Raphael's Point of View:
Pinaandar ko ang sasakyan ko sa hindi kalayuan at agad na huminto sa gilid at mahigpit ang hawak sa manibela ng kotse. Sayang ang oras kung hindi ko s’ya makakasama ngayon, mas mabuting ganito kaming dalawa dahil ayokong magsisisi na naman ako sa huli dahil hindi ko s’ya pinaglaban sa lahat.
“Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin ang nangyari sa’yo?” mahinahong tanong ko.
“Bakit ko sasabihin sa ’yo?” sarkastik ang tanong niya kaya nagtagis ang panga ko. “Paano ko sasabihin sa’yo kung may ibang babae kang hinahalikan?”
Napalunok ako. “I didn’t kiss, Yumi.”
Totoo ang sinabi ko. Nung gabing ‘yun ay nakita ko ang kotse ni Lucille at alam kong pupuntahan niya ako kaya naman hinila ko si Yumi. Ayokong magkita kami ni Lucille at ayokong magsalita dahil alam kong may masasabi akong masama at ayokong sigawan s’ya.
She laughed. “I’m so tired hearing your lies, Raphael. Pagod na akong pakinggan ang mga sinasabi mo dahil nagsasawa na ako sa paulit-ulit mong ginagawa.”
Natigilan ko at napayuko dahil ilang beses ko ba namang sinabi ang mga ayaw niyang marinig. Naiintindihan ko s’ya dahil maski ako ay magagalit kung makikita ko s’yng may kasama na iba at worst naghahalikan pa.
“Galit na galit ako sa’yo na ginawa ko ang bagay na ‘yun. Galit na galit ako dahil ang babaeng mahal ko ay nagawa akong lokohin...” mahinang paliwanag ko. “Maniwala ka man sa hindi, hindi ko hinalikan si Yumi dahil simula nang halikan ko ang labi mo, nangako ako na ikaw lang at sa ’yo lang ang buong pagkatao ko.”
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya agad ko s’yang tinignan na nakatingin sa unahan at kagat ang kanyang labi. Napatingin s’ya sa ‘kin at ‘yun na naman ang luha sa kanyang mga mata kaya umiwas ako ng tingin at huminga nang malalim.
“Hindi mo alam kung anong naramdaman ko nang makita ko kayong dalawa... I felt insecure towards her because she can be with you inside and outside the country habang ako? I’m still pursuing my mom’s trust.” Malungkot s’yang ngumiti at nag-iwas ng tingin.
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya na ngayon ay nakatingin sa malayo. Gusto ko ang ganito, ang kasama s’ya sa isang lugar dahil alam ko na hindi s’ya mawawala sa ‘kin.
“Bakit mo hinawakan ang case ko? Hindi ba dapat hindi ikaw? Utang na loob ko na naman ba?” mariing tanong niya.
“Ang papa mo ang lumapit sa ‘kin at bago ‘yun ay nalaman ko na agad ang nangyari dahil accidentally kong nakita ang folder at envelope ng kaso mo,” seryosong sambit ko.
“Leave that case.” Agad akong napatingin sa kanya na seryoso ang mga matang nakatingin sa ‘kin. “Ayokong ikaw ang hahawak nun kaya iwan mo ang kaso.”
Hindi ko alam kung nagbibiro ba s’ya o hindi. Tinignan niya ako ng seryoso at bumilis na naman ang tibok ng aking puso, iniwas ko agad ang aking paningin dahil hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya noon pa man.
“I’m police kaya may karapatan akong hawakan ang kaso mo,” nakangising sambit ko. “You’re still my girlfriend.”
“What?!” si Lucille sa galit at gulat na boses. “We’re done! Matagal ko nang tinapos ang tungkol sa ‘ting dalawa kaya anong sinasabi mo?”
I smiled mercilessly. “Narinig mo bang pumayag ako na maghiwalay tayong dalawa? Ang alam ko kapag nasa isang relasyon ka, dalawa palagi ang gumagawa ng desisyon eh ang kaso, ikaw lang ang gumawa ng desisyon sa ‘ting dalawa.”
Nanatili s’yang gulat at nakaawang ang kanyang labi kaya lumapit ako at umatras naman s’ya. Ngumisi ako dahil ito na lamang ang tanging paraan para manatili s’ya sa ‘kin.
BINABASA MO ANG
Music Series 2: Loving you in a Heartbeat
RomanceShe was alone and pressured all her life. Despite having a broken and unhealthy relationship with her family, Lucianna did her best to maintain a positive lifestyle. When she met Raphael, a fisherman-slash-farmer who lived and fed his family, everyt...