Chapter 31

1.8K 113 35
                                    

Sa loob ng ilang araw mula nang simulan ang administration ng sodium bicarbonate ay sumailalim si Yvienne sa daily urine sampling. The uranium present in the samples ranges from 20+microgram and went down to less than 10 after the last sample has been tested. Bagamat hindi pa rin kampante si Makki. Kailangan niyang mas mapababa pa ang uranium, 0.9 to 1.5 micrograms as estimated will be his target.

"Titiyakin kong magiging ligtas si Yvonne sa mga lugar na pupuntahan namin." Nagsalita si Leihnard at dumantay ang kanang palad nito sa kanyang balikat habang pinapanood nila ang magkapatid na nag-uusap sa cottage.

"I will accompany you to the mainland," aniyang sinulyapan si Leihnard.

"No need to send us off, Mikael. You still have a lot of things to do for your wife."

Pinukol niya sa kawalan ang paningin. It's true, his hands are full. He is hoping the babies are fine despite of the harmful capacity of the toxin inside his wife. He is observing for signs to manifest and so far there has none. Hindi nababawasan ang pangamba niya kahit may improvement ang ginawa niyang intervention para sa asawa dahil hindi niya malaman ang kondisyon ng mga anak nila. Hindi rin naman siya basta pwedeng magtawag ng doctor at baka matuklasan ang bombang nasa loob ng katawan nito. Maglilikha iyon ng takot at si Yvienne rin ang magiging apektado. Siguradong dadalhin sa isolation ang babae.

Ni hindi sila makabiyahe pauwing Pilipinas dahil malaki ang posibilidad na ma-detect sa airport ang bomba. Baka mapahamak pa roon ang mag-iina niya.

"Sheruh is coming to assist you. I heard they're loaded at the Infirmaria. They're giving shelter for the injured victims of the earthquake in Martirez province. But Lyam promised to set off the next two days."

Tumango lang siya sa ni-report ng kapatid. Dalawang araw pa? Hindi na niya mahihintay iyon. Kailangan na niyang maalis ang bomba. Tinapik ni Leih ang kanyang likod at iniwan siya roon. Ngayon ang alis nito at ni Yvonne papunta sa susunod na bansang paglalatagan ng mga ito sa exhibit tour.

Dalawang oras matapos tumulak paalis sina Leih at Yvonne ay dumating si Sheruh. Sinalubong niya sa harbor ang kapatid. Nai-forward na niya rito ang detalye kaya hindi na ito nag-abalang magtanong pa.

"Lyam is on the line. If you are going to perform the surgery, he'll assist you through the web," pahayag nitong pinisil ang kanan niyang balikat.

"Thank you for coming, Paps." Nagmamadali silang umakyat papanhik ng bahay.

"Kasama ko sina Jrex at Alex. Nagpaiwan sila sa capital para kausapin ang militar dito at nang magawan ng action ang nangyari kay Yvienne. We will demand justice and put down those at large members of the triad involved in this." Tinapik ni Sheruh ang batok niya.

He really appreciated the solid support from his brothers. Even if what he is intended on doing is beyond his skills. This is not the first time that he is to take a stand when no more choices left for him. His capability pushed him to break his limits.

"Can you administer the sedation for her?" he asked after they gone up to the floor where he prepared everything for the surgery.

Dalawang araw rin niyang kinompleto ang mga kailangang facility roon sa tulong ni Leihnard. Alam na ni Yvienne ang plano niya at pumayag naman kaagad ang asawa niya. Damang-dama niya ang laki ng tiwala nito sa kanya at nakadagdag iyon sa lakas ng loob niya.

"I can." Tumango si Sheruh habang sinusuyod ng tanaw ang medical care room. Humantong sa operating table ang paningin nito at naglakad patungo roon. "What's the plan?" tanong nito.

"I will open her belly to detonate the bomb using the improvised argon light source I've made for laser detonation."

"High-speed? Hindi ba harmful sa babies ang radiation?"

NS 18: ROMANCING THE ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon