Pagkatapos ng nangyari ay nagpaalam na rin si Theo na babalik na siya sa table nila. Sino ba naman ako para piligan siya? At saka okay na rin naman kami kaya pinayagan ko na. And yes, you heard it right! saakin talaga siya nagsabi, as if my decision matters to him. Well, hindi ko pa sure, so yeah.
"Hintayin nalang kaya kitang matapos?" tanong niya habang sinusundan ako.
"Ano ka ba? Bumalik kana kasi do'n, baka hinahanap kana ng best friend mo," sarkastikong sagot ko, pinipilit na maging matatag kahit marupok naman talaga.
"Kendra," –tila nagbabantang aniya, kaya tumigil ako sa paglakad at hinarap siya.
"hmm?" malumanay na tanong ako sabay ngiti.
"You're not mad at me, right? Okay na tayo diba?" –naguguluhang tanong niya. Saka nagsusumamong tumitig sa akin.
"Oo nga sabi, kaya pumunta kana do'n. Mamaya nalang ulit," paninigurado ko, kung hindi ako aayos ay baka hindi niya ako tigilan. Baka hindi ako makapagtrabaho ng maayos kapag gano'n kaya kahit gusto ko pa siyang asarin dahil deserve n'ya naman 'yon ay tumigil nalang ako.
"You sure?"
"Theodore! ang kulit mo, hindi na nakakatuwa,"
"I'm sorry, I'll go ahead then, and I'll wait for you later" –pagsuko niya saka ginulo ang buhok ko. Wtf! anong akala niya sa'kin, bata? bahala nga siya!
Hindi na ako nakipagpalit ng area kay Marsha, kahit ayos na kami ni Theo ay hindi ko pa rin maiwasang malungkot at magalit sa sarili ko. Masakit talaga kapag nakikita ng hubad mong mga mata ang katotohanan, kulang nalang talaga ay isampal saakin na kailanman ay hindi kami nababagay para sa isa't-isa.
Hinayaan kong si Marsha nalang ang mag-asikaso sakanila, kahit palagi kong nasusulyapan si Theo na nakatitig saakin. Akala niya yata ay lalapit ako sa table nila, no way! mapapaso lang ako sa karangyaang isinisigaw ng awra nila.
Paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang iniiwasan 'yong sinasabi niyang Almira. Kung hindi ay talagang yari siya saakin. Kung umakto kasi ang babae ay parang girlfriend pero kaibigan lang naman pala! Akala mo kung sino, palibhasa mayaman. Sarap balian ng kamay, kung makahawak sa braso ni Theo akala mo mawawala tss'. Ano 'yan kinder na takot mawala sa mall?
"Hey? Bakit tahimik ka?" –tanong niya habang nasa loob kami ng sasakyan.
"Wala lang, wala lang ako sa mood magsalita." sagot ko habang pinagmamasdan ang mga sasakyan mula sa bintana.
"Are you okay? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya kaya napalingon ako. Gusto kong sabihin na masakit pa rin, na maraming tumakakbo sa isipan ko, na hindi ako okay, na gusto kong maglaho nalang. Kaya lang ay duwag ako, kaya ngumiti nalang ako at umiling.
"Wala, pagod lang talaga ako." pangatwiran ko. Alam kong nakatitig siya sa akin, ngunit hindi na ako lumingon pa. Ang pagbuga nalang ng aircon ang maririnig sa sasakyan, kung kaya't laking pasasalamat ko ng makarating na kami.
"Maraming salamat, ingat ka sa byahe." –paalam ko bago siya tinalikuran, hindi ko na rin siya hinintay pang magsalita. Alam kong hihintayin n'ya pa akong makarating sa amin, kaya ng makarating ako ay isinabi ko agad sakaniya.
To: Theo
Nakarating na ako, ingat ka sa byahe. Good night!
________________________________________________________________________________________________________
Mabilis na lumipas ang panahon, sa susunod na buwan ay kaarawan ko na. Bihira nalang kung magsalita si mama at hindi na rin naman kami nag-aabot ni papa kaya hindi na rin ako nakakatikim ng kalupitan niya. Salamat naman at may kaunting pagbabago na sa pamilya ko. Nabawasan kasi ang problema sa pinansiyal dahil nga nagtatrabaho naman ako.