Matapos ang gabing iyon, napansin ko parang araw-araw nang pumupunta si Aira sa bahay namin.
Nasa may tapat kami ng bahay that one afternoon at nagchichikahan.
"Oo nga eh. Sabi kasi ni Ate, para naman may makasama siya dun kahit ngayong bakasyon lang."
"Sabagay. Kailan kayo bibiyahe?" tanong ni Aira.
"Hmm. Dunno! Hindi pa nga sure eh," sagot ko.
"Pumayag naman kaya si Rafael?"
"Bakit hindi? Eh siya nga hindi nagpapaalam sa akin palagi eh."
"So, hindi ka rin magpapaalam. Ganern?"
Inayus-ayos ko muna ang pagkakaupo ko sa bench na kinatatambayan namin bago ako sumagot, "Pinag-iisipan ko."
"Ay hala, grabe!"
"Joke lang!" bawi ko at tumawa. "Sasabihin ko siyempre. Ika nga, Don't do unto others what you don't want others do unto you."
"Ang arte mo!" nakamukha nitong tugon. "Anyway, napasyal ba rito si Edward?"
"Oh, kelan pa naging Edward tawag mo do'n?"
"Sabi niya kasi, Edward itawag ko sa kanya," paliwanag nito.
Curiously, I asked, "Bakit? Mas maganda nga ang Ken eh!"
"Ewan ko do'n," sagot nitong medyo nakasimangot. Nakatingin lang ito sa malayo na parang may iniisip na malalim.
"Ano'ng tingin mo kay Edward?" Kapagdaka'y tanong nito. Medyo nagulat ako sa tanong niya pero hindi ako nagpahalata.
"What do you mean?"
Huminga ito nang malalim at humarap sa akin. I braced myself for her series of questions. Nahalata kaya niya?
Wait, hindi ang ano nga ba? May dapat bang mahalata?
"Wala naman," narinig kong sabi ng kasama ko. Ano nga ba pinag-uusapan namin? Ay oo.
"Ikaw talaga," 'yon lang ang nasabi ko. Lihim akong napahinga nang maluwag. Mukhang wala naman yatang napapansing kakaiba ang kaibigan ko. Kasi wala naman talaga, okay?
Saglit kaming natahimik bago ito nagsalita ulit.
"Si Rafael nga pala, nagtext na ba sa'yo?"
"Yup, katext ko siya kagabi."
Hindi totoo 'yon. Sa katunayan, hanggang ngayon, ni isang text wala pa akong narereceive mula do'n. Ang sama niya!
Ilang gabi na rin akong hindi makatulog kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari sa walanghiyang 'yon! Wala naman akong mapagkwentuhan.
Mag-share kaya ako kay Aira? Kaya lang, ewan ko ba at parang I don't feel comfortable to tell her anything as of now. 'Tsaka na lang siguro. Kaya ko pa naman yatang sarilinin muna.Damnit.
"Mabuti naman," sagot ni Aira at yumakap pa sa akin. "Okay lang yan, best. Remember, I'm here ha."
Ngek. She knows. Na-guilty tuloy ako bigla. Kakasabi ko lang na parang hindi ako komportable magshare sa kanya.
Double-damnit.
"Ang drama mo ah!" sabi ko instead sabay hampas sa braso nito.
"Aray ko naman! Magkapasa nga 'yan!"
"Wow, nakakahiya naman sa balat mo!"
"Talaga! Mahiya ka sa balat kong mala-labanos!"
"Baka labanos na reject na," natatawa kong sagot.
BINABASA MO ANG
We're JUST FRIENDS, Right?
RomantizmA single kiss breaches the distance between love and friendship.. *** At 20, Maria Elya dela Riva or MAIA is perfectly satisfied with every single thing in her life. Like, E V E R Y T H I N G! She belongs to a family of great support and warmth. She...