"Mimina sa'n ba tayo pupunta?" Tanong ko,Nang makasakay na kami sa sasakyan nya.
Magsasalita na sana sya ng biglang may tumawag sa cellphone ko,Kaya agad ko itong tiningnan.Nang makitang si Kate ito ay agad akong kinabahan.
Baka alam na nya yung nangyari kanina samin ni Stacy,Baka galit din sya sa'kin,Baka mawalan din ako ng trabaho dahil sa eskandalo kanina.
"Sagutin muna.."
"Pano kung galit sya?" Kinakabahan kong saad.
"Edi galit." Napairap nalang ako sa sinabi ni Jas,At agad na sinagot ang tawag.
"K-kate?" Utal kong saad.
"Vien,Are you okay?Nakarating sakin ang balita na nag away kayo ni Stacy..Nagantihan moba?Nasapak moba?" Nag aalalang saad nya,Agad naman akong huminahon dahil kala ko galit sya.
"I'm fine Kate,Hindi ko nga nagantihan e na hurt ako sa sinabi." Pabiro kong saad.
"Pero ngayon nakabawi kana.." Hindi ko nakikita si Kate ngayon,Pero ramdam ko ang pagngisi nya sa kabilang linya.
"Pano?"
"Tinanggal ko ulo nya." Sabat ni Jasmine,Kaya tiningnan ko sya ng masama.
"Chill!" Natatawa nyang saad.
"Ay anjan pala ang future girlfriend ni Kuya Storm!" Tili ni Kate sa kabilang linya,Napatawa naman ako nang magseryoso si Jasmine ng muka.
"Kate panong ginantihan?" Pagbabalik ko ulit ng topic.
"Tinanggal ko sya."
Agad akong natahimik,Hindi ko alam pero nalulungkot ako para kay Stacy.Natanggal sya dahil sa selos at inggit,Ang tagal na nyang nag tra-trabaho bilang call center pero sinayang nya lang.
"Pano yung pamilyang binubuhay nya.." Mahina kong sambit,Agad namang napatingin sakin si Jas.
"Ang bait talaga ng kaibigan ko,kahit sinaktan na sya may pake parin."
"Diko mapigilan e,Alam kong hindi lang ako ang nag su-suffer sa mundo.Alam naman natin na kahit masama sila may mabuti parin silang puso."
Napabuntong hininga nalang ako,Sana mag silbing aral na toh kay Stacy..Imbes na sya ang umangat lalo lang nyang hinahatak ang sarili nya pababa.Alam kong masaya na ako dahil wala nang Stacy na mang gugulo sa trabaho ko.
Kaya bago ka gumawa ng masama siguraduhin mona walang mahihirapan pag dating ng panahon.
"Andito na tayo!" Sigaw ni Jasmine,Hindi ko tuloy na enjoy ang byahe dahil sa lalim ng iniisip ko.
Agad bumaba si Jasmine kaya ganun din ang ginawa ko,Napaangat ang tingin ko sa isang lumang bahay mukang wala nang taong nakatira,parang pinabayaan nalang.
Agad akong humarap kay Jasmine dahil nagtataka ako kung bakit kami andito.
"Ano meron jan?" Tanong ko,Pilit kong inaalala kung pumunta ba kami dito dati.Pero wala talaga.
"Yan ang dating DAVION STORE." Mahinang sambit ni Jas,Agad bumalik ang tingin ko sa bahay.
"Anong nangyari?" Parang napapaos kong saad,Ibang iba natoh kumpara sa dati.
"Tanda mopa yung sinabi ni Tita Tisha na binenta na nya etong lupa,Dahil din dun nawalan ka ng trabaho.Akala nya kase mas magiging maayos eto kung iba na ang hahawak ng lupa kaso wala rin pinabayaan rin." Pagpapaliwanag ni Jas sakin,Dahan-dahan naman akong lumapit sa bahay,nang makita ko ang nasa sa loob ay hindi pala eto isang bahay..Ginawa rin pala itong café,May mga gamit pa sa loob na luma narin,Mga lamesa.
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomansThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...