Hunter's POV
Tumalsik ako habang hawak ang naputol na pana. Nakita ko din ang Lacrima ko na nawasak dahil sakanya.
“Hindi,” nai-usal ko.
Ang sandata ko... nasira na.
“Nako! kawawa ka naman.” Kunyareng malungkot n'yang sabi.
Natahimik ako. Binili pa naman nila 'to sakin, tapos nasira ko lang. Napasabunot nalang ako sa wig, muntik pa itong matanggal. Naiinis ako sa Vanessa'ng 'to. Hindi ko man lang naiwasan ang atakeng yon. Doble na ang inis ko.
Makakaya bang ibalik ng lacrima ang pana ko? Ayys! pati ang lacrima ko din pala nawasak. Sobrang naiinis ako at nalulungkot, nang masira ang pana parang may parte ding nasira sa pagkatao ko.
Huminga ako ng malalim, para maibsan man lang ang inis.
“Hunter.” Nakasimangot akong lumingon sa hologram ni Hacker.
“You okay?” tanong n'ya. Tumango ako.
“Kaso ang pana ko.” Para akong batang nanghihingi ng pasensya dahil naka sira ng gamit ng iba.
“That's okay,” ngumiti s'ya.
“Hindi yon okay Hacker, mahalaga sakin ang pana ko,” pag-aalboroto ko.
Habang abala sa pag-aalboto ay nakita kong may lumabas sa drone na isang dagger. Inabot n'ya 'to sakin. Nagtataka ko naman itong pinagmasdan, pero kinuha ko din ito agad.
“That's Baker's dagger,” sabi n'ya. Lumaki ang mga mata ko at tinignan maigi ang hawak ko.
May nakalagay na pangalan ni Biker sa dagger n'ya. Sakanya nga 'to!
“Biker has a lot of daggers. That one is her most favorite,” pagbibigay alam n'ya.
“Ano na namang pinag-uusapan n'yo?” Nakita ko sa gilid ng mata ko na naglakad palapit si Vanessa.
Hindi ko s'ya pinansin at tinuon ang atensyon kay Hacker. Nagulat kasi ako nang makita ang dagger na pag-aari mismo ni Biker. Naramdaman ko kung gano ito kabigat, napaka tulis din ng patalim nito. Hindi katulad ng ordinaryong dagger ko na nawala na din. Medyo malaki din ang dagger ni Biker, sakto lang ito sakanya.
“Saan mo 'to nakuha?” tanong ko. Iniingatan din ito ni Biker. Pano napunta ngayon kay Hacker?
“She gave it to me. She also left a message.” Binigay sakanya ni Biker?
Nakatitig ako sa dagger nang biglang may kumalabog sa gilid ko. Nasa malapit na pala si Vanessa at pilit sinisira ang barrier na hindi ko napansing nilagay ni Hacker para protektahan kami.
“That's the dagger she used to kill the mayor.” Hindi pinansin ni Hacker ang pilit pagsira ni Vanessa sa barrier n'ya at nagpatuloy lang sa pagsasalita.
“And the last thing she said before she died is...”
“The light was once my path, but the darkness is what I choose. I'm giving her this dagger, it's shows how much I appreciate her. I want her to use this, and end everything. Hunter is my last member, our last living member.” Natahimik ako.
“She's right tho, ikaw ang huling myembro. Like she said, hold this dagger until your last fight.” Kahit hindi n'ya sabihin ay gagawin ko pa din yon.
Halos yakapin ko ang dagger ni Biker. Nangungulila man sa presensya n'ya ay isinantabi ko yon para lang ipagpatuloy ang laban namin ng Vanessa na'to. Nang tumayo ay nakaramdam ako ng kuryenta sa buong katawan ko, nagtayuan ang mga balahibo ko dahil don. Nararamdaman ko ang kapangyarihan ni Biker dahil sa dagger na'to.
BINABASA MO ANG
Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)
FantasiMidnight Hunters, a group of criminals that are being chase by the government. They are still unknown by the public, this mysterious group has been the pain in the ass of the Mayor of their town. Many people don't know them, they just known for bein...