"Mika halika na dito!" tawag nila sa akin.
Nasa pool na silang lahat habang ako nanonood lang Taken 3 sa cottage. Hindi naman talaga ako nanonood. Naka-headset nga pero nakamute. Gusto ko lang talaga mag-isip.
Farewell party ng klase namin ngayon at graduating high school students na kami next school year. Grade 12 kumbaga. Nakakapagod na ngang makita araw-araw ang mga mukha nitong mga kumag na 'to. Pero kahit mga asungot to, mamimiss ko sila. High school life will always be the best wika nga nila.
Pinatay ko na yung laptop at nagtungo sa pool. Umupo ako sa gilid.
"Ba't ba ayaw mong maligo ha?" tanong ni Mae. Isa siya sa top students ng klase.
"Ang dami kayang germs at ihi dyan." palusot ko.
Tumingin ako sa kanila at puro masasayang mukha ang nakita ko. May mga love life na ang mga yan pati ang dalawa kong best friend. Malapit ng mag-one year si Kate at Carlos habang si Bianca at John may something palang.
Ako? Isa ako sa mga hindi pinalad. May mga naging boyfriend naman ako noon pero hindi tumagal. Wala pang tumagal sa ugali ko. Bipolar and most of the time naka-zone. That's why we have summer, right? Para magbago. Wala na din akong planong magka-boyfriend sa ngayon. Focus muna sa pag-aaral lalo na't running for valedictorian ako.
Bumaba na ako at lumapit sa kanila. "Delete niyo na number ko. Magbabago ako." wika ko.
"Text mo lang kami."
"Hindi," tumawa ako. "Magbabago nga kasi ako. Ugali ko at lahat-lahat. Change for the better."
---
And that's where and when my new life started.
Every summer has its own story. It could be an end or a new beginning of something. And I prefer to start something new somewhere else.
I'm Mikaela Nicole Sanchez, 17 years old and I'm ready to take a swim.
BINABASA MO ANG
Summer Feels
Teen FictionChange nga daw kasi summer na. Pero paano kung makakaharap mo yung taong katulad mo pero at the same kabaliktaran mo? Ipagpapatuloy mo pa rin ba ang pagbabago o titigil ka para sa taong gusto mo?