"Silueta, may dalaw ka!"
Bumangon si Dawn sa hinihigaang karton at sumunod sa pulis na nagbukas sa selda niya. Ito ang ikatlong araw niya sa kulungan pero hindi siya nag-aalala. Mas gusto niya ito para malayo siya sa mga taong ayaw niya makita.
"Dawn," Agad tumayo ang bisita niya pagkakita sa kanya.
Seryoso siyang umupo sa harapan nito.
"Paano mo nalaman na narito ako?" Naka-cross arm niyang tanong.
"A policeman called me and said you're here. Ayaw mo raw lumabas kahit tapos na ang parusa mo. Nakiusap sila na kung pwede sunduin na kita."
Totoong ayaw niyang umalis sa kulungan kahit tapos na ang 24 hours niyang parusa. Nakiusap din siya na huwag tatawagan ang kahit sino para ilabas siya pero tumawag pala ang mga ito kay Magnum. Maging ang presinto pinagtatabuyan siya.
"May dala pala ako sa'yo, baka nagugutom ka rito." Nilapag nito ang dalang basket sa harapan niya bago muling umupo. "Paborito mo 'yan."
Umiwas siya ng tingin sa nakangiti nitong mukha.
"Umalis ka na Magnum. Ayokong makita ang kahit sino sa inyo," Malamig niyang sabi.
"Dawn, please! Huwag mo naman akong ipagtabuyan. I'm sorry the last time na nasigawan kita. I'm sorry kung may nasabi akong hindi maganda. Please, let's get back to the old we." Pakiusap nito.
"No," Muli siyang tumingin dito. "Hindi na tayo babalik sa dati,"
May sakit na dumaan sa mga mata nito. "Why? We're best friend right?"
Huminga ng malalim si Dawn. Siguro this is the right time para malaman nito ang nararamdaman niya.
"I'm in love with my best friend at nasasaktan ako sa tuwing nakikita ka. So please, leave me alone!" Nakita niya ang pagkagulat nito pero tumayo na siya at iniwan ito.
...
Komportableng nakahiga sa karton si Dawn ng muling dumating ang isang pulis.
"Silueta, may bisita ka na naman!" Sambit nito.
"Ayokong lumabas Sir," sagot niya at hindi nag-abalang bumangon.
"Overstaying ka na rito, Iha. Ginagawa mong boarding house ang selda namin," Sagot ng Pulis.
"Gusto ko ng tahimik na buhay, Sir. Hayaan nyo muna ako rito," Pakiusap niya.
"Hindi pwede. Kapag nalaman ni Chief ang ginawa namin, masisibak kami sa trabaho."
"Bigyan niyo pa ako ng isang araw Sir," Nakikiusap niyang sabi.
Nakahinga ng maluwag si Dawn ng tumahimik ang selda.
"Oh, sh't!" Nagulat niyang sabi ng umangat ang kanyang katawan. Namalayan na lang niya ang sariling nakasabit sa balikat ng bumuhat sa kanya. "Ibaba mo ako!" Hinampas niya ang likuran nito kung saan nakalawit ang kanyang ulo. "Ano ba?!" Sigaw niya pero patuloy lang ito sa paglalakad hanggang makalabas sila.
Galit siyang tumingin dito ng ibaba siya nito. "Bakit mo… Vander?" Gulat niyang sabi.
"Get in!" Seryoso nitong sabi. "I said get in the car now!"
Mabilis siyang sumakay sa kotse ng sumigaw ito.
Tahimik itong nagmaneho hanggang makarating sila sa bahay.
"Take a shower," Seryoso pa rin nitong utos.
Ngayon lang naramdaman ni Dawn ang panlalagkit ng katawan kaya tahimik din siyang nagtungo sa bathroom. Nagbabad siya sa bathtub hanggang makuntento siya.
BINABASA MO ANG
Marrying a Rebellious Heiress
RomanceHe's perfect and she's not. He's not an alcoholic but she is. He's good at modeling but she's better at drag racing and gumbling. Everything he has, she doesn't care. Vander Monterallo is a successful man and well known as the most popular cover...