Cassandra Lopez POV
First day
Today is my first day sa bago kung papasukan, Tumayo ako at tumingin sa labas. Male late ako kung hindi ako gigising ng maaga.
"Oh aalis ka na?" Nilingon ko naman si Cherry na kakagising lang. Ngumiti naman ako dito "Malayo pa kase yung papasukan ko tsaka magtatanong tanong na lang din ako" Tinali ko na lang ang buhok ko tsaka tumayo at kinuha yung bag na bigay ng mama ko.
"San ka ba papasok? Hatid na kita baka malapit lang din sa trabaho ko 'yan"
Tumayo naman si cherry at bumaba sa kama niya. Lumapit ito sakin at inayos ang damit ko.
"Wag na baka malate ka na lang din no"
"Baguhan ka palang dito sa maynila,Baka may kung ano pang mangyare sayo. Ihahatid na kita"
Napangiti na lang ako,Hindi na ko tumutol dahil siguradong pipilitin niya ko. Natatakot din ako mag isa dahil tatlong araw palang din ako dito sa maynila.
Naghilamos ito at nagpalit ng damit. Lumabas na kami sa kwarto ng makita namin ang iba naming mga kasamang nagtotongits
tiningnan ko naman ako sa relo ko. Alas sais na hindi padin pala sila tapos "Ang aga niyo ata" Si eli,Isa sa mga kasama ko sa boarding house.
"San lakad niyo?" Dagdag pa na tanong ni rochel habang naninigarilyo. "Mga tanga may pasok siya ngayon"
"Umaga na pala" Napatawa naman kaming lahat. Sa tatlong araw ko dito sa maynila ay unti unti kong nakikilala ang mga tao na nakakasama at makakasama ko ng matagal.
Masaya,Malungkot at nakakaexcite yan yung nararamdaman ko. Nagkwentuhan lang kami ng konti tsaka tuluyan na kaming umalis.
"San ka ba papasok?" Tanong ni cherry habang dala dala yung bag ko. Naglalakad kami sa may kanto kung saan kami makakasakay ng jeep.
"Eto oh" Inabot ko sa kanya ang papel kung saan ako mag eenrol. Bumili na din ako ng kape na candy para magising ako kahit papaano. Konti lang din kase ang lakas ko tsaka ng pera.
"tàngina" Malutong at gulat na gulat na sabi ni cherry habang inaalog alog ang braso ko.
"Bakit?" Kinakabahan na tanong ko.Nakakatakot tong babae na to
"Sa IAR ka mag aaral bruha ka!" Tinutulak at tuwang tuwa na sabi ni cherry.
"Oh anong mangyayare?"
Parang maghuhumyentardo siya sa saya nasisiraan ata ng ulo to.
"Ano ka ba! Nababaliw ka ba international school ang papasukan mo!"
"Hindi ko maintindihan" Wala sa sariling usad ko. Wala din akong kaide ideya kung anong ibig niyang sabihin.
Nang iabot sakin ni mayor ang papel na 'yan ay sobra ang tuwa na nadarama ko,Dahil makakapunta ako sa maynila. Wala na silang ibang binanggit kundi ang handa na ang lugar kung saan ako mag aaral.
"INTERNATIONAL. INTERNATIONAL SCHOOL. May aircon,May computer, May malaking tambayan at kung ano ano pa! Mahal tuition dyan! Kahit sino dito tanungin mo gaga ka!" Nagulat na lang ako.kagaya ng sinabi ko wala akong ideya sa sinasabi niya. Ang mga nasa isip ko lang ng mga oras na yun ay ang pagpunta sa maynila
"MGA TEH SA IAR MAG AARAL FRENNY KO!" Malakas na sigaw ni cherry sabay yakap sakin.
Naiiyak din ako dahil sa mga sinabi niya, Ngayon ko lang din kase nalaman. Matapos ang kadaldalan niya ay humanap na kame ng sasakyan papunta sa papasukan ko
—-
Ilang minuto din ang tinagal ng byahe,Nakarating kami ng sakto alas otso ng umaga. Nang makababa kami sa tricycle ay nagulat ako sa laki ng university na papasukan ko.
Hindi ganto ang ineexpect kong paaralan,Akala ko normal lang katulad ng mga eskwelahan sa probinsya namin. Di pa ko nakakapasok sa loob pero ibang klase
"Ang gandaaaa" Napalingon naman ako kay cherry na umiiyak nanaman,Mas masaya pa 'ata siya kesa sakin.
Tumingin naman siya sakin at niyakap ako, "Ang ganda ng papasukan mo kaya mag aral ka! Nakakainggit" ngumiti naman ako at tumango sa gitna ng mga yakap namin.
Inabot niya sakin ang bag at mga papel ko. "May pera ka pa ba? May pera naman ako-"
"Meron ako cherry,Wag mo ko intindihin kaya ko 'to" Pagputol ko.
Nalungkot naman ang mukha niya "Ang laki ng university mo malamang mahal din mga pagkain dyan"
hinawakan ko naman ang mga kamay nito at ngumiti "May baon ako,Nanghingi ako ng ham kay ate janeth kaya umuwi kana at matulog para naman may energy ka sa trabaho mo mamaya"
"Sigurado ka kaya mo na ha? Tawagan mo 'ko pag may kailangan ka" Paniniguro pa niya. "Pano kita tatawagan 'e wala akong telepono" Natawa naman siya
"Basta mag ingat ka!"
"Oo na umuwi ka na!"
Inintay ko muna siya makahanap ng sasakyan bago ko tuluyan pumasok sa gate. "Bawal po guardian sa loob ma'am" Pagpigil sakin ng guard. Mukha ba talaga kong magulang??
"Nako kuya hindi po ako guardian,New student po" Tinanggal naman niya ang kamay niya sa braso ko "Ay! Sorry po ma'am pasensya na po sige po pasok na po kayo" Nginitian ko na lang ito at pumasok na sa loob
Kung saan saan ko nilibot ang mga mata ko, Sa lawak at laki ng university na papasukan ko. Ang ganda!
Wala pang gaanong estudyante dahil masyado pang maaga,Ang oras ng pagpasok ay 9:30 kaya konti pa lang ang tao.
May magagandang hardin,At field na parang sa mga telenobela mo lang makikita. Mga palabas na di ko aakalain na makikita ko sa totoong buhay,Ang saya sa maynila!
"New janitress?" Napalingon naman ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Isang grupo ng mga babae na ang gaganda. Mukang mayayaman!
Nakakaexcite pala sa maynila!
"Hindi po,New student po Cassandra pero ara na lang po" Nakakakaba at nakakaexcite ang nararamdaman ko hindi ko maexplain yung pakiramdam basta ang saya lang
"Another loser" Usad ng isang babaeng may mahabang buhok at maputing balat, Ang ganda niya!
"Another poogy" Dagdag pa nang isa na ikinatawa nila. Halos lahat sila may sariling ganda,Yung gandang hindi ko inaakala. Gandang may pera at may tunog yaman
Hindi ko na lang sila pinansin at tumalikod na lang ako ng bigla akong itulak ng isa sa kanila. Hindi na 'ko lumingon dahil na rin sa hiya at mga halakhak nila. kaya ko 'to kayang kaya ko to.
Tumayo na lang ako at hinanap ang administration office. Yun ang nakalagay sa papel ko,I aabot ko lang daw 'to malalaman ko na kung saan akong room ilalagay.
Sa laki ng school na 'to mukang mahihirapan akong hanapin. "Ara?" Napalingon na lang ako ng marinig ko ang pangalan ko.
Nagulat ako sa babaeng nakita ko,Ang taong minumulto ako sa loob ng dalawang taon. Ang taong naging dahilan nang mga luha ko sa umaga. Ang taong hinding hindi ko makakalimutan.
Alex.