Chapter 12

2 0 0
                                    

Church wedding ang magaganap at yung gusto ng parents namin ay sa garden magaganap yung reception. Oo lang ang sagot ko sa lahat ng tanong nila hanggang sa matapos yung pagpaplano para sa reception. Di ako excited, di ako gaya nila na di makakatulog ng dahil sa pagkaexcited.

Si dale naman halata ng naiinip sa pagpapanggap na sweet saakin, bat ba naman  kasi kailangan pang magpanggap.

Bukas daw yung prenup namin dahil wala ng time dahil nga sa minadali ng parents namin yung wedding na to kaya naki pag kita pa kami sa photographer at bumili ng mga susuotin bukas. Ang daming ganap bat di nila muna alamin kung mahal ba namin yung isat isa.

Pagkatapos daw ng prenup i checheck namin yung invitations at kung ano pang mga keme keme yung iba di ko na ma intindihan dahil di ko naman talaga iniintindi, di nga nakikinig eh intindihin pa kaya. Sila may gusto neto kaya sila yung makinig sa sinasabi nila.

Dinner na ng makauwi kami sa bahay at nasa tapat pa lang kami ng gate ng may nakita akong babaeng nakatayo dun. Akala ko nung una si shantel kaso mas matangkad si shantel at di curly yung buhok nun. Baka babae ni dale na magiging dinner na naman mamaya.

At di nga ako nagkamali dahil binaba ni dale yung bintana ng sasakyan niya para kausapin yung babae.

"Dale youre here na pala.." ang hinhin ng boses kaso di halatang anghel dahil sa mga tingin niya palang parang pinapatay na ako

"Why are you here??"

"I want to play with you" play huh, laro na pala tawag dun?? laro na nakakabuntis kung di mag iingat at talagang di nahiya yung babae dahil di man lang tinanong kung sino ako at kung ano ba ako ni dale. Ano nga ba ako?? Sino nga ba naman ako sa buhay ng isang Dale casper

"Im tired, umuwi ka na shai" yung kaninang mahinhin na boses biglang tumaas. Di na kaya atang magpanggap

"I hate you dale!! Nag promise ka!!" promise?? promise meant to be broken gurl baka di mo yun knows

Di na siya pinansin ni dale at binusinahan na lang ito bago pinaandar ulit yung sasakyan habang ako naman nagkukunwaring walang pakealam. Isang himala na walang dinner in bed ngayon si dale dahil kagaya nga ng sabi ko parang night and morning routine na niya ito at parang may kung ano sa puso ko yung nag diwang.

Nauna akong pumasok ng bahay at dining area agad yung pinuntahan ko dahil napagod ako at nagutom kaya todo lamon ako. Patapos na akong kumain ng umupo sa harapan ko si Dale para kumain na rin sana ng may tumawag sakanya.

"Ok, hintayin niyo ko"

"Wag niyong papaalisin, sundan niyo kung kinakailangan" Dali dali siyang umalis na di na nagawang kumain pa

Tungkol ata yun sa babaeng pinapahanap niya. Di kaya girlfriend niya yun na nawala?? Pero kung girlfriend niya bat pa siya nakikipagtalik sa iba?? Bat di niya magawang itigil ang kasal na ang babaeng yun ang rason.

Late na pero hindi pa rin ako makatulog . Parang may hinihintay kasi yung utak ko, impossible namang si Dale. Ipipikit ko na sana yung mga mata ko ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto akala ko si dale lang yung papasok kaso mali ako. May kahalikan siya habang papasok ng kwarto namin at di lang isa kundi dalawa. Ano naman nangyari sa paghahanap niya sa babaeng yun?? Di yata nakita kaya nag uwi ng dalawang babae.

Ako na nag adjust para sakanila. Umalis ako sa kama at bumalik sa sofa. Sa kama ako kanina dahil di madumi pero ngayong madumi na sa sofa na naman ako.

Yung ungol nilang tatlo ang dahilan kung bakit hindi ako makakatulog at parang may sumasaksak sa puso ko dahil sa sobrang sakit, may sakit yata ako sa puso malapit na akong mamatay.

Anong oras ba sila matatapos?? Di ako makatulog ng dahil sa kanila, sana naman kasi nag hotel na lang hindi yung mangaabala pa ng ibang tao.

Nagtalukbong ako ng kumot at nilagay yung isang unan sa tenga ko para naman mabawasan yung volume ng ungol nila, naka high volume eh.

Nagpamusic na rin ako ng makatulog ako nang mahimbing ayaw ko mag mukhang panda bukas sa prenup, kahit ayaw ko yung magaganap bukas basta maganda lang ako.

Ang aga kong nagising kahit inaantok pa ako. Akala ko na naman nag kusang bumangon yung katawan ko, hindi pala. May kababalaghan na naman kasing nagaganap sa kama, ano pa nga bang aasahan ko. Naligo na ako sa cr keysa panoorin pa silang maglampungan dun. Medyo inaantok pa ako pero nung nataaman na ng malamig na tubig yung katawan ko nawala din yun kaagad.

Nag bathrobe ako nung pagkalabas ko ng cr di pa rin sila tapos kaya diretso sa walk in closet na kaagad ako para pumili ng dress na susuotin. Nauna na rin akong kumain dahil ayaw ko mag hintay sa tapos ng kumain sa kama.

Diet ako dahil ayaw kong lumaki yung tyan ko mamaya, pangit tignan sa pic. Pagkatapos kong kumain dun lang siya bumaba para kumain at nakaligo na rin. Nag pahangin na lang ako sa pool area ng makita ko yung dalawang katalik niya na lumabas ng bahay. Di man lang sila nagalit na pinagsabay silang dalawa.

"lets go" tapos na pala siya.

Di na ako sumagot at sumunod na lang sakanya papunta sa sasakyan niya, di siya gentleman kaya di niya ako pinagbuksan kaya nag kusa na lang ako.

Pagkarating namin sa place kung saan magaganap yung prenup, pinabihis na kaagad kami para makapagsimula na

Yung unang mga pose okay pa dahil hahawak lang naman ako sa kamay niya at titignan siya sa mata pero eto yata yung di ko kayang gawin. Wala pa kami sa kalagitnaan yun na kaagad yung gustong gawin namin ng photographer.

"Okay maam Cassidrelle you have to kiss Sir dale with love and passion. Hold his neck and kiss him that you never see him in years."

Twenty One Twenty FiveWhere stories live. Discover now