Read in the Bible: Ruth (Old Testament)
"Nabasa mo na ba 'yon? Yung kay Ruth at Boaz?" tanong ko kay Aiden na kumakain sa aking harapan. Natigilan siya sa pagnguya at inangat ang tingin sa akin. "Wala lang, paborito ko 'yon na pagmamahalan sa Bible. Tapos yung love din sa pagitan ng magbiyenan, mostly kasi ng mga magbiyenan ngayon eh hindi magkasundo," dugtong ko.
Na-late kaming pareho sa lunchtime, nasa Munoz na si Yandiel at mukhang ngayon na ang simula ng kanyang internship, for observation pa lang naman at hindi pa siya magde-demo. bukas ang start ng sa amin kaya kabado ako. Nagsisimula na rin yung tahian ng mga uniforms para sa mga student interns.
"Si Jacob at si Raquel..." He paused to speak. "Yung favorite ko."
Napangisi ako. "Veteran ka na palang Christian, ane? Kailan ka pa naka-accept?"
Tumawa siya. "Grabe ka naman. Hmm, 15 years old ako noon naaalala ko, June 1. Buong pamilya kami na-save at nag-accept noon kaya sabay-sabay yung celebration ng spiritual birth namin."
Tumango-tango ako at na-amaze. "Ang galing! Eh, 'di ang saya no'n. Isipin mo, buong family kayo at magkakasama kayo until eternal life, ano?"
"Kapag nasa langit na tayo, wala nang mag-asawa o magkapamilya, parang mga anghel na daw tayo sabi ni Lord. Naalala mo noong tinanong Siya ng mga saduseo?"
Natulala ako para mag-isip at alalahanin iyon. "Yung babae, lahat ng magkakapatid naging asawa niya kasi natigok lahat?"
"Oo, tapos tinanong nila kung kung sino na ang asawa ng babae pagdating sa langit. Pero malinaw sa Bible, wala nang ganun. Magkakapatid na tayo pagdating doon."
Iyon yung laging joke ni Pastor, yung mga malulungkutin daw ay mga matatanong, he's referring to the sadducees. Sad nga naman kasi.
Tumango ako at napangiti. "Ang galing, ano? Ang ganda na dito sa mundo natin, ano pa kaya doon sa langit, kumbaga sa sobrang ganda hindi siya abot sa lawak ng isip natin."
Ngumisi si Aiden at inabutan ako ng toothpick, wala pa namang klase kaya magchi-chismisan muna kami. "Gusto mong mag-aral ng theology? Theological Seminary 'yon, kasama ko si Yandiel tuwing miyerkules ng gabi. Yung revelation ang pinag-aaralan namin ngayon."
Nakunot ang noo ko, wala naman siyang sinasabi na gano'n.
"Sabi ko na, eh. Tinago sayo." He chuckled. "Dati ko na siyang kaklase sa gano'n, bago mo pa siya idala sa church. Pero hindi pa siya naga-accept. Tapos nalaman ko na ikaw pala yung nag-evangelize sa kanya."
Hindi ko mapigilan na mapanganga. Ang galing talaga ni Lord. Ibig sabihin ay may background na pala siya. Theology, bongga yun. Pangarap ko nga na mag-aral ng ganun.
"Sobrang ganda sa langit, Debs. Doon wala nang sakit, gutom, lungkot at kahit anong hirap. Let us not get tired to share the Word and bring Christ to the people. Let them know that Christ is the only Way to eternal life."
.
.
I receive this news from Ravi this afternoon. Nasa DepEd daw si Yandiel dahil naaksidente si Yena sa school. Pagtingin ko sa labas ng aming classroom ay nakita kong hapon na, pagabi na sa totoo lang.
Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa para i-text siya. Maybe, he got home. An accident, his sister. I know how much he loves his sister at what happened will give him an impact, of course.
Ako:
Nkauwi kna
Tinitigan ko lang ang screen ng aking cellphone hanggang sa mag-reply siya. I literally stared at the screen for minutes to wait for his reply because I'm also worried. What happened? Did his sister got bullied again? Marami kasing aksidente, hindi ko alam kung okay na ba ang kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Espiritual2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...