Chapter 7

644 37 0
                                    

Natigilan si Dawn ng masuyo nitong halikan ang kanyang labi. Ang panlalaban ng kanyang ulo ay unti-unting bumigay. Napapikit siya sa sensasyong bumalot sa kanyang katawan dahil sa halik nito. Ang labi niya'y kusa na ring gumalaw kasabay ng galaw nito. 

Napasinghap si Dawn ng maramdaman ang halik nito sa kanyang leeg. Hindi niya namalayan na nagkapalit na pala sila ng posisyon. Ito na ang na sa ibabaw habang siya'y na sa ilalim. 

Napaliyad siya at may impit na ungol ang lumabas sa kanyang bibig dahil sa ginagawa nito. Para siyang nalalasing sa bawat haplos ni Vander. Idagdag pa ang amoy ng alak na ininom nito. 

"I love you," Muling narinig ni Dawn ang sinabi nito ng dumako ang halik ng lalaki sa puno ng kanyang tainga. 

Parang naupos ang hininga ni Dawn ng maramdaman ang isa nitong kamay sa tuktok ng dibdib niya. 

"V-vander," Impit niyang ungol. Tila naging excited ang kanyang katawan sa ginawa nito. 

"I love you," Paulit-ulit nitong sabi at muling bumalik ang halik sa kanyang labi. "Thelma," Natauhan si Dawn sa sinabi nitong pangalan. 

Malakas niya itong tinulak pero dahil sa likas na laki ng katawan nito, hindi niya nagawa. Umiwas na lang siya ng muli nitong tangkain na halikan siya. 

"Vander!" Bahagya niyang sigaw. Tumigil naman ito. "I'm not Thelma," Sambit niya.

Umalis ito sa kanyang ibabaw at lumipat sa gilid niya pero siniksik nito ang mukha sa kanyang leeg. Kinilabutan pa siya ng maramdaman ang maliliit nitong halik doon.

"Vander!" Saway niya.

Hindi pa rin nito pinapakawalan ang katawan niya.

"She broke up with me," Tila bata itong nagsusumbong sa kanya. "She didn't believe me."

Naramdaman ni Dawn ang paghigpit ng yakap nito sa katawan niya. 

Somehow, she felt his pain. Pareho sila ng sakit na nararamdaman ngayon dahil sa mga taong mahal nila. 

"That's life," sambit na lang niya. 

Wala siyang alam na pwedeng sabihin para gumaan ang pakiramdam nito dahil maging siya sa kanyang sarili, hindi niya alam ang gagawin para mawala ang sakit sa kanyang dibdib.

Oo, lumilipas din iyon pero kapag nakita mo ang taong dahilan ng sakit na 'yon, bumabalik ang lahat. 

"She thought I betrayed her." Muli nitong sabi. 

Kusang umangat ang kanyang kamay patungo sa ulo nito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito sa pagbabaka-sakaling gumaan ang pakiramdam nito.

"I love her. I really love her,"

Napapikit si Dawn ng maramdaman ang mainit na likido sa kanyang balikat.

He really loves her. Hindi ito luluha kung hindi nito mahal ang babae.

'Ano bang nakita nyo sa kanya at ganyan kayo kabaliw sa babaeng 'yon?' tanong niya sa isip habang naaalala kung gaano rin naging miserable si Magnum sa pagmamahal kay Thelma.

"Sleep," sambit niya.

Hinaplos niya ang buhok nito patungo sa pisngi. Marahan niyang pinahid ang luha nito roon. 

'Tears of pain. The same tears as her.' muli niyang sabi sa isip. 

Bahagya itong gumalaw pero mas lalong yumakap sa kanya. Hindi siya nagreklamo dahil ito rin ang kailangan niya sa tuwing nasasaktan. Gusto niyang maramdaman na may taong handa siyang damayan at tutulong na malampasan ang pinagdadaanan niya. Ngunit alam niyang tanging sarili lang niya ang makakatulong sa kanya.

Marrying a Rebellious Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon