Chapter 31

1.2K 93 74
                                    

"Aspen!" ang malakas na pagtawag sa kanya ni Bret. Hinintay siya nito sa dati nitong tinatambayan sa may bungad ng main door ng kanyang college building. Tiningnan niya si Bret habang naglalakad siya palabas at hindi na siya huminto para hintayin na makalapit sa kanya si Bret.

"Aspen," ang muling pagbanggit nito sa kanyang pangalan habang bumababa sila ng hagdan.

"Bret," ang mahina niyang sambit ng pangalan nito at sinulyapan niya ito ng tingin. Alam niya ang pakay nito bukod pa sa nakagawian na nilang magsabay na umuwi. Tungkol ito sa nangyari nang gabing iyun. Ang gabi na siya man ay gusto na niyang makalimutan.

"Uhm, susunduin ka ba ni Ocean?" ang agad na tanong sa kanya ni Bret at alam niiya kung bakit si Ocean kaagad ang tinanong nito. siya man ay ayaw na rin ito na makita. Umiling lang ang kanyang ulo she was not really feeling well, at pati pagbuka ng labi niya para magsalita ay hindi niya magawa. Lubhang nabalot ng lungkot at hinanakit ang kanyang dibdib.

"Aspen," ang pagbanggit ni Bret sa kanyang pangalan at hinawakan nito ang kanyang kanan na pulsuhan para pigilan siya na maglakad kahit sandali. "Pwede ba muna tayo na mag-usap?" ang tanong ni Bret sa kanya.

She would talk to talk to him. Walang problema sa kanya na kausapin si Bret lalo pa at gusto niyang malaman ang side nito tungkol sa nangyari noong isang gabi, pero may pumipigil sa kanya at hindi iyun si Ocean.

"Bret gusto ko sana na magtagal pa kaso, si mommy... kumuha kasi siya ng tutor para sa akin kailangan ko nang makauwi," ang paliwanag ni Aspen at iyun ang totoo. Apparently, her mom got busy at sa loob lang ng tatlong araw ay nakuhaan na siya nito ng babaeng tutor na magtuturo sa kanya sa kanyang math subject. And she announced to her about the tutor while they were having breakfast that morning. When all she wanted to announced to her mommy that morning, was that she and Ocean had sex inside my room.

Nakita niyang bumagsak ang mga balikat ni Bret at nakita niya ang lungkot at panghihinayang sa mukha nito.

"Ayaw mo ba akong kausapin?" ang tanong nito sa kanya, "just tell me the truth Aspen kung gusto mo na iwasan kita, kung ikaw na mismo ang magsasabi niyun sa akin...gagawin ko, lalayo na ako sa iyo."

Naisip niya ang sinabi niya kay Ocean, na ayaw na niya itong makita pa na muli. Pero para kay Bret, ay hindi niya iyun gagawin. She doesn't have anyone in her life that moment. Umiling ang kanyang ulo at isang malungkot na ngiti ang isinagot niya kay Bret, "Bret, ayoko na iwasan mo ako," ang kanyang sabi rito, "ikaw lang...ikaw lang ang masasandalan ko ngayon," ang malungkot niyang sagot dito, "pero kailangan ko talagang umuwi kaagad dahil sa tutor ko, alam mo, si mommy noong nahuli niya tayo." Ang kanyang dugtong na paliwanag.

Malungkot man ay ngumiti si Bret sa kanyang sinabi rito. Tumango ang ulo nito sa kanyang sinabi pero gusto pa rin nitong magpaliwanag sa kanya.

"Salamat Aspen, pero, pwede ba na kausapin kita habang naglalakad tayo?" ang tanong nito sa kanya.

Isang matipid na ngiti ang isinagot niya kay Bret. Even smiling became trying to her na tila ba mababanat ang kanyang pisngi sa tuwing ngingiti siya kaya naman matipid na ngiti na lang ang kayang gawin ng kanyang mga labi. Tumango siya rito at ipinagpatuloy nila ang kanilang paglalakad at dahil sa alam ni Aspen na hindi siya susunduin ni Ocean, tinahak nila ni Bret ang daan patungo sa sakayan ng pampubliko na sasakyan.

"Aspen tungkol sa...nangyari nung gabi?" ang patanong na simul ani Bret sa kanya. Hindi siya sumagot at hinayaan niya si Bret na magpaliwanag ito dahil sa limitado ang kanilang oras.

"Hindi ko balak na lasingin ka at saka yung damit talagang nasa bag ko na iyun kasi nga, sa bahay ng kabarkada ko ako matutulog, at yung condom...hindi...hindi sa akin iyun I mean...wala talaga ako nun...pinabili sa akin iyun ng kabarkada ko para pagbalik ko sa party dala ko na, hindi ko iyun gagamitin." Ang paliwanag ni Bret sa kanya.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon