Chapter 10

640 38 1
                                    

"Dawn?" Marahang katok sa kwarto ni Dawn ang narinig niya. Binuksan naman niya iyon at nakita si Sister Wasay.

"Bakit po Sister?" Magalang niyang tanong.

"Na sa ibaba si Ginoong Magnus," Inform nito. 

"Okay po, Sister. Susunod na po ako," Nakangiti niyang sabi.

Isang buwan na siyang nananatili sa Orphil Di Ani. Nagpahatid siya rito kay Magnus matapos siyang iwan ni Vander sa amusement park. Isang linggo matapos ang huli nilang pag-uusap naging usap-usapan ang hiwalayan nila sa social media dahil daw sa relasyon niya sa ibang lalaki at naging matunog din ang pangalan ni Magnus. Sa halip na magalit, natuwa pa si Magnus na na-relate sa kanya. Kahit daw sa balita maging sila. 

"Hello there, Gorgeous!" Masayang bati ni Magnus ng makita siya. 

Tulad ng dati, paborito pa rin nitong suotin ang white shirt and leather jacket. Gwapo raw kasi ito sa ganoong get up, iyon ang sabi nito.

"Kagagaling mo lang dito kahapon, bakit naririto ka na naman?" Biro niya rito.

Hindi naging madali ang nakalipas na buwan sa kanya pero malaki ang naging tulong ni Magnus. Naaliw siya sa mga biro at kalokohan nito. Pansamantala siyang nakakalimot sa ginawa ni Vander.

"Sinasaktan mo na naman ang puso ko, Baby Indi. Hindi mo ba ako namiss?" Nakanguso nitong tanong.

Umiling na lang siya sa kalokohan nito.

"Hindi," sambit niya at pinipigilan ang pagtawa.

"Isusumbong kita kay Mother Superior, inaaway mo ako." Nagtatampo nitong sabi.

"Sasamahan pa ba kita magsumbong?" Nakangiti niyang tanong.

"Hindi na, ang ganda kasi ng ngiti mo." Nakangisi nitong sagot.

Umingos naman siya rito.

"Bakit ka nga pumunta rito? Mamaya masundan ka ng paparazzi at ma-issue na naman tayo,"

"Okay lang, para mamatay siya sa selos." Nakangisi nitong sagot.

"Sino?" Nagtataka niyang tanong.

"Secret," Tumatawa nitong sabi. 

"Aist! Ewan ko sa'yo!" Inirapan niya ito. 

Muli itong tumawa kaya pinaghahampas niya ito. 

"Ouch! Masakit, tama na! Baby Indi, Aray!" Daing nito habang umiiwas. 

"Pinagloloko mo na naman ako, Magnus!" 

Hinawakan nito ang magkabila niyang kamay at kiniliti siya sa tagiliran. 

Malakas naman siyang tumawa at pilit umiiwas. "Stop it! Magnus!" Saway niya rito pero nagpatuloy lang ito. 

"This is your punishment," Tumatawa nitong sabi. 

"S-stop!" Pilit siyang umiiwas pero hindi pa rin ito tumitigil. 

Ngunit sabay silang natigilan ng marinig ang isang seryosong boses. 

"The event will start now."

Nagulat si Dawn ng makita si Vander. 

"Okay, Dude!" Sagot ni Magnus sa lalaki. 

Agad din itong tumalikod at umalis. 

"Bakit narito siya?" Baling niya kay Magnus. 

"Hindi ko ba nasabi sa'yo?" 

"Ang alin?" Nagtataka niyang tanong.

Marrying a Rebellious Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon