito na ang huling pambayad ko at mauuwi lahat sa wala ang pera ko, binalasa ko yung baraha para makapag-umpisa na syang makapili
"wait, ilapag mo sa mesa yung deck," sabi nya at pinagbigyan ko naman, nilapag ko yung deck of cards ng nakataob
Ikinalat nya ng bahagya ang mga baraha at pumili sya ng isa, pero hinigit nya lang ito pa-islide at inipit sa kalapit na keyboard
"game! hula," sabi nya na talagang na shock ako
"hindi mo ba sisilipin kung ano ang nabunot mong baraha," sabi ko kasi hindi ko malalaman yun kung pati sya ay hindi rin alam ang barahang nabunot nya
"hindi na pre, bakit may rules ba yung magic mo?" sabi nya
"wala naman, pero" sabi ko
"pero? hindi mo malalaman ang cards kung hindi ko titingnan right?"
Hala! alam nya kaya na nakakabasa ako ng isip, patay tayo dyan mukhang wala na akong lusot dito
"Sabi ko na eh, sa mga mata namin mo nakikita kung ano ang cards na binubunot namin diba, kanina ko pa napapansin yung eye to eye contact mo pre," sabi nya na talagang kinabahan ako dahil tama sya na sa mata nga ako bumabasa ng isip
"anong ibig mong sabihin pre, anong sikreto ng magic nya," tanong ng kasamahan nyang si Omar
"yun nga pre yung mata, di mo ba napapansin," sabi ni khenji
"Hinde?"
"Reflection sa mata! pag tiningnan mo yung cards magrereflect sa mata mo yun kaya nakikita nya, parang yung mata ni suezo ng monster rancher, napanuod mo yun, sa sobrang laki ng mata nagreflect yung barahang hawak nya,"
Wew O__O akala ko pa naman alam nya talaga, iba pala yung explanation nya pero muntik na rin haha, pero aminado na akong talo ako dito, hindi ko pwedeng sabihin na nakakabasa ako ng isip dahil malaking isyu yun
"Ano tol, huhulaan mo ba kung anong baraha ito oh give up na," sabi nya
Aba syempre huhulaan ko pa rin yun pero this time totoong hula na, >__< malay nyo tumama pa, pero 1% na lang ang chance haha
"Queen of heart," sabi ko at dali dali na nga nilang binuklat ang baraha
"Boom! two of diamonds wahaha," tuwang tuwang sabi ni khenji
"Oy balato!" sabi ni Bart
"ako rin," sabi nung Rex
"Woohh, geh geh, libre ko kayo dota mamaya haha,"
Ayan lagas ang pera ko, as in itong mga resibo na lang yung laman ng pitaka ko, naalala ko tuloy yung sinabi ni papa "Oo, kaya tipirin mo yang baon mo, wag mong ipangdodota yan,"
Di ko nga pinandota pero yung mga dota boys yung nakinabang, hay buhay T__T
Naupo nalang ako dun sa kabilang upuan, iniisip ko yung pera ko, mali nga siguro yung paraan ko ng paggamit ng abilidad ko kaya ayan mabilis na kinarma, problema ko pa yung pamasahe ko pauwi, ng biglang may gumulo ng buhok ko, lumingon ako at si Jazer yung nakita ko
"kamusta na, ang aga mo ngayon ah," sabi nya pero di ako sumagot at saka sya tumabi sa akin
"yung plano bukas ah, wag mong kalimutan, saka kamusta na kayo nung Charlotte, dapat nagpapraktis kayo ng mga kilig scene nyo para kapani-paniwala," sabi ni Jazer
"Hindi ako makakapunta bukas Jazer," malungkot kong sabi
"Huh?"
"Wala akong pamasahe eh,"
"Huh?"
"Wala na, eh," sabi ko
"Dahil lang sa pamasahe?" sabi ni Jazer
"Nila-lang mo lang yung pamasahe bakit may pampautang ka sa akin?"
"Wala, eh manghingi ka sa mama at papa mo tol," sabi nya
"Hindi na ako bibigyan nun tol,"
"Ay patay tayo dyan, edi sira ang plano nyan," sabi nya
Hey Jazer, na pepresure ako sayo, ni wala nga rin ako pamasahe pauwi ngayon, ewan ko ha, pero mukhang tatabihan ko na lang yung pulubing bulag na si Camote cue dun sa kalye at sabay kaming mamamalimos...
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasyAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...