XI

50 2 0
                                    

Dark Conqueror

Sakay ng isang Lamborghini Aventador, bumaba ang isang taong nakasuot ng itim na cloak at gintong maskara na nagtatakip sa kaniyang buong mukha. Agad niyang tinungo lugar na kilalang-kilala at talaga namang dinarayo ng nakakarami sa Entertainment District, ang lugar na ito ay ang Underground Fight Club.

"Titan! Titan! Titan!"

Mula sa labas ay dinig na dinig na ang malakas na hiyawan ng mga tao mula sa loob. Maski ang malakas na tugtugan ay hindi kayang pangibabawan ang malakas na sigawang 'yon.

Iginala niya ang paningin sa paligid at hindi maiwasang mapangisi. Ito ang unang beses na nakatapak siya sa ganitong klase ng lugar ngunit sa palagay niya ay ito ang magiging paborito at babalik-balikan niya sa Entertainment District. Sa labas ay maraming magagarang sports cars at motorbikes ang nakaparada kaya naman paniguradong maraming tao ang nasa loob ngayon.

'What a fantastic opportunity to put on a spectacular show for everyone.' Sisiguraduhin niyang magugulantang ang lahat at kakalat sa buong imperyo ang balita tungkol sa kaniya at sa gagawin niya ngayong gabi. Mas lumapad ang ngisi niya sa naisip.

As soon as he entered the place, he quickly and effortlessly grabbed the attention of everyone inside. Sa simpleng paglalakad lamang niya loob ay nagawa niyang kunin ang atenayon ng lahat. Everyone that he passes would even stopped from what they are doing to stare at him. Well, dapat lang. He's a big deal after all. He's someone they shouldn't ignore.

Presensya at aura pa lang niya ay nakakamatay na, paano pa kaya kapag kumilos na siya?

Nilibot niya ang paningin sa paligid. Ang lugar ay maihahalintulad sa isang stadium. Malawak at maraming tao. Sa pinakagitna ay naroon ang isang malawak na fighting ring kung saan kasalukuyang nagaganap ang labanan. May mga naglalakihang LED screen din na nakakalat sa paligid para makita ng malapitan ng mga nasa bandang itaas ang nangyayaring laban sa gitna.

"Titan! Titan! Titan!"

"Kill him! Kill him!"

"Woooo! Itumba mo na!"

Pinagkrus niya ang mga braso at nababagot na napatingin siya sa mga naglalaban sa gitna.

Underground Fight Club is a place where you can be a millionaire in just one day. All you need to do is to kill to win the prize and of course to stay alive. Pinapatakbo ito ng iba't ibang organisasyon at mafia kaya malaki ang kinikita rito. At bukod doon ay may mga pustahan din na nagaganap kaya kahit mga manonood ay kumikita rin ng malaki kapag nanalo ang kanilang pambato.

"Ladies and gentlemen, our unbeatable champ, Titan!" sigaw ng announcer mula sa gitna dahilan para maghiyawan muli ang mga taga-hanga at pumusta sa kampeon.

Tinaas ni titan ang dalawang kamay at buong pagmamayabang na isinigaw ang pagkapanalo. Malaki ang katawan nito at talaga namang sa itsura pa lang y aoam mo ng pambihira ang lakas nito.
According to the information he has gathered, the so-called Titan is one of the five most well-known and greatest fighters in the Underground Fight Club. Among the five are Megucula, Daki, E.N.D and Phantom Lord also known as the invincible and number one underground fighter.

Nagkaroon ng panandaliang break bago magsimula ng susunod na laban kaya naman sinamantala niya iyon para puntahan ang coordinator.

"Excuse me? I'd like to fight in the next round, and I'd like to be able to fight against the Underground Fight Club's top five fighters," malakas ang loob at walang paligoy-ligoy na aniya dahilan para mapatingin sa gawi niya ang ilang mga taong malapit sa puwesto niya.

Awtomatiko namang umugong ang mga bulungan. Maski ang coordinator na kaharap niya ay matagal na napatitig sa kaniya na animo'y tinatanong nito kung seryoso ba o nababaliw na siya.

The Great Empire of Levexon: The Beginning Of The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon