Chapter 41

223 7 0
                                    

"Ma'am Caitríona."

Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ng tadhana na magyari itong lahat o hindi? Sasabihin ko na nga, bakit nya pa ako pinigilan? O baka naman may iba pang dahilan ang lahat. Ang naguguluhan nyang mukha ay agad napalitan ng inis, hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro sa pagiistorbo samin ng isang nyang tauhan.

Walang reakyson akong lumingon sa tumawag sa aking pangalan. Hindi ko alam kung bakit nya ako tinawag, hindi naman nya siguro ako tatawagin para lang sa wala diba? Nakatingin lang ako sa kanya, habang ang tauhan naman ni Hendrix ay para bang mamatay na dahil nangingin ang katawan nito at pinapapawisan na para bang napaka-init sa kusina.

"Yes?" Walang reaksyon kong tanong sa kanya at siguro itong tinignan.

"You need to see something suspicious." Nakayuko at para bang naka-importante talaga ng sasabihin nya.

Agad na tumaas ang kilay ko, dahil simula nung tumira ako sa bahay ni Hendrix ay wala naman silang inirereport saking kahinahinala, ngayon lang. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinasabi ng kanyang tauhan. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko may manyayaring masama na dahil manging handa ako.

Mabilis kong nilingon si Hendrix na sana aking likuran at nakatingin lang sa aming dalawa ng kanyang tauhan. Gusto kong magsalita at sabihin sa kanyang aalis muna ako, pero alam ko namang gusto na nya akong umaalis at mawala sa kanyang paningin. Hindi ko rin alam kung bakit sya nagkakaganyan, nagtataka na ako.

Parang may nagbago sa kanya, simula nung may nakausap sya sa kanyang cellphone kanina. Nagsisimula na akong matakot at kabahan sa mga susunod na mangyayari. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang sinasabi ng aking mga mata na kailangan kong umaalis dahil napaka-importante ang aking pupuntahan.

Tumango lang sya sakin at mabilis ako tinalikuran na para bang wala lang sa kanyang ang lahat. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nasaktan dahil sa kanyang gingawa na para bang wala na talaga syang pakialam sakin. May ginagwa ba akong hindi ko alam?

Hindi na lang ako nasalita at mabilis na lumapit sa kanyang tauhan. Tumango lang ako sa kanya at nauna na syang naglakad papaalis ng kusina. Bago ako lumabas ng kusina ay nilingon ko muna sya. Kahit sa isang saglit ay hindi man lang nya ako nilingon at nagpatuloy lang syang pagluluto sa kusina.

Gusto ko maiyak dahil pakiramdam ko ang lamig-lamig nya sakin. Parang hindi na sya ang dating Hendrix na kilala ko. Iniyuko ko na lang ako aking ulo at mabilis na sinundan ang tauhan ni Hendrix sa aking unahan.

Kahit na gustong-gusto ko ng maiyak ay pinanatili ko ang seryoso kong mukha, ayaw kong nakikita nila akong mahina dahil lang kay Hendrix. Naglakad lang ako ng naglakad, alan kong natataka na ngayo si Manang ko bakit ako lumabas ng kusina na ganito ang itsura.

Akala ko pa naman nagiging masaya ang araw na ito dahil makakasama ko na si Hendrix ng buong araw, pero nagkamali ako dahil hindi pala mangyayari ang bagay na yun. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nakasunod lang sa tauhan ni Hendrix.

Hanggang sa nakarating kami sa control room nitong bahay ni Hendrix. Agad ako sinalubong ng mga tauhan ni Hendrix sa pintuan pa lang. Walang reaksyon ko silang tinignang lahat. Mabilis naman nilang binuksan ang pintuan para makapasok ako sa loob ng control room.

Agad kong nakita ang taltong malalaking flat screen tv at ang mga tauhan ni Hendrix na naka-monitor sa kayang buong mansyon at pati na rin sa labas ng kanyang mansyon. Hindi ako magtataka kong tatawagin nila akong lahat.

Nakatayo lang ako pagkatapos ko sa loob ng control room. Lahat sila ay sobrang busy na para bang nasa isang agency company kami. Nakatingin lang ako sa malaking flat screen tv kung saan nakikita ko si Hendrix na walang emosyong naluluto sa kusina.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon