Nakakaawa yung dalaga, rinig na rinig ko yung sigaw niya nagmamakaawa at humihingi ng tulong saakin. Sobrang babaw ng kasalanan na nagawa ko pero nagawa niya pang idamay ang ibang tao, wala akong nagawa at hindi ko natulungan yung babae. Iyak lang ang tanging nagawa ko lalo na at di ko magalaw yung ibang parte ng katawan ko dahil parang namanhid sa mga suntok niya lalo na yung mukha ko, ni hindi ko man lang magawang sumigaw.
Pagkatapos nung ginawa ni dale sa babae nilapitan neto ako at hinarap sakanya kita pa rin yung galit sa mga mata niya kaya kahit basang basa na ng mga luha yung mata ko nagawa ko pang mag taray dahil tinaasan ko siya ng kilang kaya isang suntok at isang sampal ang nakuha ko.
Iyak lang ng iyak yung babae sa kama namin, di alam kung paano tumahan lalo na at kaharap niya ako. Mataray ako pagdating sakanila kaya natatakot siyang humarap saakin lalo na sa ginawa sakanya ni Dale kaya mas lalo akong naawa.
Pilit kong inaabot yung tali na nasa likuran ko kahit namamanhid yung kamay ko at nagsimula na ring magdurugo yung gilid ng labi ko. Nang maalis ko yung tali sa katawan ko dun na ako lumapit sakanya at niyakap siya, di niya ata inaasahan yung ginawa ko kaya mas lalo siyang napahagulgol.
"Sorry po maam di ko po yun gusto pasensya na po huhuhu" alam ko dahil hindi naman ganito yung magiging reaction mo kung sakaling ginusto mo
"Its okay....wala kang kasalanan...." dahil yung gagong dale na yun ang may kasalanan
Kinumutan ko siya para matakpan yung hubad niyang katawan atsaka kumuha ng isa sa mga damit ko at yun yung pinasuot ko sakanya. Inalalayan ko rin siyang pumunta sa kwarto nilang mga maid at nakita ko yung dalawang kasama niya na naglilinis sa kitchen kaya tinawag ko sila dahil gusto kong kausapin.
Naguguluhan yung dalawa kung bakit puno ako ng mga pasa at umiiyak yung isa sakanila. May nag presinta pa nga na gagamutin yung sugat ko kaso sinabi kong wag na at makinig na lang sila sa sasabihin ko.
"Umuwi na kayong tatlo.Babayaran ko kayo ng sobra sobra basta umuwi na kayo at gusto ko ngayon mismo kayo aalis. Sundin niyo ang sinasabi ko kung ayaw niyong mangyari sainyu yung nangyari sakanya" Tinuro ko yung isa sa mga kasama nila na hinalay ni Dale kaya dali dali rin silang nag impake. Bumalik ako sa kwarto para kumuha ng pera at nilagay yun sa sobre. Pagkabalik ko handa na silang tatlo kaya binigay ko yung pera sakanila.
"Maraming salamat po maam"
"Pahiramin moko ng phone mo" aalis sila kaya kailangan ko ng bagong kasambahay at pipili ako ng may edad. Tarantado na lang si dale kung pati yung matanda papatulan niya
Tumawag ako sa isang agency at sinabi kong naghahanap ako ng kasambahay na 50 pataas yung edad. Apat na kasambahay yung kinuha ko at bukas na daw yun dadating.
Binalik ko yung phone ng babaeng nagpasalamat saakin atsaka sila pinaalis.
"Mag madali kayo para hindi kayo maabuta ni dale"
"Sige po maam mag ingat kayo" Tinanguan ko lang sila at bumalik na sa kwarto upang mapahinga di na rin ako nag abala pang gamutin yung sugat ko sa labi at yung mga pasa ko.
Naligo muna ako bago ipagpahinga yung katawan ko, nung una hindi ko pa kayang gumalaw kaso wala akong magawa kaya pinagpilitan kong galawin kahit masakit. Di ako natulog sa kama hindi dahil marumi kungdi ayaw ko ng matulog dun kaya pilit ko namang pinagsisiksikan yung katawan ko sa sofa .
Mahimbing na yung tulog ko ng may narinig akong nagsisigawan. Sinisigaw na naman niya yung pangalan ko na galit na galit. Rinig ko din na parang may nababasag kaya mas lalo akong napapikit at kinagat yung labi ko baka sakaling mabawasan yung kaba na nararamdaman ko.
Ang lakas ng pagkabukas niya ng pinto ng kwarto namin na mas lalong nagpapakaba saakin.
"Cassidrelle!!!!" Sa sobrang lakas ng sigaw napilitan na lang akong tumayo at harapin siya. Isang sampal at sabunot kaagad yung binigay niya saakin.
"Nasan yung mga maid??!!! May nag report saakin!!! Lumayas daw sila!! What did you do huh?!!" Di niya yata kayang magsalita ng mahinahon dahil yung gusto ay pasigaw.
"Wala akong ginawa sakanila"
"Dont lie!!! Fvck you Cassidrelle!!! fvck you!!" bakit ganon niya nalang ako kung murahin?? Sobrang halaga ba ng mga maid namin sakanya??
"They are my toys Cassidrelle!!!" Toys huh?? Mas mabuti na pala yung ginawa kong pagpapaalis sa tatlong dalaga dito sa bahay. Ngunit kailangan kong inandahin yung sakit na matatanggap ko ngayong gabi.
Ilang beses niya akong sinikmuraan at pinagsusuntok. Iniisip niya yatang punching bag ako. Nalasahan ko na rin ang dugong unti unting pumapasok sa bibig ko na galing sa mga labi ko. Nananakit na yung sobra yung katawan ko at mas nadagdagan na rin yung mga pasa ko. Di na mabilang yung mga sugat at pasa ko dahil lahat ng parte ng katawan ko meron at hanggang ngayon di parin niya ako tinitigilan.
Di pa siya nakuntento at binuhat ako at tinapon sa kama namin. Pumapaibabaw siya saakin at pilit na hinuhubad yung mga damit ko. Umaapoy na yung mga mata niya sa galit lalo na ng maramdaman niyang pinipigilan ko yung kamay niyang pilit hinuhubad yung damit ko.
Pinunit niya yung damit ko dahil di niya mahubad. Pilit niya ring hinahalikan ako kahit di ako tumutugon sa mga marahas niyang halik. Napapaluha na lang ako ng dahil sa ganitong sitwasyon ko. Tinulak ko siya ng malakas kaya nakaalis siya sa ibabaw ko at dun niya naman ako sinampal ng sobrang lakas, as in mas malakas pa sa unang sampal niya. Minura mura niya muna ako bago iniwan sa kwarto.
Napaiyak na lang ako di ko inisip na sa kabila ng maraming lalaking nagkakarandapa saakin napunta lang ako sa lalaking sasaktan ako ng sobra.
YOU ARE READING
Twenty One Twenty Five
Fiksi RemajaI was twenty one when my parents forced me to marry a twenty Five year old man. Maganda ang buhay ng walang asawa dahil wala kang ibang gagawin kundi ang tuparin ang mga pangarap mo. Gala kahit saan at kahit anong oras nang makakauwi pero lahat na...