Chapter 4

9 0 0
                                    

"Doc, bakit marami kayong bantay?" nagtatakang tanong ni Ellaine pag dating ni Cassidy sa kanyang clinic.

"Uhmm." nagugulahan siya kung paano sagotin ang kanyang sekretarya. "Ahh Ellaine, mag le-leave muna ako ha, si Dra. Wena muna yung mag co-cover sa akin."

"Ha? Bakit doc?" malungkot na tanong ni Ellaine. "Biglaan naman yata yan doc."

"Mag out of the world este country kasi ako hehe."

"Ano ka alien?"

"Hahaha, no more questions please."

"Last question, Doc!" hirit naman ni Ellaine. "Ano ba talaga yung nangyari sa loob ng delivery room doc?"

Parang sasabog na sa kaba si Cassidy sa tanong ni Ellaine. Hindi niya napaghandaan ang tanong na ito.

"Duda ko kasi may nakain silang may lason." napapikit nalang siya sa pagsisinungaling. "Anyway, the nurses and the doctors are fine Ellaine but they suffer a memory loss."

Ang totoo kasing nangyari ay tinusukan lang nang pampatulog ang mga nurse at doktor, at para hindi magkaproblema ay kinuha ni Hugo ang kanilang memorya sa araw na 'yon lamang.

"Ahh oki dokie."

Napabuntong hininga na lamang si Cassidy nang lumabas na sa kanyang clinic si Ellaine. Kinakabahan siya tuwing may itatanong si Ellaine sa kanya. Napagsunduan kasi nila Hugo at sa mga kasamahan niya na ilihim muna ang pangyayari at pansamantala siyang titira sa rest house ni Hugo.

"Eh yung baby doc, bakit nawala?" nagulat si Cassidy nang pumasok ulit si Ellaine.

Napasapo siya sa noo. "Marites." bulong niya sa sarili at tinignan si Ellaine. "The issue of the baby will remain confidential, Ellaine."

"Oki dokie hehehe."

Napaigtad siya nang biglang nag ring ang kanyang cellphone. Pagtingin niya dito ay nanay pala niya ang tumatawag.

"Ma."

"Anak, totoo bang you're on leave?" tanong ng kanyang nanay sa kabilang linya. "Hindi mo naman kami sinabihan agad ng Papa mo, is there any problem anak?

"There's none mama." pinalungkot niya ang tono ng kanyang boses. "I just need a break. I'm tired ma."

Wow. Best Actress. sabi niya sa kanyang isipan.

"Okay anak, mama and papa got your back always."

"Thank you ma. Mahal ko kayo."

"Love love anak."

Pagkababa ng tawag ay napahawak nalang si Cassidy sa kanyang ulo. "Patawarin niyo po ako sa pagsisinungaling Ma. Hindi ko man sila lubos na kilala ay parang may misyon ako dito sa mundo." sabi niya sa kanyang sarili. "o sa kabilang mundo." pagbibiro niya.

Nagsimula na siyang kunin ang kanyang mga gamit sa clinic nang pumasok ang isang tauhan ni Hugo.

"Doc, hinahanap ka na ni Master."

"Hindi pa po ako tapos," tinignan nita ito. "Bakit daw?"

Napakamot ang tauhan sa ulo. "Yung baby daw Doc, iyak ng iyak hindi nila alam yung gagawin."

Natawa na lamang siya at dali daling tinapos ang mga gagawin.

Pagdating nila sa rest house ni Hugo kung saan sila nagtatago ay narinig niya ang iyak ng bata.

"Anong nangyari?" tanong ni Cassidy at kinuha ang bata mula kay Hugo.

"He won't stop crying!" naiinis na sigaw ni Hugo. "Yung triplets kasi pinaiyak yung bata."

Hinihimas ni Cassidy ang likod ni Luca at pinatahan ito. "Baka napangetan."

"Ano?!" reaksyon ng tatlo.

"Baka nga," pagsang-ayon naman ni Hugo.

Sila lang ang mga tao na makakapasok sa resthouse dahil napakahigpit ang kanilang pagbabantay sa dalawa.

Habang pinapatahan ni Cassidy si Luka ay may tumawag naman sa cellphone ni Hugo. Sinagot niya ito at iniloud speaker.

"Master."

"Yes, knight Vera?"

"The whole universe already knows that you're protecting the yellow blood baby and the yellow blood protector." nagkatiningan silang lahat. "The enemies are hunting you three now."

"Okay, I'm ready for war."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Baby's Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon