A Queen's Heart
(Date then Vacation with Ms. Queen?)Sandy's PoV
"Bessy kumpleto na classcards mo?" - tanong sakin ni jastine. Nandito kami sa Elijah's University. Tapos na kasi ang Second semester at umpisa na ng Hot Dry Season.
Sa wakas mababawasan na rin kahit paano ang sched ko, makakapag pahinga na rin ako ng maayos.
"Ay hindi pa bessy, irerelease na lang daw sa susunod yung iba." - sagot ko
"Punta tayong MiniStop bessy gutom na ako eh. Nga pala nakapag padala ka na ba kita Tita sa probinsya?" - si jastine
"Lagi ka namang gutom eh -.- , Mamaya pa ako magpapadala, sasabay ko na sa pamimili namin ni tita ng grocery."
Naglakad na kami patungo sa MiniStop. Sana wag na sya magtanong about sa Date namin.
"So kamusta ang date with David Meyer?" - tanong agad ni jastine after bumili ng sandamakmak na pagkain. Kakasabi ko pa lang eh -.-
"Ayon Masaya -.-"
"Yung totoo? Ano nangyari?" - pangungulit ni jastine
"Yung totoo? Double date ang nangyari. -.-"
"Double Date? Bakit sino ba nakasabay nyo?" - si jastine
"Si Ms. Queen at Sir Tristan lang naman -.- , ang siste wala akong nagawa kundi ma awkward at nga nga." - paliwanag ko
"Hala Talaga Bessy??! Ang saya nun ah, bakit nga nga? Eh kasama mo si Sir David at Ms. Queen?" - nakangiting tanong ni jastine
"Anong masaya dun? Kung makikita mo lang si Ms. Queen malamang hindi mo rin mababasa yung emosyon niya. At eto pa nakasabay ko sya sa restroom bessy tapos sabi niya binabalaan niya daw ako, wag ko raw patulan yung mga ginagawa ni David sakin, dahil ayaw niya raw kunsintihin ang bestfriend niya at ayaw nya rin daw maging parte ako ng kalokohan ni David." - sunod sunod na paliwanag ko
"Kyaaaahhh!!!! Bessy!!!!!" - sigaw ni Jastine
"Ano ba bakla ka?! Hindi lang ikaw tao dito, wag ka ngang sumigaw."
"Bessy haba ng hair mo. ^___^ Ayyiiee nag aalala sa kanya si Ms. Queen." - kantyaw pa ni jastine
"Tigilan mo ko ah. Seryoso bessy iniisip ko na baka tama nga si Ms. Queen baka nga playboy si David."
"Bakit gusto mo ba gamitin si Sir David para kalimutan si Ms. Queen?" - tanong ni jastine
"Oo, sana, pero nag aalinlangan ako baka lokohin nga lang ako ni David, pero kasi kita sa mukha niya na seryoso siya." - sagot ko
"Hayss my poor bessy, ganyan kahirap ang Love. Hahahaha choss, payo ko sayo mag isip ka muna bago ka kumilos, kahit sabihin na nating gagamitin mo sya para makalimot, malamang sa kanya ka mag iinvest ng emotion na dapat ibibigay mo kay Ms. Queen, baka nga lokohin ka nya, aba kahit siya si David Meyer hindi ko siya palalagpasin kapag niloko ka niya. Intiendes bessy?" - si jastine
"Oo Sige Salamat Bessy ko." - ako
"No problem Bessy. By the way change topic na, alam mo na ba?" - sabi ni jastine na parang na eexcite pa
"Ang alin?" - tanong ko naman
"Na mahal ka ni Ms. Queen." - sabi ni jastine sabay ngumiti ng pagkalapad lapad. Binatukan ko nga.
"Aray ko naman bessy eh."
"Sabi mo change topic na eh -.-"
"Choss lang naman yun eh -.- . May Summer Vacation daw tayo at take note sagot lahat ng management ng Bar dahil sa resort tayo nila Ms. Queen magbabakasyon." - masayang paliwanag ni jastine
"Sino may sabi?"
"Yung secretary ni Ms. Queen. Ano ba yan, hnd updated." - si jastine
"Eh sorry na, pero panu yun sino na mag aasist sa Bar?" - tanong ko
"Alam mo bessy, matalino ka na sana kaso krung krung ka lang. Ganyan ba talaga pag na iinlove nawawalan ng logic sa utak?" - si jatine
"Aba eh kung batukan ulit kaya kita."
"Joke lang, gumawa ng dalawang batch ang management. May 5 days at 4 nights ang bawat batch. Kaya wag ka mag alala about sa Bar. Yung totoo ikaw ba may ari nun di ba yung Mahal mo? Hahaha. Basta mamaya basahin mo na lang sa bulletin board sa bar yung ibang details malamang ipopost yun dun. Nakita ko na rin yung List ng 1st batch at kasama tayo dun." - paliwanag ni jastine
"Ganun ba? Mabuti naman sige."
"Pero alam mo bessy, isa lang talaga iniisip ko ngayon."
"Ano naman yun bessy?" Tanong ko
"Na sana sa atin sumabay si Ms. Queen at hindi sa 2nd batch. Kasi isang batch lang daw masasamahan nya for vacation." malungkot na paliwanag ni Jastine
"Tsaka para din sayo yung iniisip ko, kasi makikita mo si Ms. Queen na naka Two Piece." dagdag pa ni Jastine
Loko tong bakla na to, tingin nya talaga pagnanasaan ko si Ms. Queen. Pero sabagay ...
"Oh tignan mo nangingiti ka, Gusto mo rin." pang aasar ni Jastine
Lintik na! Bakit ko kasi sya biglang na imagine na naka two piece -_-.
---
Di ba ang sabaw? Parang Tutong Bwahaha
Alam kong Hunyo na , pero hahabol ako sa bakasyon ^_^v
Sana Pagbigyan ..
Labview sa mga nag aabang ^^NickoyPark