16

5 1 0
                                    


Third Person POV

Kasabay ng pagbukas ng malaking pintuan ng istadyum ay sakto rin bumalik ang lahat.

Isang lalaki na kung titingnan mo ay hindi bababa sa edad na trenta at kasunod nito sa kaniyang likuran ang mga prinsipe.

Inilibot ng lalaki ang kaniyang tingin sa iba't-ibang puwesto ng istadyum. Halos ang mga estudyante ay pawang hindi gumagalaw mula sa kanilang puwesto. Magulo ang itsura ng mga estudyante nito. May ilan sa kanila na kagagaling lang sa iyak, ang iba ay hinihingal na akala mo ay nakipaglaban at nakatayo sila malayo sa mga upuan na maayos naman ang pagkakahilera nito kumpara kanina.

"Ano ang nangyari dito?!" Pasigaw na saad ng lalaki.

Nakayuko na lamang ang mga estudyante dahil natatakot sila sa presensya ng lalaki na kararating lamang. Samantala ang mga prinsipe na kasama nito ay napalingon sa gilid ng entablado na kung saan naroroon ang mga Magian Chosens.

Rumehistro sa kanilang emosyon ang pagtataka kung bakit halos lahat ng babae na Magian Chosens ay nasa iisang puwesto. Ang iba pang prinsipe naman ay nanatiling nakaupo ngunit malayo naman sa isa't-isa.

Itinuro ni Brielle kay Hans ang lalaki na mag-isang nakaupo sa hanay. Kung titingnan mo ito ay parang walang gusto lumapit sa kaniya. Agad naman naintindihan ni Hans ang ipinaparating ni Brielle.

Napatingin sila agad sa lalaki na kasama nito nang bigla ulit itong sumigaw.

"Sasagutin lang naman ang tanong ko, hindi niyo pa magawa. Hindi ko alam kung anong nangyari dito. Hindi ko alam kung anong nakain niyo at nagawa niyong maglaro ng habulan. Hindi na kayo bata! Mahiya naman kayo! " Saad ng lalaki.

Nanatiling tahimik ang mga estudyante. Nagtaka naman ang karamihan sa kanila sa sinabi nito na parang wala itong nakikitang mali sa loob ng istadyum.

Napansin naman ng lalaki ang kinikilos ng mga estudyante na parang may hinahanap ito sa lupa at sa mga pader na nakapaligid.

Patuloy pa rin sa paglilibot ng tingin ang mga estudyante. Ang iba ay nagbubulungan pa, karamihan ay hindi makapaniwala sa kanilang nakita at ang ilan ay napabalik sa kanilang kinauupuan.

Napakamot na lamang ng batok ang lalaki at tinanong nito ang kasama niyang mga prinsipe.

" Pakipaliwanag ang nangyari dito." Saad nito sa tatlong prinsipe.

Bago pa man may sumagot sa kanila ay napatingin ang lalaki sa mga prinsesa na nasa gilid ng entablado.

"Anong ginagawa niyo diyan? Bakit kayo namumutla? Mukha ba akong multo?" Saad nito.

May iilan umiling at ang iba ay nakatingin lamang sa kaniya.

"Bumalik nga kayo sa upuan." Utos nito.

Agad naman silang kumilos at umupo sa upuan ngunit napansin niya na nasa kabilang side sila umupo.

"Headmaster, kanina lamang ay nakaramdam kami ng malakas na enerhiya na nagmumula sa isang lalaki. Bigla na lamang nagkagulo ang lahat dahil nahati sa gitna ang lupa at ang iba ay nalaglag. Iilan lamang po ang nakalabas dito kaya napansin niyo kanina na may nadadaanan tayong mga estudyante na nanginginig sa takot. Hindi na po namin alam ang iba pang nangyari dahil ang kasama nito ay nagbigay ng senyales sa amin na kailangan ka raw namin tawagin. "Pagpapaliwanag ni Hans.

Napatango naman si Headmaster.

Agad niyang tinuro ang lalaki." Siya ba? "

Tumango naman ang mga prinsipe samantala ang iba ay nakatingin lamang sa kanila.

Adastrea: Journey to the Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon