A Queen's Heart (Double Date)
Sandy's PoV
Nakaupo na kami sa pina-reserved na table ni Sir Tristan. Nakaabang na ang waiter na naka assign samin habang namimili na kami ng mga orders. Sa totoo lang wala akong mapili sa Menu, pakiramdam ko kasi naghahang yung utak ko.
Nakatapat kasi sa akin si Ms. Queen. Yung pwesto namin, hindi common na posisyon ng mga nagdedate, yung magkatapat ang girl at boy sa isang table?
Katabi ko si David habang katabi naman ni Ms. Queen si Sir Tristan.
Malay ko kung ganito ba dapat dahil double date nga daw? Wala naman akong idea sa mga date na yan, lalo na sa double date na to -.-
"Ahmm, Sandy okay ka lang? Naka pili ka na ba ng gusto mo?" - tanong sa akin ni David na may halong pag aalala sa tinig niya
"Oo, Okay lang ako David. Kung anong order mo ganun na lang din sakin." - sagot ko, nahalata niya siguro yung itsura ko.
"Ahh Okay." at kinuha niya na saken yung Menu at inabot sa waiter at nag salita dito.
Kaaalis lang ng waiter ng magsalita si Ms. Queen.
"So may time ka pa pala para makipagdate?" ano ba yan, parang ang cold niya
"Dont worry Queen, It's only a treat, dahil pumayag sya na maging kaduet ko." - pangisi-ngising sagot ni David.
"A Treat? Really David?" - si Ms. Queen
"Yes My Queen" - sagot ni David at ngumiti ng malapad
Ano ba kasing tinutukoy nila? Ito namang si David, parang loko-loko pa sumagot. Hayss pinagsisihan ko talaga na sumama ako eh. -.-
After so many years dumating na rin yung orders namin. Ang formal lang namin kumain habang si Ms. Queen at Sir Tristan nag uusap about business at family nila na minsan nakikisali din si David pero ako lagi yung kinakausap niya, siguro ramdam niya talaga na awkward ako, na totoo naman.
Napapansin ko na kapag ako yung kinakausap ni David panay tingin samin si Ms. Queen.
'Hays nag a-assume na naman ba ako?'
'Oo kaya itigil mo na yan -_-'
'Nandyan ka na naman pala? -_-'
'Eh ano ngayon?'
'Pero kasi mapapansin ko ba sya na tumitingin samin kung hindi talaga siya tumitingin?'
'Malay mo sa likod niyo sya nakatingin? Assumera ka talaga -_- Tsaka ano kung sa inyo sya nakatingin, di ba ikaw na may sabi na titigilan mo na yang feelings mo. -_-'