"Indiana, wake up!" Gising ni Vander sa babae.
Hindi niya namalayan na umuwi ito kagabi. Nakatulog na siya sa paghihintay dito para sana ipaalam na isasama niya ito sa fashion week ngayon.
"Wake up! May pupuntahan tayo ngayon!" Muli niyang niyugyog ang balikat nito pero tinabig lang nito ang kanyang kamay at nagtalukbong ng kumot.
Hinila naman niya ang kumot nito.
"Indiana!" Muli niya itong ginising. "Bumangon ka na, mahuhuli tayo!"
"Ano ba, Vander! Lumayas ka sa kwarto ko!" Binato pa siya nito ng unan pero nasalo niya.
"Hindi kita titigilan hanggat hindi ka bumabangon," Pangungulit niya.
Inagaw niya ang yakap nitong unan.
"Vander!" Galit nitong sigaw. Sinipa pa siya nito pero mabilis siyang nakatayo. "Umalis ka rito!"
Bumuntong hininga si Vander at muling lumapit sa babae.
"Vander!!!"
Napapikit si Vander sa malakas nitong sigaw ng buhatin niya.
"Ibaba mo 'ko!" Hindi niya hinayaan na makawala ito. Dinala niya ito sa banyo at nilagay sa bathtub. Mabilis niyang binuhay ang shower at tinapat dito.
"Bwiset ka, Vander!" Namumula nitong sigaw.
"Kapag hindi ka naligo, ako ang magpapaligo sa'yo!" Nakangisi niyang pananakot dito.
Mabilis naman siyang tumakbo palabas ng damputin nito ang bote ng shampoo at ibato sa kanya. Mabuti hindi siya tinamaan.
...
...
"Bilisan mo. Late na tayo," Sambit ni Vander habang hila ang nakasimangot na babae.
"Bakit ba kasama pa ako rito?" Muli nitong reklamo.
"Lucky charm kasi kita," Nakangisi niyang sagot.
Umirap naman ito sa kanya. "Malasin ka sana,"
Natawa na lang si Vander sa sagot nito.
...
"Vander!" Masayang salubong ni Manager Crista sa kanya. "Thanks God, you're here! Where's your wife?" Tanong nito habang tumitingin sa likuran niya.
"She's my wife," Turo niya kay Indiana na nakatayo sa tabi niya. Nakasimangot ito at halatang ayaw sa paligid.
"Oh!" Masusing pinagmasdan ni Manager Crista ang buong katawan ni Indiana. "She's Dawn Indiana Silueta?" Nagtataka nitong tanong sa kanya.
Inaasahan na ni Vander ang pagtataka nito dahil malayo sa description sa telebisyon ang itsura ni Indiana ngayon. She's wearing her usual get up, the all black clothes from head to toes. Idagdag pa ang kapal ng eyeliner nito with a black lipstick. Mas matingkad pa ang kulay ng buhok nito kesa sa red lipstick ni Manager Crista.
"Yes," sagot niya.
"Oh, sorry Miss Silueta. It's nice meeting you," Nakangiti nitong bati sa babae.
"It's not nice to meet you," Mataray nitong sagot.
Nakita ni Vander ang inis sa mukha ni Manager Crista kaya inawat na niya ito.
"Manager, mabuti pa siguro umalis na tayo." Sambit niya sa babae. "Indiana, dito ka lang umupo. Panoorin mo ako ah," Nakangisi niyang sabi pero umirap lang ito.
BINABASA MO ANG
Marrying a Rebellious Heiress
RomanceHe's perfect and she's not. He's not an alcoholic but she is. He's good at modeling but she's better at drag racing and gumbling. Everything he has, she doesn't care. Vander Monterallo is a successful man and well known as the most popular cover...