Mask 11

20 4 0
                                    

April

"Khyro pwede bang malaman iyong tinutukoy ni kuya kanina na proseso na ginagawa ng kalaban?" pagtatanong ko bago naupo sa isa sa mga upuan na katapat ng mesa

"Ganito kasi yung April.... Hindi mo na kailangan pang malaman ang tungkol doon kaya hindi ko rin sasabihin" tugon lamang nito sa akin at nilingon ko naman si Caius na nakaupo sa sofa

"Khyro ikaw ba yan?" takang tanong ko na tinawanan lamang nya

"Infairnes marunong ka din palang magtago ng mga confidential information" tumatangong turan ko rito na mas ikinatawa nya ng malakas, nagulat naman ako ng pisilin nito ang pisngi ko

"Alam mo kasi April kailangan din nating magtago minsan ng mga sekreto at bawasan natin ang pagiging sobrang madaldal at masyadong maraming gustong malaman dahil pwede natin itong ikapahamak" sambit nya at agad ding napabitaw ng malakas na tinawag ni Caius ang pangalan nya

Napabaling naman ako kay Caius na nakatingin sa gawi namin. He's definitely the definition of a manliest and sexiest of all

Ilang beses akong huminga ng malalim at iniwas ang tingin sa kanya dahil bumabalik nanaman ang kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Nahiya naman ako ng mahuling nakatitig sa akin ang dalawa at umiwas din ang mga ito bago nagtitigan na para bang naguusap sila sa kanilang isip lamang

"Fine! April aalis muna ako" biglang paalam sa akin ni Khyro at walang lingon lingon na lumabas ito ng kitchen

Isang linggo pa lamang akong nakatira dito sa mansyon at alam kong hindi pa ako papayagang makalabas ni Caius dahil hindi ko pa kayang kontrolin ang lakas na taglay ko ngayon ngunit hindi ko mapigilang hindi mahiya sa ilang mga gamit na nasira ko sa loob ng bahay na ito dahil sa hindi makontrol na lakas.

Araw-araw rin akong bumibisita sa selda kung saan itinago si kuya at doon ay nagkwekwentuhan at naguusap kami patungkol sa ilang mga bagay ngunit bumabalik din ako sa mansyon sa tuwing may itatanong na sila Caius sa kanya patungkol sa kasong iniimbestigahan nila.

Gustuhin ko mang marinig ang usapan nila kahit nasa mansyon ako ay hindi ko pa rin marinig dahil raw sa distansya ng mansyon at cabin kung saan nalilimit ang sense of hearing namin upang hindi umabot ang anumang usapan sa loob ng cabin.

Kinwekwentuhan na lamang ako ni Khyro tungkol sa mga ibang bagay na natanong na nila kay kuya ngunit mayroon pa silang impormasyon na hindi nakukuha kay kuya dahil mukhang pinoprotektahan nya ang bagay na iyon at napaisip naman ako kung patungkol ba iyon sa babaeng iyon na syang kumopkup kay Kuya at maaaring naging close na ang dalawa kung kaya't ayaw ni kuya na sabihin ang kung ano man ang bagay na iyon

"April?" rinig kong pagtawag ng atensyon ni Caius sa harapan ko

"Oh?" may pagkairitang tugon ko sa kanya dahil sa inis sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni Khyro na ayaw magsalita ni kuya kapag patungkol na kay Kleia

"Mukhang hindi ka nga nakikinig" sambit nito at naupo sa katabi kong upuan

"May iniisip kasi ako, sorry" sagot ko at kumunot naman ang noo nitong tumingin sa akin

"Bakit hindi mo subukang maging kalmado sa paghawak lang ng baso" tugon nito at nang maproseso sa utak ko ang sinabi nya ay saka ko lamang nakita na natusok na pala ako ng bubog mula sa basong hawak hawak ko kanina

Mask of the Darkness [[COMPLETED]]Where stories live. Discover now