Chapter 2

132 11 0
                                    

"Ako naman pinapasagot yung tuition fee, nang tatlo niyang kapatid" malungkot at iiling-iling na sabi ni tsokolate.


Nakaramdam siya nang-awa sa mga kaibigan niyang bakla,Kahit gusto nitong tumulong, wala naman siyang maitutulong dahil parehas lang nanaman sila na tinataguyod ang kanilang pamilya.


"Ano ba kayo mga ateng huwag na kayong malungkot sige kayo papangit kayo nyan" pagpapalakas loob nito sa mga kasamahan...


Alam ni Vanilla na mahal naman ng mga beking kaibigan at katrabaho niya ang mga boylet nang mga ito...

Kaya todo kayod ang mga kasamahan niya masuportahan lang ang kani-kanilang mga jowa...



"Hmmmp...sinasabi mo lang yan dahil babae ka" sabi nan isang kasamahan niyang beki sabay pout at cross arms pa...


Bagamat gustong matawa ni Vanilla sa ikinilos nang kanyang kasamahan dadil sa pag-pout nito sa harapan niya na hindi naman bagaya dahil mas lalong lumalaki ang nguso nito habang ginagawa iyon, pero hindi niya magawang tumawa dahil sa sinabi nito...


Sawang-sawa na siya sa mga ito dahil lagi na lang nila sinasabing babae siya na hindi na raw niya kailangang bumili nang pagmamahal..

Dahil alam niya sa sarili niya na kahit babae siya ay mas nakakalamang ang mga ito...


Siya nga ang inggit na inggit sa mga ito,kasi sila may mga boyfriends na pero siya wala..NBSB pa rin...


Nalungkot tuloy siya sa kaisipang magiging single siya habang buhay, wala pa kasing nagkakamaling manligaw o magparamdam nang pagmamahal sa kanya bukod sa kanyang mga mgagulang at kaniyang mga kaibigan ay wala na...


"Ito naman napakaseryoso" sabi sa kanya ni Tipia...

"oo nga huwag mo na lang pansinin yang si Bernandino, inngit lang ya" bulong naman sa kanya ni tsokolate..


Ngumiti na lang siya dito para ipakitang hindi na siya malungkot pero sa kaloob looban niya ay malungkot parin siya..


Linggid kasi sa kaalaman nilang lahat na kapag seryoso ang mga katarabaho nila ay may malaki itong problema...



Alam nilang napapatawa nga nila ang mga tao at natutulungan ang mga ito na makalimutan pansamantala ang mga problema nila..


Pero ang sarili nilang problema ay hindi nila masolusyunan, Dahil sa likod nang makakapal na makeup, mga wig na mabibigat at mga banat nilang pampawala nang problema...


Ay isa rin silang pangkaraniwang tao na may iniisip na problema..



Mga ilang minuto ay dumating na rin si Mader Vikey at ibinigay na niya ang mga sahod nang kanyang mga empleyado....



Itutuloy...



A/N:

Oppsss pabitin...hahaha

Vote & Comment muna...hehehe

May bago po pala akong story..guys pasupport rin please

Long Lost Love..ang title


Thankss ♥


~Miyuki ♥



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Fan Girl Is My GirlFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon