Malakas ang ginawang pagpreno ni Dawn ng makita ang taong hindi niya inaasahang makita sa race lane. Seryoso ang tingin nito taliwas sa gulat niyang mga mata.
Akala niya kung ano ang gagawin nito pero nagulat siya ng bigla itong yumakap sa kanya.
"You're causing my heart failure, Indiana. You scared me to death!"
Hindi niya napigilan ang malakas na kabog ng dibdib dahil sa nag-aalala nitong boses. Ang mahigpit nitong yakap ay nagbibigay ng kiliti sa kanyang sikmura.
"V-vander," Mahina niyang sabi. "What are you doing here?"
Bahagya itong lumayo sa kanya.
"Don't!" Pigil niya ng tangkain nitong alisin ang kanyang helmet. "Back off," Seryoso niyang sabi bago muling paandarin ang kanyang motor.
"Indiana!" Hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kanya.
Tumigil si Dawn sa kasamahan niyang naghihintay sa kanya.
"Kilala mo 'yung pogi?" Salubong sa kanya ni Litos.
Tumingin siya sa itinuro nitong direksyon. Napataas ang kanyang kilay ng napapalibutan si Vander ng kababaihan.
"Hindi!" sagot niya at nag-iwas ng tingin.
"O, bakit galit ka?" Natatawa nitong sabi. "Maiba ako, bakit naging trending ka ha? Iyong mga larawan mo sa internet, mga legal kompetisyon mo iyon. Bakit sinasabi nilang illegal 'yon? Hindi ka naman kilala rito maliban sa codename mo?"
"Ewan ko,"
Iyon din ang gusto niyang malaman. Kung sino ang na sa likod ng mga larawang iyon at paninira sa kanyang pangalan.
"May nakabangga ka bang bigatin? May issue ka rin ng droga at gambling sa internet,"
"Huwag na nating pag-usapan. Kilala mo ako, Litos. Hindi ko magagawa ang tungkol sa droga. Maaaring sa sugal pwede pa, pero pagkatapos kong maglaro ako mismo ang tumatawag sa pulis para i-raid ang lugar." Seryoso niyang sabi rito.
"Alam ko 'yon. Nagtataka lang ako kung sino ang gustong sumira sa pangalan mo,"
"Huwag mo ng isipin 'yon. Deposit mo na lang ang premyo ko. Kunin mo na rin ang kabahagi mo," Bilin niya rito.
"Areglado, Redhair!" Nakangiti nitong sagot.
"Alis na 'ko!" Paalam niya at muling binuhay ang motorsiklo.
Nagulat si Dawn ng may biglang umangkas sa likuran niya.
"What the-"
"Sorry girls. My wife is here," Putol ni Vander sa sasabihin niya.
"Redhair is married to a popular guy like you? I wonder what's she looks like to get you," Nakacross arm na sabi ng isang babae.
"Bumaba ka!" Utos niya kay Vander pero hindi ito umalis, sa halip yumakap pa ito sa baywang niya.
"May misunderstanding lang kami ni Misis," Sagot nito sa mga babaeng nagtataka sa pagsigaw niya.
"Girls, let's go! Taken na pala siya," Paanyaya ng isa pa.
"Ano bang ginagawa mo? Umalis ka nga d'yan!" Singhal niya kay Vander ng umalis ang mga babae. Tinapik din niya ang braso nitong nakapulupot sa kanyang baywang.
"I'll go with you," Sambit nito.
"Nasisiraan ka ba? Bumaba ka na!" Muli niyang sabi pero hindi ito kumilos. "Ano ba, Vander! Pinaglalaruan mo ba 'ko?" May sama ng loob niyang tanong. "Ang alam ko iniwan mo 'ko noong panahon na akala ko okay tayo. Nang lumayo ako, nagkita ulit tayo pero anong ginawa mo? Hinalikan mo ako at sinabihan ng I miss you pero tinalikuran mo ulit ako. Tapos ngayon... Ano ba talagang gusto mo?" Nagdaramdam niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Marrying a Rebellious Heiress
RomanceHe's perfect and she's not. He's not an alcoholic but she is. He's good at modeling but she's better at drag racing and gumbling. Everything he has, she doesn't care. Vander Monterallo is a successful man and well known as the most popular cover...