Chapter 11

651 39 0
                                    

"I miss you, Indiana."

Pinilig ni Dawn ang ulo para mawala sa kanyang isip ang iniwang salita ni Vander dalawang araw na ang nakakaraan. Sariwa pa rin sa isip niya ang ginawa nito. Hindi naman siya nakapagsalita ng bigla rin itong tumalikod. Iniisip pa nga niya baka pinagtitripan siya nito pero, bakit naman?

"Ginugulo mo ang sistema ko!" Sambit niya at sinabunutan ang sarili.

"Anak, anong nangyayari sa'yo? May masakit ba sa'yo?"

Mabilis namang umayos si Dawn ng marinig ang boses ni Mother Superior.

"Mother," Bati niya sa matandang madre bago nagmano. "Ayos lang po ako," Nakangiti niyang sabi.

"Mabuti naman," Mukhang nakahinga ito ng maluwag. "Nariyan nga pala si Magnus sa ibaba. Kaya lang parang kakaiba ngayon ang batang 'yon,"

Nagtaka naman si Dawn. Wala silang usapan ngayon ni Magnus.

"Ang mabuti pa'y puntahan mo na lang,"

Nakangiting tumango si Dawn sa matanda bago ito talikuran.

...

Pamilyar na bulto ang nakita ni Dawn pagbaba sa lobby. Mula sa clean cut na buhok hanggang sa pormal na pananamit, definitely it's not Magnus.

"Magnum," sambit niya paglapit dito.

Mabilis naman itong tumayo ng makita siya.

"D-dawn," Lumikot ang mata nito isang mannerism na kabisado niya. Kinakabahan ito ngayon.

"Coffee? Basta libre mo," Nakangiti niyang alok.

Napanatag naman ito at ngumiti sa kanya.

"Sure!" Mabilis nitong sang-ayon.

...

"It's been a long time. How are you, Dawn?" Malumanay nitong tanong.

"Nothing change, it's still me." Kibit balikat niyang sagot. "What?" Tanong niya ng nakatitig lang ito sa kanya.

"I think you've changed," Seryoso nitong sabi habang mataman siyang pinagmamasdan. "You're still Dawn but something change about you,"

Bahagya siyang natigilan sa sinabi nito. Maaaring may nagbago sa kanya at iyon ang feelings niya para rito. Nawala na ang pamilyar na tibok ng kanyang puso kapag nakikita ito. Natural na rin ang kilos niya at hindi naiilang kapag kaharap ito. Maybe that changes he's talking about.

"Bakit ka pala napadalaw?" Paglilihis niya sa usapan.

"I want to see you before I leave," Sagot nito. 

"Saan ka pupunta?" Kunot-noo niyang tanong. 

"I'll handle our business abroad,"

Tumango-tango si Dawn. Alam niyang matagal na itong pinapahandle ng mga magulang sa business na 'yon dahil ayaw naman iyong hawakan ni Magnus, kaya nauunawaan niya ang desisyon nito.

"How about Thelma?" Nagtaka si Dawn ng biglang nagbago ang mood nito pagsambit sa pangalan ng babae. "You're leaving her? Hindi mo na ba ipupush ang-"

"Don't mention her," May bahid ng galit ang boses nito kaya hindi na lang niya binanggit ang tungkol sa babae.

"So, kailan ang alis mo ng maihatid naman kita sa airport."

Muli itong ngumiti sa sinabi niya. Isang ngiti na dati ay naghahatid ng mabilis na tibok sa kanyang puso pero ngayon normal na lang.

"No need. Ayokong malungkot pag-alis,"

Marrying a Rebellious Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon