In the world of Adastrea, every Magian has strange powers that they inherited from their ancestors or one of the lucky ones received Aksha from the ten goddesses who are currently outside the world of Adastrea which is otherwise called the Universe...
Nadaganan ko ang halimaw mula sa pagkakabagsak ko. Tatayo sana ako nang biglang lumiwanag ang paligid hanggang sa napadpad ako sa gubat na ito.
Kaya huwag na kayo magtaka kung masamang salita ang bumungad agad.
Tangina tinulak ako!
Sinamaan ko na lamang ng tingin si Swiper habang naglalakad kami kung saan man kami mapadpad. Nasa harap siya kaya hindi niya napapansin ang masama kong tingin na pinupukol ko sa kaniya.
Palakad-lakad lang kami sa gitna ng gubat nang bigla kaming napatingin sa gilid ng puno. Isang lalaki na nakayuko habang may hinahanap ito.
Ayaw ko man sanang puntahan ngunit napatingin ito sa aming kinaroroonan. Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang sa pinagpatuloy niya muli ang kaniyang pinagkakaabahalan.
Gusto ko na sanang maglakad ngunit umiling si Swiper at itinuro nito ang lalaki. Gusto ko sanang umangal nang bigla itong tumakbo papunta sa lalaki. Wala na rin akong nagawa kundi puntahan sila.
"Anong hinahanap mo?"
Hindi niya sinagot ang aking tanong. Nakatingin lamang sa akin si Swiper pero hindi ako siguro kung sa akin talaga nakatingin. Banlag ba to?
"Sabihin mo na baka sakaling matulungan kita."
Napabuga ng hangin ang lalaki sabay lingon nito sa akin.
Doon ko lamang nasilayan ang kaniyang perpektong mukha sa malapitan. Tangina ang gwapo...
Hanggang leeg lamang niya ang abot ng height ko kumpara sa kaniya.
" It's none of your business." Saad nito
Sungit pota
Gusto ko sana sapakin ang lalaking masungit pero gwapo nang bigla itong tumalikod at humakbang papalayo sa amin.
Napansin ko naman ang suot nitong damit na isa itong uniporme.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
°°°°°°°°°°°°° Normal Magian (Left Side) Magian Chosens (Right Side) °°°°°°°°°°°°
Bagay sana sa kaniya kaso masungit kaya ang panget.
Wala sana akong balak na sundan siya ang kaso tumakbo na naman si Swiper at hinabol niya ang lalaki.
Huwag niyang sabihin na type niya yang lalaki na masungit pero gwapo?
Iiwanan ko na sana sila ang kaso napansin ko na ako na lang ang mag-isa dito. Tangina dinala pala ni Swiper si Aki. Gago hindi ko man lang napansin.
Agad akong tumakbo upang mahabol ang tatlong bwisit. Nang maabutan ko sila ay biglang huminto sa paghakbang ang lalaki. Lumingon ito sa akin habang nakataas ang kilay nito.