26: Soaring Down

25 7 1
                                    

RENETTE POV

"Ma! Ano bang problema mo?" sigaw na naman ni Roger sa akin.

Wala pang limang minuto mula nang umuwi siya, heto at nagbabangayan na naman kami. Hindi ko alam pero sa tuwing makikita ko si Roger, kumukulo ang dugo ko.

Pabalang ko siyang sinagot, "Bakit ngayon ka lang?! Kanina pa ako hintay ng hintay sayo, ha! Alam mo naman na kailangan ko nang katulong sa bahay pero wala akong magawa dahil bantay ko lagi si Adam!"

"Di ba sinabi ko naman sayo, galing ako sa practice ng banda! Naghahapit kami sa oras para marelease na ang album-"

Hindi pa siya tapos magsalita ay tumama na sa katawan niya ang iba't-ibang gamit sa bahay. Baso, plato, kutsara, tabo, walis, flower vase.. hindi ko na alam kung ano pa yung ibang nahablot ko para batuhin siya.

"Napakasinungaling mong hayop ka! Sinong ginagago mo? Kausap ko kanina sa telepono si Dorf at sinabi niya na maagang natapos ang practice nyo! Ngayon, iexplain mo sa akin kung bakit ginabi ka na naman ng uwi?!"

"Si Dorf na naman? Wala kang ibang ginawa kundi tawagan siya ah. Magkampihan pa kayo!"

"Huwag mong ilihis ang usapan, Roger! Tinatanong ko kung saan ka nagpuntang hayop ka?!" nanggagalaiti kong tanong sa kanya. May hinala na ako kung saan siya galing dahil amoy na amoy ko ang alak pagpasok pa lang niya ng pinto.

"Alam mo masyado kang praning! Napipikon na talaga ako sayo! Wala akong babae, kung 'yan ang inaalala mo!" nanlilisik ang mata niyang sabi sa akin, "Tigilan mo nga ako at pagod ako!"

Pagkatapos noon ay nilayasan niya ako at dumiretso ng kwarto para matulog.

Susundan ko pa sana siya ng marinig ko ang iyak ni Adam.

Mabigat ang mga paa kong dumiretso sa kwarto ni baby para patahanin siya habang ako naman ang umiiyak, "B-basa na pala ang diaper mo, baby.. oh wag ka na iiyak.. papalitan ko na."

Tinitigan ko nang matagal si Adam habang tahimik na ulit siyang natutulog. Ang ganda ng ngiti niya, payapang-payapa at walang kamalay-malay. Napakainosente.

I'm sorry kung hindi ako isang mabuting ina sayo, Adam. I just don't know what to do anymore. I tried my best, pero parang laging may kulang. You deserve a perfect family, and we are not.

Tumayo ako at binuksan ang drawer para kumuha ng isang maliit na paketeng may lamang puting pulbos. Nanginginig ko iyong kinuha bago inilagay sa bulsa. Umakyat ako ng attic kung saan nandoon ang isang maliit na study room na pinagawa ni Roger para sa akin.

I stayed there for God knows how long habang paulit-ulit na bumubulong sa utak ko ang mga katagang matagal kong pinipilit iwaksi sa isipan subalit parang uod na gumagapang sa ilalim ng mga balat ko. At anuman ang gawin ko, hindi iyon maalis sa isipan ko.

Sana hindi na lang ako ipinanganak.

"Netty! Netty!" isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin, "Gumising ka na at kailangan ka ni Adam." Halata sa boses niya ang pag-aalala.

Sinubukan kong gumising subalit napakabigat ng mga talukap sa mata ko. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Anong nangyayari sa akin?

Muling umalingawngaw ang boses, "Doc, anong problema niya? Mag-24 hours na siyang tulog. Bakit hindi pa rin siya gumigising?"

"Her body needs rest, sir," sagot naman ng isa pang boses. "Mahina ang katawan niya. Alam mo ba kung ilang araw siyang hindi natutulog?"

"Huh, hindi ko po alam..."

"Kelan siya huling natulog?"

Biglang tumahimik ang boses.

Ako ba ang pinag-uusapan nila? I know that voice. It was Roger's.

My Amnesia Band: Two Worlds Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon